top of page
Search

ni BRT | June 20, 2023




Nag-alok ng kabuuang P3 milyong pabuya ang Department of Justice (DOJ) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para madakip sina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at dating deputy officer Ricardo Zulueta na suspek sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid.


Sa ambush interview nitong Lunes kay Justice spokesman Asec. Mico Clavano, sinabing P2 milyon ang nakalaang pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon upang madakip si Bantag, at P1 milyon naman para kay Zulueta.



Nahaharap sina Bantag at Zulueta sa kasong pagpatay kina Percy at Jun Villamor, na umano'y middleman sa pagpatay sa nasabing mamamahayag.


Ang sinumang nais magbigay ng impormasyon ay maaaring tumawag sa 0945 831 058 at 0928 416 9585, ayon kay Clavano.


 
 

ni Mabel Vieron - OJT | February 25, 2023



Hinihikayat ng Department of Justice (DOJ) ang “no settlement” o walang aregluhan sa mga kaso ng incestuous rape o panghahalay na ginawa ng kaanak.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, isasangguni nila ito sa court administrator at susulat kay Chief Justice Alexander Gesmundo upang magkaroon ng panuntunan sa mga korte kaugnay ng no settlement sa mga kaso ng panghahalay na ginawa ng kaanak.

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOJ sa mga opisinang humahawak ng child abuse at incestuous rape cases.

Suportado rin ng Department of the Interior and Local Government (DILG), ang paglalabas ng memorandum circular bilang gabay ng mga kawani ng lokal na

pamahalaan sa paghawak ng mga insidente ng incestuous rape.

Base sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) mula 2019 hanggang 2022, nasa 853 na kaso ng sexual abuse sa mga bata na gawa ng kaanak ang nai-report sa ahensya.

Ayon kay CPN Executive Director Bernadette Madrid, mayroon umanong National Baseline Survey on Violence against Children, kung saan makikita rito na 1 sa 20 batang Pinoy ay nakararanas ng sexual violence at karamihan pa rito ay sa kamay ng kanilang mga kamag-anak.

Sinabi naman ng DSWD na may mga programa ang ahensiya tulad ng psychosocial intervention, counseling, residential care facility, at reintegration package para sa mga batang biktima.


 
 

ni Madel Moratillo | February 22, 2023



Ibinaba ng Department of Justice (DOJ) sa P10,000 ang piyansa para sa mahihirap na nahaharap sa kasong kriminal.

Sa isang department circular, inatasan ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga prosecutor na sa panahon ng inquest o preliminary investigation ay alamin kung ang respondent ay indigents at irekomenda ang mas mababang piyansa.

Sakaling mapatunayang guilty ito sa ginawang inquest o preliminary investigation ay 50% lang ng piyansa ang irerekomenda para rito o P10,000 o kung alin ang mas

mababa.

Hindi naman tinukoy sa DOJ circular ang nature ng krimen pero itinakda sa P10,000 ang cap bilang maximum na halaga para sa indigents.

Ayon naman kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, effective immediately ang nasabing circular.

Nabatid na ang nasabing reporma ay inirekomenda ni Chief Justice Alexander Gesmundo sa ginawang Justice Sector Coordinating Council noong Enero bilang solusyon sa jail congestion.

Tiniyak naman ni Remulla na magkakaroon ng safeguards ang circular na ito para hindi maabuso.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page