top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | March 9, 2024




Nagbayad si Donald Trump ng $91.6-milyon dahil sa kasong paninirang-puri o defamation nu'ng Biyernes.


Ito ay matapos umapela ang manunulat na si E. Jean Carroll dahil tinawag siya ng dating presidenteng sinungaling pagtapos niya itong akusahan ng panghahalay ilang dekada na ang nakalipas.


Pinalagan naman ni Trump ang kasong kinakaharap dahil sa lumutang na isyu.


Ang piyansa mula sa Federal Insurance Co, na bahagi ng insurer na Chubb, ay sasakop sa $83.3-milyong hatol pabor kay Carroll kung sakaling matalo si Trump sa kanyang apela nu'ng Enero 26 at tumangging magbayad.


Habang nagpapatuloy ang proseso sa apela ni Trump, hindi muna maaaring kuhanin ni Carroll ang perang ibinayad nito sa kaso.


Matatandaang ang apela ay nagmula sa konklusyon ng isang jury na guilty si Trump sa defamation dahil sa pagtangging hinalay niya si Carroll nu'ng dekada '90 sa isang fitting room ng Bergdorf Goodman department store sa Manhattan.


 
 

ni Jenny Rose Albason @Overseas News | July 30, 2023




Nahaharap sa panibagong reklamo si dating U.S. President Donald Trump. Inatasan umano ng dating presidente ang kanyang empleyado na burahin ang kuha ng security sa kanyang bahay sa Florida.


Dahil dito, nahaharap siya sa bagong criminal charges na may kaugnayan sa hindi niya tamang paghawak ng mga classified files.


Mariin namang itinanggi ni Trump ang alegasyon sa kanya at inakusahan ang prosecutors na gumagawa lamang ang mga ito ng kaso.


Una nang naghain ng 'not guilty' si Trump kasama ang kanyang personal aide na si Walt


Nauta, at maging ang kanyang Mar-a Lago manager na si Carlos de Oliveria ay kinasuhan na rin.



 
 

ni Jenny Rose Albason | June 12, 2023




Nahaharap ngayon sa 37 criminal charges si dating U.S. President na si Donald Trump dahil sa pagtatago umano ng mga sensitibong dokumento.


Ang mga dokumento umanong nakita ng U.S. Department of Justice ay kinabibilangan ng national defense information, nuclear secrets at obstructions.


Kasama rin sa inakusahan ang close aide ni Trump na si Walt Nauta dahil ito umano ang nagbibigay kay Trump ng mga dokumento.


Nakasaad sa dokumento na kasama ni Nauta ang hindi pinangalanang empleyado ni Trump at kinuha ang 15 pang kahon na nasa bahay ng dating presidente.


Sa kanyang panayam sa FBI noong Mayo 2022, tatlong beses na umano itong nagsinungaling na mayroon siyang kinalaman sa dokumento.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page