top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | May 20, 2025



Photo File: Bagong Henerasyon, Duterte Youth, George Garcia - FB, Comelec


Sinuspinde ng Commission on Elections (Comelec) ang proklamasyon ng Duterte Youth at Bagong Henerasyon Partylist. 


Ang Duterte Youth ay nakakuha ng 5.6% ng partylist votes na katumbas ng 3 seats habang ang Bagong Henerasyon naman ay may 1 seat. 


Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, 'yan ay dahil sa mga naka-pending pang petisyon laban sa mga ito sa Comelec. 


Sa resolution ng National Board of Canvassers, may seryosong alegasyon sa mga ito dahil sa paglabag umano sa election laws. 


Ayon sa Comelec, dedesisyunan ito bago ang Hunyo 30. 


Sa isang pahayag, sinabi ng Duterte Youth na kukwestyunin nila sa Korte Suprema ang suspensiyon. 


Sabi naman ng Bagong Henerasyon, hindi nila alam na may kaso laban sa kanila. Naghain na umano sila ng urgent motion sa Comelec para iproklama.

 
 

ni Lolet Abania | February 17, 2021



ree

Dinismis na ng Supreme Court (SC), tumatayo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET) ngayong Martes, ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Bise-Presidente Leni Robredo sa naging resulta noong 2016 na halalan.


Ayon kay SC Spokesperson Brian Hosaka, nagkakaisa ang naging desisyon ng korte na ibasura ang naturang protesta kung saan halos umabot ng limang taon matapos na i-file ito ni Marcos noong June 29, 2016.


Sinabi ni Hosaka na sa 15 justices na dumalo sa meeting, pitong magistrates ang “fully concurred” sa dismissal habang ang natitira naman ay “concurred” ang kanilang boto.


Ang lumabas na desisyon ay nakatakdang i-upload sa website ng high court. Gayunman, hindi masabi ni Hosaka kung ang naging desisyon ay maaari pang iapela.


“I cannot answer the question because I only have the information which I read,” ani Hosaka sa isang news conference ngayong Martes.


Ayon sa election lawyer ni Robredo na si Romulo Macalintal, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng desisyon subalit magsasagawa ang kanilang kampo ng press conference kapag hawak na nila ito.


“Hindi pa kami nakakatanggap ng desisyon, nakinig lamang kami sa presscon. Ngayon lang kami magkakausap mula nu’ng magkaroon ng pandemya tungkol sa bagay na ito,” ani Macalintal.


Sinabi naman ng abogadong si Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, wala pa rin sila natatanggap na kopya ng desisyon.


"The information that we have are primarily sourced from our media friends and not from any official notice or information emanating from the Presidential Electoral Tribunal," ayon sa emailed statement ni Rodriguez.


"We shall issue our statement on the matter as soon as we have established the facts based on official document or pronouncement coming from the PET," dagdag ni Rodriguez.


Sa pahayag ng Palasyo, nirerespeto nila ang desisyon ng Supreme Court subalit maaari pa umanong mag-file ng appeal si Marcos.


“‘Yan ay desisyon ng Kataas-taasang Hukuman. We respect that,” ani Presidential Spokesperson Harry Roque sa isang press conference sa Davao City.


“We respect also that the camp of (former) senator Bongbong Marcos has a further remedy of moving for reconsideration,” dagdag ni Roque.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page