top of page
Search

ni Lolet Abania | October 31, 2021


ree

Magbibigay ang Department of Tourism (DOT) ng libreng RT-PCR (reverse transcription polymerase chain reaction) test o swab test sa mga turista simula bukas, Nobyembre 1, 2021.


Sa ulat, ayon sa DOT ang libreng swab test ay para lamang sa mga domestic tourists.

Para ma-avail ang naturang offer, ang mga interesadong local tourists ay kinakailangang mag-log on sa tourism promotions board website tpb.gov.ph para sa nakasaad na application requirements.


Gayundin, ayon pa sa DOT aabot lamang sa 350 aplikante kada araw ang kanilang ia-accommodate.

 
 

ni Lolet Abania | July 14, 2021


ree

Ipinauubaya na ng Department of Tourism sa mga local government units (LGUs) ang pag-oobliga sa mga travelers at turista kung kinakailangang fully vaccinated na o may RT-PCR COVID-19 test results bago makapasok sa kanilang bayan.


“That is what the [Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases] gave. It is for the LGUs to decide either fully vaccinated or as an alternative to an RT-PCR swab,” ani DOT Secretary Bernadette Romulo-Puyat sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon kay Puyat, nakasaad sa kasalukuyang polisiya ng gobyerno, “either/or” at hindi na inoobliga na parehong dapat mayroon nito. “LGU knows the cases, how to handle, and how many hospitals they have in their own destination,” paliwanag ni Puyat.


Binanggit ng kalihim na nais ng ilang LGUs na fully-vaccinated na ang mga turistang papasok sa kanilang lokalidad subalit mas gusto nilang maraming residente sa kanilang nasasakupan ang mabakunahan kontra-COVID-19.


“You don’t only protect the tourist but also the locals,” sabi ng kalihim. Gayunman, sinabi ni Puyat na kailangang i-verify ng isang traveler ang kanyang vaccination status.


“The LGUs want to have the way to authenticate [the vaccination]. Kung ang RT-PCR nga, napepeke, ito pa kaya,” saad ni Puyat.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 8, 2021


ree

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang point-to-point air travel para sa mga leisure activities mula sa NCR Plus areas na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Laguna, at Cavite, ayon sa Malacañang noong Biyernes.


Pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, “Inaprubahan at in-adopt ng inyong IATF ang Guidelines on Point-to-Point Air Travel for Leisure Purposes from the NCR Plus areas of the Department of Tourism (DOT).


“Antayin po natin at abangan ang mga guidelines ng DOT tungkol dito pero pupuwede na pong pumunta sa mga tourist spots pero point-to-point po ‘yan.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page