top of page
BIDA - RURU, UMAMING NAG-CHEAT KAY BIANCA-G _rurumadrid8.jpg
Search

ni Jeff Tumbado @News | April 13, 2026



Gasoline and diesel


Posibleng maranasan ng mga motorista ang malaking bawas-presyo sa diesel sa susunod na linggo, na maaaring umabot hanggang P10.80 kada litro, kasunod ng inaasahang pag-usad ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Estados Unidos at Iran sa pandaigdigang merkado ng langis.


Ayon sa isang source mula sa industriya ng langis, ang rollback sa diesel ay tinatayang nasa pagitan ng P8.80 hanggang P10.80 kada litro—mas mataas kumpara sa naunang pagtataya.


Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaari ring bumaba ng hanggang P1.50 kada litro o manatiling walang pagbabago.


Matatandaang matapos ang ilang linggo ng mga pag-atake, inanunsyo ni US President Donald Trump ang tigil-putukan sa pagitan ng Amerika at Iran na nakatulong upang humupa ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.


Gayunpaman, babala ng mga local player sa industriya ng langis, maaaring panandalian lamang ang pagbaba ng presyo sa mga gasolinahan dahil sa nananatiling hindi tiyak na sitwasyon sa rehiyon na pangunahing pinanggagalingan ng langis.


 
 

ni Jeff Tumbado @News | April 10, 2026



Lindol sa Cebu - Cebu People’s Action Center


Matapos ang mahigit isang buwan ng sunud-sunod na malalaking taas-presyo sa produktong petrolyo dulot ng tensyon sa Middle East, maaaring makaranas ng kaunting ginhawa ang mga motorista sa susunod na linggo.


Ayon sa ulat mula sa industriya ng langis, bumaba ang Mean of Platts Singapore o MOPS at premiums kasunod ng dalawang linggong ceasefire na napagkasunduan ng United States at Iran.


Batay sa galaw ng MOPS trading sa unang tatlong araw ng linggo, inaasahang magkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo:


Diesel - bawas ng P2.50 hanggang P3.40 kada litro

Gasoline: bababa ng humigit-kumulang P1.00 kada litro


Gayunman, maaari pa itong magbago depende sa magiging resulta ng trading hanggang Biyernes, Abril 10, 2026.


 
 

ni Jeff Tumbado | April 7, 2026



DINAGSA na ng mga motoristang nagpapakarga ng petrolyo ang isang gasoline station sa Olongapo City kasunod ng “double digit” na dagdag-presyo ngayong araw. (Jeff Tumbado)


Inaasahang muling sasabak ang mga motorista sa panibagong bugso ng malakihang taas-presyo sa petrolyo, ngayong Martes.


Shell Pilipinas Corp.

Gasoline: + P5.90 per liter

Diesel: + P19.80 per liter

Kerosene: + P9.10 per liter

Petron Corp.

Gasoline: + P4.90 per liter

Diesel: + P18.80 per liter

Kerosene: + P8.10 per liter


Sa ngayon, wala pang inilalabas na anunsyo ang iba pang mga kumpanya ng langis kaugnay ng kanilang magiging price adjustments.


Ayon sa mga source sa industriya, ang panibagong pagtaas ng presyo ay iniuugnay pa rin sa nagpapatuloy na tensyon at digmaan sa Gitnang Silangan, na patuloy na nagbabanta sa suplay ng langis sa pandaigdigang merkado.


Bagama’t nakakuha na umano ng katiyakan ang Pilipinas mula sa Iran para sa ligtas na paglayag ng mga barkong may kargang langis sa Strait of Hormuz—isang mahalagang ruta ng kalakalan ng enerhiya—nanatiling mataas ang presyo ng langis dahil sa kawalan ng senyales kung kailan tatagal ang tensyon sa rehiyon. 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page