top of page
Search

ni Madel Moratillo | February 22, 2023



ree

Ibinaba ng Department of Justice (DOJ) sa P10,000 ang piyansa para sa mahihirap na nahaharap sa kasong kriminal.

Sa isang department circular, inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga prosecutor na sa panahon ng inquest o preliminary investigation ay alamin kung ang respondent ay indigents at irekomenda ang mas mababang piyansa.

Sakaling mapatunayang guilty ito sa ginawang inquest o preliminary investigation ay 50% lang ng piyansa ang irerekomenda para rito o P10,000 o kung alin ang mas

mababa.

Hindi naman tinukoy sa DOJ circular ang nature ng krimen pero itinakda sa P10,000 ang cap bilang maximum na halaga para sa indigents.

Ayon naman kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, effective immediately ang nasabing circular.

Nabatid na ang nasabing reporma ay inirekomenda ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ginawang Justice Sector Coordinating Council noong Enero bilang solusyon sa jail congestion.

Tiniyak naman ni Remulla na magkakaroon ng safeguards ang circular na ito para hindi maabuso.


 
 

ni Lolet Abania | July 10, 2022



ree

Ipinahayag ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ngayong Linggo na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


“I have COVID. Tested positive Thursday,” ani Remulla sa isang mensahe sa mga reporters. Gayunman, nakararanas lamang aniya siya ng “very mild” na sintomas.


“Very mild. But protocol is 7 days,” pahayag pa ng opisyal. Nag-anunsiyo si Remulla, ilang araw matapos na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay magpositibo rin sa test sa COVID-19 nitong Biyernes, Hulyo 8.


Sinabi naman ni Press Secretary Atty. Trixie Cruz-Angeles ngayong Linggo na bumubuti na ang kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Marcos, aniya, “with only mild symptoms with no fever, no loss of taste and smell sensation.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page