top of page
Search
  • BULGAR
  • Feb 12, 2023

ni BRT | February 12, 2023



Asahan ang panibagong tapyas sa presyo ng petrolyo sa papasok na linggo.


Batay sa pagtataya, aabot ng P2.20 hanggang P2.50 kada litro ang ibababa sa presyo ng diesel.

Samantala, posibleng walang paggalaw o may bahagyang pagtaas ng 30 sentimo kada litro sa presyo ng gasolina.

Kasabay nito, inihayag ni LPG Marketers Association (LPGMA) president Arnel Ty na magpapatupad ng P1 bawas-presyo sa kada kilo sa liquefied petroleum gas (LPG).

Nangangahulugan ito ng P11 pagbaba sa 11-kilogram na tangke ng LPG.


 
 

ni V. Reyes | February 6, 2023




May aasahan ang publiko na malakihang bawas-presyo sa gasoline at diesel ngayong linggo.


Ayon sa source mula sa oil industry, posibleng magpatupad ng rollback na P2.60 hanggang P3.10 sa kada litro ng diesel habang nasa P1.90 hanggang P2.40 kada litro sa gasolina.


Nauna na ring tinataya ng kumpanyang Unioil ang pagbaba ng gasolina at diesel sa Pebrero 7. 


“Diesel should go down by P2.60 to P2.80 per liter. Gasoline should go down by P1.90 to P2.00 per liter. Load up accordingly,” ayon sa kumpanya.


Batay sa datos ng monitoring ng Department of Energy mula noong Enero 31 hanggang Pebrero 2, naglalaro sa P63.30 hanggang P72.05 kada litro ang gasolina sa Quezon City habang ang diesel ay nasa P64.03 hanggang P72.55 kada litro sa Makati City. 


Ngayong taon, umabot na sa P7.20 kada litro ang itinaas ng gasolina habang P3.05 sa diesel at P4.45 sa kerosene.


 
 
  • BULGAR
  • Jul 2, 2022

ni Lolet Abania | July 2, 2022



Asahan umano ng mga motorista ang bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo, matapos ang limang magkakasunod na linggong price hikes sa diesel habang apat na magkakasunod na linggo naman sa gasoline.


Sa kanilang fuel price forecast para sa Hulyo 5 hanggang 11 na trading days, ayon sa Unioil Petroleum Philippines ang presyo ng kada litro ng diesel ay posibleng mabawasan ng P2.80 hanggang P2.90.


Habang ang gasolina ay tinatayang may bawas na P0.10 kada litro o walang pagbabago sa presyo nito.


Batay sa oil industry source, ang presyo ng diesel ay posibleng magkaroon ng roll back ng P3.10 hanggang P3.30 habang ang gasoline ay may tapyas naman ng P0.20 hanggang P0.40 kada litro.


Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, mayroong dalawang dahilan ng inaasahang oil price rollback kabilang dito ang China lockdown at ang epekto sa mundo ng paghirap ng ekonomiya at sa demand sa langis.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page