top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 26, 2022


ree

Sa kasalukuyang tala ng Department of Education (DepEd) ng Oplan Balik Eskwela 2022, tinatayang aabot na sa higit 2.5 milyong estudyante ang maagang nakapagpalista para sa darating na pasukan ngayong taon.


Batay sa huling datos ng DepEd, kahapon ng Abril 25, 2022, bandang alas-5 ng umaga, umabot na sa 2,571,170 learners sa buong bansa ang maagang nakapagparehistro sa Kindergarten, Grade 1, Grade 7, at Grade 11.


Nangunguna sa listahan ng rehiyong may pinakamaraming bilang ng pre-enrolled learners ang CALABARZON region (257,849) na sinundan ng Region 5 (232,889), at NCR (190,317).


Mas kakaunti naman ang kasalukuyang bilang ng mga nagpatala sa Region IX - Zamboanga Peninsula (85,032), sinundan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (75,493) at huli ang Cordillera Administrative Region (39,414).




 
 

ni: Lolet Abania | April 18, 2022


SUSPENDIDO ang klase sa lahat ng levels sa mga pampublikong paaralan mula Mayo 2 hanggang 13 dahil sa mga aktibidad kaugnay sa May 9 National Elections, ayon sa Department of Education (DepEd) ngayong Lunes.


Ang suspensiyon ng mga klase ay batay sa DepEd Order No. 29 na inisyu noong Agosto 5, 2021. Walang pasok ang mga estudyante mula Kinder hanggang Grade 12 sa lahat ng mga public schools sa bansa.


“Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd,” pahayag ng DepEd.


“Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities.”


 
 

ni Lolet Abania | April 4, 2022


ree

Iniulat ng Department of Education (DepEd) ngayong Lunes na mayroong 17,479 pampubliko at pribadong paaralan na nominado para magsagawa ng kanilang face-to-face classes.


Base sa quick count ng ahensiya, nasa 17,054 pampubliko at 425 pribadong paaralan ang handa nang magpatuloy para sa kanilang physical classes nitong March 28.


Ayon sa DepEd, ang mga naturang eskuwelahan, alinman dito, ay fully compliant o ganap na sumusunod sa School Safety Assessment Tool (SSAT) ng ahensiya o sumusunod subalit may naka-pending na kasunduan sa local government unit (LGU).


“We are optimistic with this upward trend on the number of schools already implementing classroom-based learning. With support from the Central and Regional Offices, we are keen on reintroducing physical classes to more localities in the country,” ani DepEd Secretary Leonor Briones sa inilabas na press release ng ahensiya.


Batay din sa DepEd, tinatayang nasa 13,692 pampubliko at pribadong paaralan ang kasalukuyang nagsasagawa na ng in-person classes o 78.3% ng mga nominated schools.


Noong Pebrero, nasa 6,686 paaralan lamang sa buong bansa ang nakapasa sa SSAT. Sa nasabing bilang, 6,586 ang public schools at 100 naman ang private schools.


Dahil sa pagdami ng bilang ng mga eskuwelahan na nagsasagawa ng in-person classes, nakatakdang mag-release ang DepEd ng mga polisiya kaugnay sa tinatawag na progressive expansion ng onsite learning, kabilang na rito ang updated SSAT.


“The SSAT will ensure that our schools are ready for the changes in managing face to face classes while guiding our field offices in the provision of logistical and technical assistance needed by schools,” pahayag pa ni Briones.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page