top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2022


ree

Nakatakdang sampahan ng kaso ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at apat na pulis hinggil sa naganap na “misencounter” sa Commonwealth Avenue, Quezon City noong 2021 na ikinasawi ng apat na indibidwal.


Ayon sa DOJ briefer, homicide charges ang isasampa laban sa mga PDEA agents habang direct assault charges sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).


Matatandaan noong Pebrero 2021, nang magkasagupa ang mga operatiba ng PNP at PDEA sa harap ng isang fast-food chain sa Commonwealth Avenue, sa Quezon City, kung saan kapwa inihayag ng dalawang grupo na may ikinasa silang lehitimong anti-drug operation sa lugar.


Nagresulta ang “misencounter” sa pagkamatay ng dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant.


Nahaharap sa homicide charges sina PDEA agents Khee Maricar Rodas, Jelou Satiniaman, at Jeffrey Baguidudol dahil ito sa pagkasawi ni Police Corporal Eric Elvin Gerado.


“After evaluation of the evidence, the Panel of Prosecutors found sufficient evidence to charge respondents PDEA agents Rodas, Baguidudol, and Satiniaman for homicide,” batay sa DOJ briefer.


Gayundin, kasong direct assault ang kakaharapin nina Police Corporal Paul Christian Ganzeda, Police Corporal Honey Besas, Police Major Sandie Caparroso at Police Major Melvin Merida.


“With respect to the injuries sustained by PDEA responders, there is sufficient evidence identifying some police officers who actually hit, strike, and maul them,” nakasaad pa sa DOJ briefer. Ang reklamo ay isasampa sa Quezon City Regional Trial Court.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 1, 2022


ree

Nagbitiw sa puwesto si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay-Villar matapos ang halos apat na taong serbisyo sa DOJ.


Sa mensahe sa mga reporters, sinabi ni Justice chief Menardo Guevarra na epektibo ang resignation ni Aglipay-Villar sa March 21.


"It is with deep sadness that I announce the resignation of Atty. Emmeline Aglipay-Villar as undersecretary of the Department of Justice," ani Guevarra.


"She will campaign for her husband, former DPWH secretary Mark Villar, who is running for senator in the upcoming elections in May," dagdag niya.


Sinabi rin ni Guevarra na patuloy na magtatrabaho si Aglipay-Villar hanggang sa huling araw nito sa departamento.


“Usec. Em will continue to work until her last day in office. As of today, no other Usec. or Asec. is leaving the DOJ,” aniya.


Si Chief State Counsel George Ortha II ang magiging OIC undersecretary sa pag-alis ni Aglipay-Villar.


Si Aglipay-Villar ay naitalaga sa DOJ noong 2008.

 
 

ni Lolet Abania | November 11, 2021


ree

Nagpapagaling na si Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra matapos na sumailalim sa isang procedure upang mapataas ang blood flow ng kanyang puso o ‘angioplasty’.


“I’m recovering well from angioplasty yesterday. Thanks for your concern,” ani Guevarra sa isang mensahe sa mga reporters.


Matatandaang dinala si Guevarra sa ospital nitong Martes dahil sa masama ang kanyang pakiramdam.


Sinabi ni Guevarra, “I had breathing and fatigue problems the past few weeks.”


Samantala, ang DOJ chief ay ang guest of honor sa gaganaping 85th anniversary program ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Biyernes.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page