top of page
Search

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 11, 2021



Bigo naman ang bayang karerista na masungkit ang WTA matapos mag-carry over sa MMTCI.

Nabigo sila sa Winner Take All (WTA) na halagang P1,104,130.64 nitong nakaraang Martes sa Metro Manila Turf Club Inc (MMTCI) sa Malvar Batangas.


Naging mahirap sa mga mananaya na pagtagumpayan ang WTA dahil sa umpisa palang ng karera ay dehado na.


Sa Race 1 nagwagi ang dehadong Barrio San Jose matapos tumawid sa finish line kasunod ang Batang Novaliches. Sa Race 2 nagwagi ang liyamadong Good Reason na sinundan ang Born in April at nagwagi naman sa Race 3 ang Baisakhi at pumangalawa ang MaCartney.


Sa Race 4 nanalo ang dehadong Magnum Force at pumangalawa ang Noh Sen Young Yana na nagkaloob ng forecast na P317.00. Sa Race 5 nagwagi ang My Dear Magnolia at pumangalawa ang Bato.


Pinagwagian ng Wood Ridge ang Race 6 makaraang magparemate at pumangalawa ang Keen Alisha. Naghatag sa Pick 5 ng P8,982.20 sa kombinasyong 2/5/3/11/6.


Sa Race 7 nagwagi ang dehadong Swing Swing Baby makaraang matuka sa huling bulusok ang


Laughing Tiger na siyang nagpadehado sa WTA na kung saan nakapuntos ng 6 point na nagbigay ng P2,587.20 carry over na P1,104,130.64.


Sa Race 8 nagwagi ng hugando ang pinapaborang kabayong Star is Born at pumangalawa ang Top Decision at nagwagi sa Race 9 ang kabayong si Miss Rosario na nagbigay sa Pick 6 ng P20,766 at naghatag ng P501.80 sa 2nd Pick 5.

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 10, 2021



Maganda ang naganap na karera noong Linggo dahil sa carry over ng P4,805,345.88 sa Winner Take All (WTA) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite na nakatakdang maging taya sa pagbabalik nito sa pista.


Excited ang bayang karerista sa bawat laban na mangyayari sa SLLP dahil marami ang nasosorpresa sa galing ng mga pangarerang kabayong kalahok sa karera. Maraming natutuwa na karerista sa SLLP dahil nagkakaroon ng laban ang kanilang tinatayaan na kabayong nadedehado.


Kaya ang mga karerahan ng SLLP sa Carmona, Santa Ana Leisure Park, Naic, Cavite at Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) sa Malvar, Batangas ay nagpapaligsahan sa ganda ng karerang ibinibigay sa bayang karerista.


Ngayong araw magaganap ang karera sa MMTCI at umaasa na magkakadehaduhan.


Sa Race I, pinapaboran ang Morning Girl (7),bibigyan ng panalo ang couple entry na number 1, at kukunin din ang Tulos Express, (5). Sa Race 2 nakalalamang ang couple entry number 2, Calle Loreto (5) ang tatalo, Security Pass (1), Pakiramdaman at Race 3 ipinapatok ang Jawo (2).


Sa Race 4 Wakanda (2) makakalaban ang Classy Babe (7)sa Race 5 napipisil ang No Problem (9), Jersy Savings (13) ang tatalo, Go Tango (6). Sa Race 6 Namayan (2) patok, sa Race 7 Kusing (6) Nakalalamang, Extremely Tough (4). Sa Race 8 Kipi Taki (4) Pinapaboran, Palmdale (1) at sa Race 9 balikatan ang laban ng Helushka (7) at Dragon Butterfly (1)

 
 

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | February 9, 2021



Nagresulta sa carry over sa 1st Winner Take All (WTA) sa mga dehadong nanalo simula Race 1 hanggang Race 9 sa San Lazaro Leisure Park (SLLP) noong Linggo sa Carmona, Cavite.


Naging kalbaryo lalo na sa mga liyamadista sa umpisa ng karera makaraang manalo ang dehadong Isa Pa Isa Pa sa Race 1.


