top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 27, 2021



Ngayong araw magaganap ang sampung karerang bibitawan sa Manila Jockey Club,Inc.(MJCI) ang tagapangasiwa ng karera sa San Lazaro Leisure Park(SLLP) sa Carmona, Cavite.


Tatawirin ng mga kalahok ang distansiyang 1,400 meters para sa Pick 6, Winner Take All (WTA),Pick 5 at Pick 4.


Sa mga kalahok, 5 ang matatawag na patok at ito’y ikinalat ng Race 1,4,5,8 at 10.


Sa Race 1 walang tatalo ang Super Swerte habang sa Race 2 dalawa ang napipisil na maglalaban sa unahan at ito’y kinabibilangan ng Song Of Silver at laban sa magka-couple entry na Empress Holly at Chrome Soft.


Sa Race 3 pang-primera ang napupuntong ang Yabba Dabba Doo, panegunda ang A Song for Gee, sa Race 4, ipinapatok ang Space Jam. Sa Race 5, pansolo ang Obra Maestra habang sa Race 6 pang-primera ang Princess Isabelle, panegundo ang I Love Matty. Sa Race 7,napipinto ang ‘Sagrada’ at panegunda ang Katuparan habang sa Race 8 walang kasing patok ang Star is Born.


Sa Race 9 napipisil ko ang Pharooh’s Queen at makakalaban ang Medallian D. Amor at sa Race I0 paniguro ang Super Sonic.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 26, 2021



Bigo naman na makuha ang Winner Take All (WTA) makaraang mag-carry over ng P3,845,354.19 sa pagkakapanalo ng dehadong Rodrigo sa Race 1 sa Metro Manila Turf Club, Inc.(MMTCI), Malvar, Batangas noong Miyerkules ng gabi.


Nagbigay ng dividendo para sa kombinasyong 7/1/3/1,4/6/3/1 sa mga nakapuntos ng 5 ng P3,354.80.


Nanalo ang Rodrigo makaraang talunin ang mga liyamadong Ava’s Tale at Yani’s Pick na nangulelat sa karerang nabanggit. Sumunod na nanalo ang dehadong WAKANDA sa Race 2 nang talunin ang liyamadong Super Inday. Lalong nagpabigat sa bayang karerista ang pagkakapanalo ng Sky Dancer sa Race 4.


Nasundan pa ang dehado sa Race 6 nang manalo ang Within Reach at Race 7 ang dehadong Rockaway.


Nagbigay sa Pick 6 sa kombinasyong 1,4/6/3/1/8/3 ng P85,896.60, nagkaloob ng P33,805.20 sa PICK 5 para sa kombinasyong 6/3/1/8/3 at ang 2nd WTA ay naghatag ng P119,903.60 sa kombinasyong 3/1,4/6/3/1/8/3 sa pagkakapanalo ng JANNI BANNI sa Race 9.


Resulta ng karera sa Miyerkules -Peb.24.


RACE 1 – RODRIGO (7) Finish: 7/3/6/1/2/12,Scratched: 5,P5.00 WIN 7 P133.00,P5.00 FC 7/3 P14,035.50,TRI CarryOver P30,891.48,QRT CarryOver P14,765.24,PEN CarryOver P21,483.00,SIX CarryOver P1,686.28


RACE 02 – WAKANDA (1)Finish: 1/5/2/6/3,P5.00 WIN 1 P92.50,P5.00 FC 1/5 P328.50,P5.00 TRI 1/5/2 P1,475.50,P5.00 DD 7/1 P2,664.00,P2.00 QRT 1/5/2/6 P2,836.00,P2.00 PEN 1/5/2/6/3 P13,309.00


RACE 03 – SKY DANCER (3)Finish: 3/8/5/2/4,P5.00 WIN 3 P13.00,P5.00 FC 3/8 P118.00, P5.00 TRI 3/8/5 P519.50,P5.00 DD 1/3 P387.50,P2.00 QRT 3/8/5/2 P430.80,P5.00 DD1 7/1/3 P23,029.50,P5.00 XD 7/3 P1,123.00,P2.00 PEN 3/8/5/2/4 P531.40


RACE 04 – BELI BELL (1)Finish: 1/6/7/5,Scratched: 4,P5.00 WIN 1 P11.50,P5.00 FC 1/6 P13.50,P5.00 TRI 1/6/7 P88.50,P5.00 DD 3/1 P35.50 3/4 P17.00,P2.00 QRT 1/6/7/5 P116.40,P5.00 DD1 1/3/1,4 P539.00,P5.00 XD 1/1 P165.00 1/4 P77.00,PEN Refund


RACE 05 – DIRECTORSHUNTERKEE (5),Finish: 6/5/3/4/7,P5.00 WIN 6 P20.00,P5.00 FC 6/5 P94.00,P5.00 TRI 6/5/3 P196.50,P5.00 DD 1/6 P78.50,P2.00 QRT 6/5/3/4 P161.00,P5.00 DD1 3/1,4/6 P216.00,P5.00 XD 3/6 P151.00,P2.00 PEN 6/5/3/4/7 P183.20

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 25, 2021



Patuloy na dumaranas ng krisis ang karerahan ng Philippine Racing Club,Inc.(PRCI) tagapangasiwa ng karera ng Santa Ana Leisure Park (SALP), sa Naic, Cavite.


Nitong Martes, ginanap ang karera sa SALP at gabi ng Lunes nakabuo at umabot lamang ng pitong karera dahil kakaunti lamang ang nagpartisipa. Dahil sa pangyayari naaapektuhan ang paggawa ng programa sa araw ng Martes at Miyerkules.


Dapat apat na araw na karera ang magaganap sa isang karerahan subalit dahil sa nagaganap sa Santa Ana binabawi na lang ng ibang karerahan gaya ng Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) at Manila jockey Club,Inc.(MJCI). Dahil ang lahat ng ito ay mula ng alisin ng PRCI ang double events na tatayaan upang protektahan ang mga mananaya sa sindikato na kumikilos sa loob ng karerahan sa pakiusap ng Games and Amusement Board(GAB).


Naniniwala ako nakikisama lamang ang racing club dahil sa pakiusap ng mga awtoridad, subalit kung ang negosyo ang maaapektuhan hindi malayong isara ang karerahan ng Santa Ana.


Pero,iba na ang nakasanayan ng mga mananaya, ang tumaya sa daily double, at kung maibabalik ang tayaan sa PRCI ang double double, naniniwala ako na babalik ang sigla ng pangangarera roon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page