top of page
Search

ni Madel Moratillo | June 8, 2023



ree

Hindi umano puwedeng manghuli, mag-impound at mag-dispose ng kolorum na sasakyan ang Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).


Ito ang nakasaad sa legal na opinyon ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kung saan nakasaad na ang maaari lamang gawin ng LTFRB ay makipag-ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan para sa paghuli ng mga kolorum na sasakyan.


Ang legal opinion ay inilabas ng Department of Justice (DOJ) matapos humingi ng paglilinaw si noo’y Transportation Sec. Arthur Tugade hinggil sa kung sakop ba ng hurisdiksyon ng LTFRB ang paghuli ng mga kolorum na sasakyan.


Puwede lang umanong manghuli ang LTFRB ng kolorum kung binigyan siya ng kapangyarihan ng Land Transportation Office (LTO) o ng Philippine National Police (PNP).


Batay aniya sa nakasaad sa Republic Act 4136, o ang Land Transportation and Traffic Code na inamyendahan ng RA 6975, o Department of the Interior and Local Government Act of 1990, tanging ang LTO at PNP lamang ang maaaring magsagawa ng enforcement pagdating sa mga traffic rules at hindi kasama ang LTFRB.


Hindi rin umano puwedeng gamitin ng LTFRB ang kanilang Joint Administrative Order para magkaroon enforcement power maliban na lamang kung may nakasaad sa batas.


 
 

ni Madel Moratillo | March 16, 2023



ree

Inirekomenda na ng Department of Justice (DOJ) ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Anti-Hazing Law sa 7 suspek na miyembro ng Tau Gamma Phi sa pagpatay kay John Matthew Salilig.

Ayon sa DOJ Panel of Prosecutors, nakitaan ng probable cause para iakyat sa korte ang reklamo laban sa pito.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ang lider ng Tau Gamma Phi-Adamson Chapter na si Tung Cheng Teng, Jr. at master initiator na si Daniel Perry.

Pinakakasuhan din sina Earl Anthony Osita Romero a.k.a. Slaughter, Jerome Ochoco

Balot a.k.a. Allie, Sandro Dasalla Victorino a.k.a. Loki, Michael Lambert Alcazar Ricalde a.k.a. Alcazar at Mark Muñoz Pedrosa a.k.a. Macoy.

Ayon kay DOJ Asec. Mico Clavano, lahat ng 7 respondent, nagplano at lumahok sa ginawang hazing noong Pebrero 18 ay liable din sa kaso.

Nakasaad pa sa resolusyon ng panel na ang hazing sa pamamagitan ng pag-paddle sa welcoming rites ng nasabing fraternity ang naging sanhi ng pagpanaw ni Salilig.


 
 

ni Mabel Vieron - OJT | February 25, 2023



ree

Hinihikayat ng Department of Justice (DOJ) ang “no settlement” o walang aregluhan sa mga kaso ng incestuous rape o panghahalay na ginawa ng kaanak.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, isasangguni nila ito sa court administrator at susulat kay Chief Justice Alexander Gesmundo upang magkaroon ng panuntunan sa mga korte kaugnay ng no settlement sa mga kaso ng panghahalay na ginawa ng kaanak.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa mga opisinang humahawak ng child abuse at incestuous rape cases.

Suportado rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang paglalabas ng memorandum circular bilang gabay ng mga kawani ng lokal na

pamahalaan sa paghawak ng mga insidente ng incestuous rape.

Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula 2019 hanggang 2022, nasa 853 na kaso ng sexual abuse sa mga bata na gawa ng kaanak ang nai-report sa ahensya.

Ayon kay CPN Executive Director Bernadette Madrid, mayroon umanong National Baseline Survey on Violence against Children, kung saan makikita rito na 1 sa 20 batang Pinoy ay nakararanas ng sexual violence at karamihan pa rito ay sa kamay ng kanilang mga kamag-anak.

Sinabi naman ng DSWD na may mga programa ang ahensiya tulad ng psychosocial intervention, counseling, residential care facility, at reintegration package para sa mga batang biktima.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page