top of page
Search

by Info @ News | November 28, 2025



500 pesos

Photo File: Circulated



P500 PARA SA NOCHE BUENA?


Naniniwala ang Department of Trade and Industry (DTI) na kayang pagkasyahin pang-Noche Buena ang P500.


“Kung tutuusin P500 makakabili na kayo ng ham. Makakagawa na ng macaroni salad, makakagawa na rin ng spaghetti. Depende rin po ‘yan kung ilan ‘yung kakain,” ani DTI Sec. Cristina Roque.


Ipinunto nila na may mga produktong hindi nagtaas ng presyo kaya may choice umano ang mga tao na mamili depende sa budget.

 
 

ni Mabel Vieron - OJT | February 24, 2023



ree

Hinikayat ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko na sa supermarket o grocery stores bumili ng prime commodities dahil sumusunod ang mga ito sa Suggested Retail Price (SRP).


Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castello, mahigpit na sinusunod ng supermarket at grocery stores ang inilalabas nilang SRP.


Karamihan naman aniya sa mga palengke ay hindi sumusunod sa SRP dahil hindi ito saklaw ng monitoring ng DTI. Pinayuhan din ng ahensiya ang mga retailer sa palengke na maghinay-hinay sa kanilang presyo.


Samantala, halos naaprubahan na ang lahat ng mga request para sa price adjustment, maliban na lamang sa mga bagong request na kailangan muna nilang pag-aralang mabuti batay sa verification sa International Price Index at sarili nilang research kung tama ang presyo ng raw materials.


 
 

ni Lolet Abania | May 26, 2022


ree

Napili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bubuo sa kanyang gabinete sina Alfredo Pascual at Manuel “Manny” Bonoan para pamunuan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH), base sa pagkakasunod.


“I have asked Fred Pascual to head the DTI and he has agreed,” ani Marcos sa isang press conference ngayong Huwebes. “I am intending to nominate Manny Bonoan for Department of Public Works and Highways. I know him very well, I know he will do a good job...” dagdag ni Marcos.


Si Pascual ang hepe ng Management Association of the Philippines (MAP) at dating presidente ng University of the Philippines (UP). Habang si Bonoan ay presidente at chief executive officer (CEO) ng SMC Tollways.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page