top of page
Search

ni Lolet Abania | March 15, 2022


ree

Nakatakdang mabenepisyuhan ang mga Filipino healthcare workers sa Germany na nagsilbi sa gitna ng COVID-19 pandemic mula sa COVID care bonus ng German government, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).


Naglaan ang gobyerno ng Germany ng €1 billion para sa COVID care bonus, kung saan hahatiin equally ito sa mga nurse na nasa care homes at mga nurse sa mga ospital, ayon kay Labor Attaché Delmer Cruz ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Berlin sa kanyang report kay DOLE Secretary Silvestre Bello III.


“The initiative of Germany to reward the frontline workers including our very own for their service during the pandemic is really commendable. This will inspire all the more our healthcare workers in providing the brand of service that the Filipinos are known for even in the midst of crisis,” pahayag ni Bello.


Sinabi ng DOLE na ang mga healthcare workers na nakatalaga sa elderly care ay makatatanggap ng insentibo na naglalaro mula 60-550 Euros o P3,400-P31,000.


Kabilang sa mabebenepisyuhan nito ay mga nursing staff na nagtatrabaho sa geriatric care ng tinatayang tatlong buwan sa pagitan ng Nobyembre 1, 2020 at Hunyo 30, 2022, at iyong nananatiling employed hanggang Hunyo 30.


Ang iba pang beneficiaries ng COVID care bonus ay mga support staff, gaya ng administrators at iyong mga nasa building services, kitchen, cleaning, reception at security services, gardening at grounds maintenance, at laundry o logistics.


Ang mga trainees naman para sa elderly care, ibang empleyado, volunteers, at nakilahok sa “voluntary social year” scheme ay eligible din para makatanggap ng naturang insentibo.


 
 

ni Lolet Abania | March 9, 2022


ree

Posibleng hindi na maging sapat ang minimum wage para sa mga manggagawa at kanilang mga pamilya sa National Capital Region (NCR) sa gitna ng walang tigil na pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang pangunahing pangangailangan, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong Miyerkules.


Sa isang statement ni DOLE Secretary Silvestre Bello, inatasan na nito ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa buong bansa na madaliin ang pagre-review patungkol sa minimum wages.


“The current daily minimum wage in the National Capital Region (NCR), for instance, of P537 may no longer cope with the price of basic commodities such as food, electricity and water bills,” sabi ni Bello.


Nagpahayag naman ng kumpiyansa ang opisyal na ang RTWPBs ay magsusumite ng kanilang mga rekomendasyon bago matapos ang Abril.


Ayon kay Bello, siyang chairman ng Tripartite Wages and Productivity Board, ang RTWPBs, kabilang din ang National Economic Development Authority (NEDA), ang Department of Trade and Industry (DTI), at mga representatives mula sa parehong labor at employers groups, na bilang pamamaraan aniya ay dapat na nagmo-monitor ng mga wage levels, nag-a-assess ng mga economic factors at nagbibigay ng mga rekomendasyon para sa pagsasaayos ng minimum wages sa buong bansa.


“Setting and adjusting the wage level is one of the most challenging parts of minimum wage fixing. Minimum wage cannot be very low as it will have very small effect in protecting workers and their families against poverty,” saad ng kalihim.


“If set too high, it will have an adverse employment effect. There should be a balance between two sets of considerations,” dagdag pa nito.


Ang RTWPBs sa buong bansa ay nakatanggap ng mga petisyon para sa hinihinging minimum wage increase sa kani-kanilang mga lugar.


“Every year, we have what we call an anniversary period where we make an assessment of all petitions received. One petition called for a uniform increase of P750 in the minimum wage nationwide,” pahayag pa ni Bello.


 
 

ni Lolet Abania | March 2, 2022


ree

Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mahigit sa 600,000 manggagawa ang nakabalik na sa kanilang mga trabaho nitong Lunes, bago pa isinailalim ang National Capital Region (NCR) at 38 iba pang lugar sa bansa sa Alert Level 1.


Sa isang interview kay DOLE Secretary Silvestre Bello III ngayong Miyerkules, sinabi nitong inasahan na rin nila na tataas pa ang bilang ng mga manggagawang balik-trabaho kapag ibinaba na ito sa naturang alert level system.


“As of Monday, may nakabalik nang, hindi naman exact ito, more than 600,000 ang nakabalik na. We expect na marami pang babalik kasi full operation na,” ani Bello.


Sa ilalim ng Alert Level 1, ang lahat ng establisimyento, mga indibidwal, o aktibidad, ay pinapayagan na mag-operate, magtrabaho, o ipatupad ang full on-site o venue/seating capacity subalit dapat na isinasagawa pa rin ang minimum public health standards.


Ipinaliwanag naman ni Bello na ang mga empleyado na nasa work-from-home arrangements na babalik na sa kanilang mga trabaho o onsite work, subalit unvaccinated pa laban sa COVID-19, ay mananatiling required na magprisinta ng negative RT-PCR test result kada dalawang linggo.


“’Yun ang desisyon namin sa IATF. Kung hindi ka bakunado, puwede ka pumasok kaya nga lang for the protection naman ng mga coworkers mo and especially of the workplace, magpa-swab ka para natitiyak na pagpasok mo negative ka,” giit ng opisyal.


“Otherwise, biro mo, kung may isang nakapasok, eh ‘di ubos ang buong workforce mo,” dagdag pa ni Bello. Samantala, inamin ni Bello na ang P537 minimum wage para sa NCR employees ay masyadong maliit.


Gayunman, ayon sa kalihim, ang adjustment ng minimum wage ay nakadepende sa assessment ng regional wage board, habang kinukonsidera rin nila ang kapasidad ng mga employers para mag-increase ng mga sahod ng kanilang mga empleyado.


“Personally, talagang medyo maliit na ‘yung P537 dito sa Metro Manila. Pero ang isang pinakamahalagang i-consider natin ay kaya ba ng mga employers,” sabi pa ni Bello.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page