top of page
Ralph Recto.jpg
Search

ni Mai Ancheta @News | June 16, 2026



Magnitude 6.6 earthquake - Phivolcs

Photo: Magnitude 6.6 earthquake - Phivolcs



Isang linggo matapos ang malakas na pagyanig sa ilang lugar sa Eastern Mindanao, muling nakaranas ng 6.6 magnitude na lindol sa bahagi ng Governor Generoso, Davao Oriental nitong pasado alas-5 ng hapon, Lunes.


Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology, ang lindol ay naramdaman sa General Santos City, Digos City, at ilang bayan sa South Cotabato.


Wala pang impormasyon ang Phivolcs kung may pinsalang idinulot ng panibagong pagyanig.


Inaasahan ang mga aftershock ayon sa ahensya.



 
 

ni Jeff Tumbado @News | June 14, 2026



Magnitude 7.8 lindol sa Mindanao - Bureau of Fire Protection

Photo: BFP



Umakyat na sa 61 ang bilang ng mga nasawi sa magnitude 7.8 na lindol na tumama sa ilang bahagi ng Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).


Ayon kay OCD Assistant Sec. Bernardo Rafaelito Alejandro IV, patuloy pa rin ang beripikasyon ng mga pangalan ng mga nasawi


Bumaba naman sa 33 ang bilang ng mga nawawala mula sa dating 40, habang umabot

na sa 1,221 ang bilang ng mga nasugatan.


Karamihan sa mga namatay dahil sa bumagsak na debris ay naitala sa General Santos City, habang ang mga nasawi dahil sa landslide ay mula sa Jose Abad Santos at Sarangani Island.


Patuloy naman ang search and rescue operations sa mga apektadong lugar.

 
 

ni Jeff Tumbado @News | June 14, 2026



Ayuda sa nalindol sa Mindanao - Department of Social Welfare and Development - DSWD

Photo: DSWD



Nasa mahigit 500K katao ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasim, Sarangani noong Hunyo 8, habang umabot na sa higit P84 milyon ang naipamahaging ayuda ng pamahalaan.


Ayon sa pinakahuling ulat ng DSWD Disaster Response Operations Monitoring and Information Center Report No. 9 na inilabas alas-6 ng gabi nitong Biyernes, nasa kabuuang 137,081 pamilya o 553,068 indibidwal mula sa 401 barangay sa Regions IX, XI, XII, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.


Sa datos ng DSWD, nasa 2,131 pamilya o 9,393 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 26 na evacuation center.


Samantala, 13,480 pamilya o 54,274 katao naman ang nakikitira sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa labas ng mga evacuation facility.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page