Sumunod na dehado sa Race 2 nang magwagi ang sakay ni Jockey RJ C. Tibor na Ziqqy sa Race 3 at nasundan ng dehadong Easy Touchdown sa Race 4. Nakahinga ang mga liyamadista nang manalo ang kabayo ni Ed Gonzalez ang Fantastic Matty sa

Race 5. Nagbigay ng dividendong P431,097.00 sa 1st Pick 6 sa kombinasyon 6/7/3/6/13/14 at Pick 5 ng dividendong P216,374.40 sa kombinasyong 7/3/5/I3/I4.


Nagwagi ang dehadong si Resillient Creed sa Race 7 at nagwagi rin ang dehadong ICON sa Race 8 na nagbigay ng dividendong P325,007.20 sa 2nd Pick 5 sa kombinasyon na 6/13/14/5/13. Nanalo sa Race 9 ang liyamadong Universe na naging dahilan ng carry over sa 1st, WTA ng P4,805,345.88.


Resulta ng karera Linggo, Peb.7,202I


RACE 01 – ISA PA ISA PA (6)6/8/9/10/1/12:P5.00 WIN 6 P23.50,P5.00 FC 6/8 P280.00 P2.00 TRI 6/8/9 P1,585.80,QRT CarryOver P29,279.38,PEN CarryOver P14,496.84,SIX CarryOver P3,731.35.


RACE 02 – ZIQQY (7) 7/1/10/9/8/2:P5.00 WIN 7 P15.00,P5.00 FC 7/1 P1,730.50,P2.00 TRI 7/1/10 P13,487.60,P5.00 DD 6/7 P177.00,P2.00 QRT 7/1/10/9 P19,805.00,PEN CarryOver P26,619.95,SIX CarryOver P7,871.71.


RACE 03 – EASY TOUCHDOWN (3) 3/13/4/8/6/12:P5.00 WIN 3 P54.50,P5.00 FC 3/13 P776.50,P2.00 TRI 3/13/4 P764.80,P5.00 DD 7/3 P491.00,P2.00 QRT 3/13/4/8 P2,534.00, P2.00 DD1 6/7/3 P1,521.60,P5.00 XD 6/3 P807.00,PEN CarryOver P42,126.22 SIX CarryOver P9,975.93


RACE 04 – ASHEA’S WILL (6)6/10/2/13/8/4: P5.00 WIN 6 P37.50,P5.00 FC 6/10 P171.00,,2.00 TRI 6/10/2 P1,297.00,P5.00 DD 3/6 P294.50,P2.00 QRT 6/10/2/13 P3,162.60,P2.00 DD1 7/3/6 P3,888.20,P5.00 XD 7/6 P438.50, PEN CarryOver P63,071.31,SIX CarryOver P12,945.61


RACE 05 – FANTASTIC MATTY (13) 13/7/14/1/12/11,P5.00 WIN 13 P23.50,P5.00 FC 13/7 P85.00,P2.00 TRI 13/7/14 P79.00,P5.00 DD 6/13 P235.50,P2.00 QRT 13/7/14/1 P973.60,P2.00 DD1 3/6/13 P1,793.60,P5.00 XD 3/13 P378.50,P2.00 PEN 13/7/14/1/12 P30,929.40,SIX CarryOver P15,862.84


RACE 06 – ELECTRIFY (14)14/3/12/4/9/10: Scratched: 2,P5.00 WIN 14 P25.00,P5.00 FC 14/3 P870.50,P2.00 TRI 14/3/12 P7,177.00, P5.00 DD 13/14 P202.00,QRT CarryOver P15,448.23,P2.00 PK6 6/7/3/6/13/14 ( 6 of 6 ) P431,097.00,P2.00 DD1 6/13/14 P646.20, P2.00 PK5 7/3/6/13/14 ( 5 of 5 ) P216,374.40, P5.00 XD 6/14 P239.50,PEN CarryOver P4,157.10,SIX CarryOver P18,223.18


RACE 07 – RESILIENT CREED (5)5/13/2/6/8/4:,Scratched: 1,P5.00 WIN 5 P329.50,P5.00 FC 5/13 P3,359.00,P2.00 TRI 5/13/2 P6,016.20,P5.00 DD 14/5 P1,575.50,QRT CarryOver P48,340.10,P2.00 DD1 13/14/5 P5,950.80,P5.00 XD 13/5 P3,309.00,PEN CarryOver P13,731.27,SIX CarryOver P25,278.54

 
 
RECOMMENDED
bottom of page