top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | November 6, 2020




Sinigurado ng Department of Health (DOH) ngayong Biyernes na wala pang naiuulat na kaso ng bacterial disease na brucellosis sa Pilipinas matapos mabalita ang outbreak sa northwest China.


Pahayag ng DOH, “There are documented reports of cases of Brucellosis in China. The Philippines has not reported any case of Brucellosis to this date.” Ang brucellosis ay nakukuha sa pagkakaroon ng close contact sa infected animals, pagkain o pag-inom ng kontaminadong animal product at paglanghap ng airborne agents at maaaring magdulot ng lagnat, pananakit ng kasukasuan at sakit ng ulo.


Nakikipag-ugnayan din umano ang DOH sa Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses, Department of Agriculture Bureau of Animal Industry, at Department of Natural Resources upang ma-monitor kung mayroon nang kaso ng brucellosis sa bansa.


Saad ng DOH, “Equipped with our ASEAN Biodiaspora Virtual Center, an artificial intelligence system to monitor international cases of infectious diseases and the coordinated surveillance with other member agencies… Are in place to ensure that cases of Brucellosis do not go unreported in the country.”


Noong Huwebes, mahigit 6,000 katao sa Lanzhou, China ang nagpositibo sa naturang bacterial disease na nagmula umano sa biopharmaceutical plant na gumagawa ng vaccines noong 2019.

 
 

ni Lolet Abania | November 5, 2020



Nagkaloob ang Department of Health (DOH) ng P20 million na financial assistance sa mga ospital at mga lugar na matinding tinamaan ng Super Typhoon Rolly.


Ayon kay DOH Usec. Rosario Vergeire, nagbigay ng tulong ang ahensiya sa tatlong DOH hospitals at mga apektadong lugar at siyudad sa Bicol region.


Ang mga nakatanggap ng aid na mga ospital ng DOH ay ang mga sumusunod:


* Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi, Albay (P5 million)

* Bicol Medical Center sa Naga City, Camarines Sur (P5 million)

* Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center sa Cabusao, Camarines Sur (P2 million) Gayundin, nagbigay ang ahensiya ng P2 million sa lalawigan ng Camarines Sur, habang ang Albay at Catanduanes ay nakatanggap naman ng P1.5 million bawat isa.


Sa Naga City, nagkaloob ang ahensiya ng P1.2 million, habang sa Camarines Norte, Masbate at Sorsogon ay mayroong P600,000 bawat isa.


Samantala, ang Bagyong Rolly ang pinakamalakas na cyclone na tumama sa bansa ngayong taon, kung saan apektado nang husto ang Luzon, nagdulot ng 20 katao na namatay, 74 nasugatan at tatlo pa ang nawawala, ayon sa pinakabagong naiulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong araw.

 
 

ni Thea Janica Teh | September 3, 2020




Hindi magiging merry ang Christmas ng Pilipinas dahil maaaring pumalo sa 585,000 ang

kaso ng COVID-19 sa bansa bago matapos ang taon, ayon sa researcher mula sa University of the Philippines (UP).


Sa updated Coronavirus dashboard ng UP COVID-19 Pandemic Response Team, sinabi na maaari pa itong bumaba sa 402,000 batay sa detected cases. Ngunit, maaari rin itong

pumalo sa 767,000 depende sa iba’t ibang sanhi na makaaapekto sa pagkalat ng virus,

paghahanap ng mga kaso at pagre-report ng data sa darating na 4 na buwan.


Samantala, tinatayang aabot sa 2 milyon ang kaso ng COVID-19 sa bansa kung maisasama ang lahat ng undetected case. Ito ay 1.85% na ng kabuuang populasyon na 108 milyon.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ng team na maaaring umabot sa pagitan ng 5,000-10,000 o may average na 7,500 ang death toll sa bansa.


Sa ngayon, nakapagtala na ang Department of Health ng 226,440 kaso ng COVID-19 sa

bansa. Mula rito, 3,623 na ang namatay at 158,610 ang gumaling.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page