top of page
Search

ni Lolet Abania | October 21, 2021


ree

Nilinaw ng isang opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang pag-terminate o pagtatanggal sa mga empleyado ay ipinagbabawal, kung ang dahilan lamang nito ay hindi bakunado kontra-COVID-19.


“Kung ang termination niya ang sole basis ay unvaccinated hindi po, bawal po ‘yan,” ani DOLE Undersecretary Ana Dione sa Laging Handa briefing ngayong Huwebes.


“Unvaccinated as basis of termination, palagi nating inuulit na ‘yan po ay discrimination,” sabi pa ni Dione.


Subalit, una nang ipinahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III ngayon ding Huwebes na mayroon na ngayong legal na batayan ang mga employers na nasa ilalim ng Alert Level 3 na i-require ang kanilang mga empleyado na magpabakuna laban sa COVID-19.


Patungkol sa legal basis, ibinase ito ni Bello sa isang television interview hinggil sa resolution ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3.


“Correct. Because now there is an obligation on the part of the employer na dapat vaccinated ang mga empleyado niya, so he can require ‘yung mga empleyado na magpabakuna because now there is a legal basis,” paliwanag ni Bello sa isang interview.


Ito ang naging pahayag ni Bello nang tanungin kung ang mga employers ay maaaring mag-terminate o magtanggal ng hindi bakunadong mga empleyado, lalo na ngayon na ang expansion ng kapasidad para mag-operate ay pinapayagan lamang sa maraming establisimyento kung ang lahat ng kanilang manggagawa ay fully vaccinated na.

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisimyento ay papayagang mag-operate ng 30% ng indoor venue capacity para lamang sa fully vaccinated individuals at 50% ng outdoor venue capacity na dapat ang lahat ng mga empleyado nito ay fully vaccinated.


Sinabi pa ni Bello na sa ngayon ang mga employers ay maaari nang i-withhold o hawakan ang suweldo ng kanilang empleyado sa ilalim ng IATF resolution para sa Alert Level 3.


“May IATF resolution na nagsasabi na ‘yung Alert Level 3 puwedeng mag-operate ang restaurant pero ang restaurant kailangan vaccinated na ang mga empleyado at customer,” sabi ni Bello.


“’Yun meron nang batas, so that is now an exemption kasi meron ng IATF. There is a basis now to hold the payment because it will have a violation of IATF resolution,” sabi ni Bello.


Bago ang IATF resolution, ayon kay Bello ang “no vaccine, no work” at “no vaccine, no pay” policies ay illegal.


Gayunman, giit ni Bello na isang batas lamang ang kailangan para ang vaccination ay maging mandatory na sa lahat, kabilang dito ang mga workers.


Aniya pa, hindi siya pabor sa mandatory vaccination hangga’t ang bansa ay walang sapat na suplay ng bakuna.


“It’s not prudent to make it mandatory,” sabi ni Bello.

 
 

ni Lolet Abania | October 18, 2021


ree

Ipinahayag ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ngayong Lunes na ipinatutupad sa mga manggagawa ang tungkol sa “no vaccine, no salary” policy ng isang kumpanya sa Metro Manila.


Sa isang interview kay ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay, sinabi nitong ilegal ang pagsasagawa ng naturang polisiya, habang hinimok ang mga apektadong empleyado na dalhin at ipaalam ito sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kaukulang aksyon.


“Bawal na bawal iyan, may kaukulang fines ‘yan doon sa employer na napatunayan na gumagawa nito,” ani Tanjusay.


Ayon kay Tanjusay, may isang grupo ng mga empleyado mula sa isang kumpanya sa National Capital Region (NCR) na ipinabatid sa kanila na isinasagawa ang ganitong polisiya.


Agad namang hinimok ng opisyal ang DOLE na mag-isyu ng isang labor advisory warning laban sa mga employer na nagpapatupad ng katulad na polisiya.


“Sa tingin namin hindi lang isang insidente ito,” sabi pa ni Tanjusay.


Samantala, sa isang media briefing, mariing ipinahayag ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang pagpapabakuna kontra-COVID-19 ay hindi isang requirement sa mga manggagawa para makatanggap ng kanilang mga suweldo.


“Hindi po dapat maging basis ang pagbabakuna para mabigyan ng suweldo ‘yung mga nagbigay na ng trabaho para po dito sa kanilang mga work,” paliwanag ni Vergeire.


“Unang-una, wala po tayong batas pa na nagsasaad na kailangan mandatory ‘yung pagbabakuna. And that was verbalized by the Department of Justice,” dagdag ng kalihim.


Giit ni Vergeire, layon lamang ng gobyerno na hikayatin ang publiko na magpabakuna kontra-COVID-19 sa tuwing nagbibigay sa kanila ng mga insentibo.


Aniya pa, dapat na ang tutukan ng DOLE na maresolba ang isyu.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 16, 2021


ree

Nasa P2-bilyon na budget pa ang natitirra sa Department of Labor and Employement (DOLE) na tulong para sa mga informal workers na apektado ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, balak nilang ipamahagi ang nasabing halaga sa mga kwalipikadong benepisaryo.


Aniya, umabot sa P7 billion na cash assistance ang naipamahagi na para sa 2.6 million informal workers sa bansa.


Mayroon ding P6 bilyon ang naipamigay na sa mga formal workers na naapektuhan din ng COVID-19.


Samantala, mayroon nang kabuuang P12 billion na cash aid ang naipamahaging tulong sa 725,000 overseas Filipino workers sa ilalim ng programa ng DOLE.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page