top of page
Search

by Info @Editorial | August 5, 2025



Editorial


Patuloy ang paglobo ng populasyon sa Metro Manila. 


Ayon sa 2024 Census ng Philippine Statistics Authority (PSA), pumalo na sa kabuuang 14,001,751 ang bilang ng tao sa Metro Manila, na kumakatawan sa 12.4% ng kabuuang populasyon ng Pilipinas na mayroong 112 million noong nakaraang taon.


Mula 2020, tumaas ang populasyon ng Metro Manila ng 517,289 katao, mula sa 13.48 milyong kabuuang bilang nito.


Masasabing dahil sa kakulangan ng oportunidad sa mga probinsya, dagsa ang mga tao sa lungsod sa pag-asang makahanap ng trabaho at mas magandang buhay.


Ngunit kapalit nito ay matinding trapiko, kakulangan sa pabahay, polusyon, at hirap sa serbisyong medikal at edukasyon. 


Kailangan ng konkretong aksyon: maayos na urban planning, decentralization ng serbisyo at oportunidad, at mas aktibong family planning. 


Ang pagtugon sa isyung ito ay hindi lang tungkulin ng gobyerno, bahagi rin ng mas malawak na plano para sa mas maayos na kinabukasan ay ang bawat isa.

 
 

by Info @Editorial | August 4, 2025



Editorial


Mula noon hanggang ngayon, problema pa rin ang trapik. Ang masaklap, kahit sa mga ‘di pangunahing lansangan ay grabe na rin ang trapik, halos hindi madaanan. 

Isa sa nakikitang dahilan ay ang mga nakaparadang sasakyan. 


Kaugnay nito, nagpanukala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng limitadong parking hours sa mga secondary at tertiary public roads sa Metro Manila.Para sa DILG, gusto nilang magpatupad ng parking ban mula 5:00 a.m. hanggang 10:00 p.m. bilang solusyon sa lumalalang problema sa trapiko.


Sa bersyon naman ng MMDA, isinusulong na magkaroon ng dalawang mas maiksing parking ban hours. Iyan ay mula 7:00 a.m. hanggang 10:00 a.m. at mula 5:00 p.m. hanggang 8:00 p.m. 


Habang may mga motorista naman na humihirit na tuluyan nang ipagbawal ang pagparada sa mga kalsada sa lahat ng oras.


Mula sa mga nabanggit na opsyon, umaasa tayo na matapos pag-aralang maigi ay masosolb na ang problema.


Anuman ang maging desisyon, sana’y sundin naman ng lahat. Sana’y magkaroon ng disiplina para kahit paano ay mabawasan na ang grabeng trapik.

 
 

by Info @Editorial | August 3, 2025



Editorial


Sa gitna ng posibleng pagpapaliban ng Barangay at SK Elections, isang malinaw na hamon ang dapat harapin ng mga opisyal ng barangay: Sulitin ang bawat araw sa panunungkulan.Ang bawat araw na nadadagdag sa termino ay hindi gantimpala, kundi dagdag na pananagutan. 


Hindi dahilan ang postponement para magpahinga o makampante sa puwesto lalo't hindi para mangampanya.


Sa halip, ito ay isang pagkakataon para patunayan na nararapat sa tiwala ng mamamayan at may mga magagawa pa bilang lingkod-bayan.Panahon na para itigil ang palusot at tapusin nang mas epektibo ang serbisyo. 


Dapat maramdaman ng taumbayan na may tunay na liderato sa barangay.

Hindi mahalaga kung gaano katagal ka sa puwesto, kundi kung anong naiambag mo habang nar’yan ka.


Sa huli, ang tapat na serbisyo ang magiging sukatan — hindi ang panahon ng pananatili sa posisyon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page