top of page
Search

ni V. Reyes | February 26, 2023



Itinutulak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na gawing conditional o may kapalit ang pagbibigay ng mga ayuda ng gobyerno.

Inihalimbawa ni DSWD Secretary Rex Gatchalian ang educational assistance na maaaring ibigay kapalit ng pagpasok ng mga estudyante sa tutoring program.

Partikular na tinukoy ni Gatchalian ay ang mga estudyante sa kolehiyo na nasa 3rd year at 4th year na maaaring pumasok muna sa tutoring program at turuang magbasa ang mga mag-aaral sa elementarya kahit sa loob ng 20 araw.

Naniniwala ang DSWD Secretary na magkakaroon ng dignidad bukod pa sa kontribusyon sa bansa kung hahayaan munang makapagserbisyo dahil sa tutoring ang mga estudyanteng bibigyang-ayuda ng gobyerno.


 
 

ni Mylene Alfonso | February 1, 2023




Itinalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. si Valenzuela Representative Rex Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Ayon sa Presidential Communications Office, nanumpa si Gatchalian kay Marcos, kahapon sa Palasyo.


Matatandaang nagsilbi si Gatchalian bilang alkalde ng Lungsod ng Valenzuela.


Si Gatchalian ay nahalal na alkalde ng Valenzuela noong 2013, muling nahalal noong 2016 at noong 2019.


Nauna rito, itinalaga ng Pangulo si Social Welfare Undersecretary Edu Punay bilang Officer-in-Charge noong Disyembre makaraang ma-bypass si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo ng makapangyarihang Commission on Appointments sa ikalawang pagkakataon.


 
 

ni Lolet Abania | December 27, 2022




Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Undersecretary Eduardo Punay bilang officer-in-charge ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).



Kinumpirma ni Punay, isang dating reporter, ang kanyang pinakabagong designation sa GMA News kasama na ang appointment paper niya ngayong Martes ng hapon.


Ibinaba ang appointment ni Punay matapos na ang Commission on Appointment (CA) ay ipagpaliban ang mga deliberations hinggil sa ad interim appointment ni Erwin Tulfo bilang DSWD chief noong nakaraang buwan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page