top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 24, 2026



Ex-President Rodrigo Duterte

Photo: International Criminal Court



Sinimulan na ang confirmation of charges hearing ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands. 


Una rito, sinampahan ng prosecutors ng ICC ang dating pangulo ng kasong crimes against humanity kaugnay ng mga pagpatay sa Davao at sa buong bansa noong panahon ng kanyang pagkapangulo. 


Naghain si Deputy Prosecutor Mame Mandiaye Niang ng 15-pahinang dokumento na nagsasakdal kay Duterte ng three counts ng crimes against humanity of murder kung saan sakop ang insidente mula 2013 hanggang 2018. 


Ayon sa mga prosecutor, hindi bababa sa 76 na pagpatay at iba pang mararahas na krimen ang kabilang sa isinampang kaso, ngunit binigyang-diin nila na mas malaki pa ang tunay na bilang ng mga naging biktima. 


Sinabi ni Niang na criminally liable si Duterte kabilang ang unang count kaugnay sa Davao Death Squad (DDS) killings na tumutukoy sa mga pagpatay sa loob at labas ng Davao City noong si Duterte ay alkalde at umano’y pinuno ng DDS mula 2013 hanggang 2016. 


Ang mga biktima ay umano’y mga tulak ng droga at magnanakaw. Sa naturang panahon, sinabi ng prosecution na ang mga pag-atake ay pangunahing nakatuon sa Davao City at isinagawa umano ng mga pulis ng lungsod at mga non-police hitmen na kabilang sa DDS. 


Habang ang ikalawang count ay may kinalaman sa mga pagpatay sa mga hinihinalang high-value drug suspects noong unang taon ni Duterte bilang pangulo, mula 2016 hanggang 2017. 


Samantala ang ikatlong count ay may kinalaman sa Barangay clearance operations na tumutukoy sa mga pagpatay at tangkang pagpatay sa mga anti-drug operations sa barangay noong si Duterte ay pangulo mula 2016 hanggang 2018.

 
 

ni BRT @News | July 1, 2025



Photo File: John Fortich / FB


Wala na ang “for sale” sign na napaulat na inilagay sa bahay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.


Nitong Lunes ng umaga, standees na lamang ni Duterte ang makikita sa harap ng gate ng bahay.


Napaulat na kinumpirma ng common-law wife ni Duterte na si Honeylet Avanceña na ibinebenta na ang bahay, kasunod ng pagkakaaresto sa dating Pangulo at paglilipat dito sa The Hague, Netherlands.


Sa kabila nito, sinabi ng mga volunteer na nagbabantay sa bahay na wala umano silang nakikitang “for sale” sign at tinawag ang viral post sa social media na “fake news”.

 
 

ni Angela Fernando @News | August 15, 2024



Showbiz news
Photo: dating Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio

Binigyang-diin ni retired Supreme Court Justice Antonio Carpio kamakailan na umabot na sa isang mahalagang yugto ang imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) tungkol sa brutal na kampanya laban sa ilegal na droga sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“I think the day of reckoning is coming closer because what I’m hearing is that a warrant of arrest will be issued by the ICC sometime in September,” saad ni Carpio sa isang panayam.


Samantala, walang ibinigay na detalye ang dating Supreme Court Justice kung saan o sino ang mga sources niya sa ibinulgar na impormasyon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page