top of page
Search

ni Mai Ancheta @News | September 14, 2023




Lima katao ang nasugatan matapos yanigin ng magnitude6.3 na lindol ang lalawigan ng Cagayan nitong Martes ng gabi.


Batay sa report ng Office of Civil Defense, ang limang sugatan ay tinamaan ng bumagsak na pader.


Tatlo sa mga biktima ay nagtamo ng minor injuries habang ang dalawa ay sugat sa ulo.


Naramdaman ang sentro ng lindol sa Dalupiri, pasado alas-7 ng gabi habang intensity 4 naman sa mga lugar na nasa tabing dagat.


Wala namang naiulat na namatay sa naganap na lindol at patuloy na binabantayan ang mga posibleng aftershocks.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | September 13, 2023




Nagpaliwanag ang gobyerno ng Morocco sa mga batikos na mabagal umano ang kanilang pagtugon sa mga biktima ng 6.8 magnitude na lindol.


Ginagawa umano ng gobyerno ang kanilang makakaya upang matulungan ang mga biktima ng lindol.


Umabot na sa mahigit 2,700 ang mga nasawi dahil sa malakas na pagyanig.


Iginiit naman ni Prime Minister Aziz Akhannouch na bibigyan nila ng tulong pinansyal ang mga biktima.


Nagpaabot din ng tulong ang ibang mga bansa kung saan ay nagpadala ang Spain, Britain, United Arab Emirates at Qatar ng kanilang mga rescue specialists kasama ang sniffer dogs.


Nahirapan umano ang mga rescuers dahil malalaking bato umano ang gumuho sa mga kabahayan.



 
 
  • BULGAR
  • Aug 14, 2023

ni Mai Ancheta @News | August 14, 2023




Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Sabtang, Batanes nitong Linggo ng umaga.


Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang lindol alas-9:30 ng umaga.


Naramdaman ang intensity 5 sa bayan ng Sabtang habang intensity 4 naman sa Basco, Mahatao, Ivana at Uyugan, at intensity 3 naman sa Itbayat.


Walang impormasyon ang Phivolcs na nagdulot ng pinsala ang malakas na lindol subalit aasahan ang mga aftershock.


Naunang ini-report ng ahensya na 5.7 magnitude ang lindol subalit kalaunan ay nilinaw na nasa 5.4 magnitude lamang ito.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page