top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 1, 2022


ree

Umabot na sa 58,695 ang bilang ng aplikasyong naitala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa P5,000 one-time ayuda para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pagpapatupad ng mahigpit na alert level ng pamahalaan. 


Ito ay batay sa tala ng DOLE nitong Enero 31, 2022 para sa COVID Adjustment Measures Program (CAMP).


Ayon sa DOLE, lumagpas ito sa kanilang tala ng bilang ng natigil o nawalan ng trabaho mula Enero 1 hanggang 15.


Sa guidelines kasi ng DOLE, tanging mga tinamaan lang ng retrenchment, permanent o temporary closure ng mga establisimyento sa ilalim ng Alert Level 3 ngayong 2022 ang pasok sa CAMP.


Ibig sabihin lamang nito ay hindi kasama ang mga nawalan ng trabaho noong nakaraang taon.


Sa ngayon ay nasa 20,000 na ang inaprubahan ng DOLE habang 19,000 naman ang dumadaan pa sa evaluation stage.


May halos 5,000 ding nagpasa ng maling dokumento pero maaaring makipag-ugnayan sa DOLE para ayusin ito.


Target maumpisahan ng DOLE ang payout ngayong linggo kung saan direkta itong matatanggap ng manggagawa na maaring idaan sa money remittance centers o bangko.

 
 

ni Lolet Abania | January 27, 2022


ree

Umabot na sa tinatayang 22,000 manggagawa ang nakapag-apply na para sa cash aid program ng Department of Labor and Employment (DOLE).


Sa Laging Handa public briefing ngayong Huwebes, sinabi ni DOLE Assistant Secretary Dominique Tutay na naglaan ang ahensiya ng P1 bilyon para sa financial assistance sa mga displaced workers sa ilalim ng COVID Adjustment Measure Program (CAMP) 2022.


“More than 5,000 po dito ay na-approve na based on the evaluation of our regional offices, around 12,000 naman po ‘yung for evaluation and then more than 4,000 po ‘yung for further verification po,” ayon kay Tutay na aniya, ang naturang data ay hanggang nitong Miyerkules, Enero 26.


Ang mga manggagawa na qualified para sa cash aid ay iyong mga nawalan ng trabaho dahil sa tinatawag na permanent closure ng kanilang mga kumpanya at mga empleyado na ang kanilang trabaho ay isinuspinde dahil naman sa temporary closure ng mga negosyo ng kanilang mga employers sa ilalim ng Alert Level 3.


Inaasahan naman ng DOLE na ang one-time P5,000 cash assistance ay makapagbibigay ng benepisyo sa humigit-kumulang na 200,000 workers.


Ang mga apektadong manggagawa ay maaaring mag-apply para CAMP 2022 financial assistance sa pamamagitan ng DOLE Establishment Reporting System (ERS) at https://reports.dole.gov.ph..

 
 

ni Lolet Abania | January 26, 2022


ree

Bibigyan na lamang ang mga hindi bakunado at partially vaccinated na mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ng 30 araw simula Enero 26, upang magpatuloy sa pagsakay sa mga pampublikong transportasyon para sa pagpunta nila sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila, ayon sa isang joint statement na inilabas ng Departments of Labor and Employment, Transportation, at Interior and Local Government ngayong Miyerkules.


Batay sa statement, hindi na papayagan ang mga ito na sumakay sa mga public utility vehicles (PUV) kung sila ay hindi pa rin fully vaccinated hanggang sa pagtatapos ng 30-day period.


Ayon kay DOTr Undersecretary Artemio Tuazon Jr., ang gawaing ito ay sumusuporta sa gobyerno sa pagsisikap nitong mapataas ang COVID-19 vaccination rate ng bansa sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Omicron variant.


“This joint decision is also meant to support the vaccination drive of the entire government. We want our workers to get fully vaccinated especially now that there is no longer a shortage of COVID-19 vaccines, and there is a threat of highly transmissible variants of the virus,” ani Tuazon.


“We are giving our workers the time to get themselves vaccinated,” dagdag pa niya. Nilinaw naman ng DOTr official, na hindi aniya ito matatawag na discriminatory.


“As jointly decided by the DOLE, DILG and DOTr, workers who will remain unvaccinated 30 days after the announcement are not being barred from their workplaces,” giit ni Tuazon.


“They are simply not allowed to use public transportation, but can still use other means such as active transport, private vehicles, or company shuttle services,” paliwanag niya.


Matatandaang nagpahayag ang mga transport rights groups at human rights advocates ng kanilang posisyon hinggil sa “no vax, no ride” policy, kung saan anila, mas organisado at mas sistematikong pamamaraan ang kailangan para mapigilan ang pagkalat ng virus.


Paliwanag naman ng DOTr, ang kanilang polisiya ay para maprotektahan ang mga unvaccinated na tamaan ng naturang respiratory disease, at upang mapigilan ang ekonomiya na tuluyang bumagsak dahil sa pagsasara ng maraming establisimyento.


“If we do not act now, all industries and business sectors will be severely affected,” ayon pa sa statement.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page