top of page
Search

by Info @Editorial | August 11, 2025



Editorial


Sa kabila ng mga patakaran at kampanya, patuloy pa rin ang bullying sa mga paaralan. Halos araw-araw, may batang umiiyak, natatakot, at unti-unting nawawala ang tiwala sa sarili dahil sa pang-aapi ng kapwa mag-aaral.


Hindi ito “normal na parte ng paglaki”. Isa itong seryosong problema na may malalim na epekto sa emosyonal at mental na kalusugan ng bata. At kung mananatili tayong tahimik, mas lalo itong lalala.


Hindi sapat ang mga seminar at posters. Kailangan ng tunay na aksyon: pakikinig, pagdidisiplina, at pang-unawa. Gawin nating ligtas ang paaralan — hindi lugar ng takot kundi ng pag-asa.


Panahon na para wakasan ang bullying. Ipaunawa sa kabataan ang halaga ng buhay at pakikipagkapwa-tao.

 
 

by Info @Editorial | August 10, 2025



Editorial


Sa kabila ng mga patakaran at kampanya, patuloy pa rin ang bullying sa mga paaralan. Halos araw-araw, may batang umiiyak, natatakot, at unti-unting nawawala ang tiwala sa sarili dahil sa pang-aapi ng kapwa mag-aaral.Hindi ito “normal na parte ng paglaki”.


Isa itong seryosong problema na may malalim na epekto sa emosyonal at mental na kalusugan ng bata. At kung mananatili tayong tahimik, mas lalo itong lalala.Hindi sapat ang mga seminar at posters.


Kailangan ng tunay na aksyon: pakikinig, pagdidisiplina, at pang-unawa. Gawin nating ligtas ang paaralan — hindi lugar ng takot kundi ng pag-asa.Panahon na para wakasan ang bullying. Ipaunawa sa kabataan ang halaga ng buhay at pakikipagkapwa-tao.

 
 

by Info @Editorial | August 9, 2025



Editorial


Isang nakakabiglang balita ang yumanig sa bayan ng Santa Rosa, Nueva Ecija nitong Agosto 7, 2025. 


Isang 15-anyos na estudyante ang binaril ng kanya umanong dating kasintahan na edad 18, na nagbaril din sa sarili sa loob mismo ng silid-aralan. 

Paano ito nangyari sa isang lugar na dapat ay ligtas?


Habang ang atensyon ng marami ay nakatuon sa mga pang-akademikong isyu, tila nakakaligtaan ang mas mahalagang usapin: ang kaligtasan at kapakanan ng mga estudyante habang sila ay nasa loob ng iskul.Ang pamamaril sa loob ng paaralan ay hindi lamang simpleng krimen. Isa itong patunay ng maraming bagay: una, ang pagkabigo sa pagpapatupad ng mahigpit na seguridad sa mga gate; pangalawa, ang pangangailangan para sa mas seryosong pagtutok sa mental health ng kabataan; at panghuli, ang nakakabahalang kadalian ng access sa mga nakamamatay na armas, kahit ng menor-de-edad.


Hindi dapat naghihintay ng trahedya bago kumilos. Kailangang mayroong konkretong hakbang tulad ng regular na inspeksyon sa mga kagamitan ng estudyante, mas mahigpit na ugnayan sa mga magulang, mental health programs, at pangmatagalang polisiya na magtitiyak ng kaligtasan sa loob ng bawat klasrum.


Hindi tayo dapat maghintay ng isa pang pamamaril. Ang panawagan para sa mas ligtas na paaralan ay hindi bukas, kundi ngayon na.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page