top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 18, 2021




Nakikipagnegosasyon na ang Pilipinas sa mga international vaccine manufacturers sa posibilidad na makagawa ng sariling COVID-19 vaccines ang bansa, ayon sa pahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr..


Aniya, “Before we were the ones who were producing our vaccines and even donating it to other countries such as China. President Duterte is more inclined in his earlier statement to reactivate and revive that capability.”


Kaugnay nito, inihayag din ng Vietnam na inihahanda na nila ang Nanocovax COVID-19 vaccines para maging available sa ika-apat na bahagi ng 2021.


Anila, ang pagbuo ng sariling bakuna ay mainam para mas malabanan ang lumalaganap na pandemya. Sa ngayon ay Sinovac at AstraZeneca pa lamang ang mga bakunang nasa ‘Pinas kung saan tinatayang 240,297 indibidwal na ang naturukan kontra COVID-19 simula noong ika-1 ng Marso.

 
 

ni Lolet Abania | March 17, 2021




Isang health worker na naturukan na ng COVID-19 vaccine ang nasawi noong March 15, subalit hindi ang bakuna ang dahilan ng pagkamatay nito, ayon sa mga opisyal ng Department of Health at ng Food and Drug Administration ngayong Miyerkules.


“On March 15, a death was reported in an individual who had received the COVID-19 vaccine and subsequently tested positive for COVID-19,” batay sa inilabas na statement ng DOH at FDA. Ayon sa DOH at FDA, ang national at regional committees, na siyang naatasang mag-monitor ng mga adverse effects following immunization ay nagsabing “concluded that the cause of the death was COVID-19 itself, not by the COVID-19 vaccine.”


“COVID-19 vaccines cannot cause COVID-19,” dagdag pa ng mga nasabing ahensiya. Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang DOH tungkol sa namatay na health worker.


Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shield at pagkakaroon ng social distancing kasabay ng isinasagawang pagbabakuna.


Hinihimok din ang mga health workers na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo.


“Millions of people around the world have received this vaccine, and evidence continues to show that the benefit of vaccination outweighs the risk of severe disease and death caused by COVID-19,” sabi pa ng dalawang ahensiya, kung saan may kabuuang 240,297 indibidwal na ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 17, 2021




Itinanggi ng OCTA Research Group na manipulado ng pamahalaan ang kaso ng COVID-19 sa bansa sapagkat may mga datos na makapagpapatunay sa bilang ng mga nagpopositibo at kung saan napupunta ang mga bakuna, ayon kay OCTA Research Group Fellow and UP Mathematics Professor Dr. Guido David sa ginanap na Pandesal forum kaninang umaga, Marso 17, sa Kamuning Bakery.


Aniya, ang mga inilalabas na datos ng Department of Health (DOH) ay may basehan at nakadepende rin sa science ang bawat aksiyon na ginagawa ng pamahalaan.


May mga record kung saan nakalista ang bawat pangalan, edad at lokasyon ng mga pasyenteng positibo sa virus. Iginiit din niyang batay sa statistics, kada 100% sa naitalang kaso ay mayroong 2% death at infected rate na iniulat, na nangangahulugang mabilis ang hawahan sa bawat nagpopositibo o 'yung .5% reproduction rate.


Ayon pa sa survey, mahigit 90% ng mga mamamayan ang nagsusuot ng face mask, habang 80% naman ang nagsusuot ng face shield. Bagama’t wala pang ebidensiya galing sa Philippine Genome Center na ang posibleng dahilan ng mabilis na hawahan ay ang mga bagong variant ng COVID-19, gayunman, patuloy pa ring pinapayuhan ang publiko na sumunod sa ipinapatupad na health protocols.


Dagdag pa niya, ligtas at pinag-aralang mabuti ng mga eksperto ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 kaya hindi dapat mangamba ang publiko, partikular na ang mga healthcare workers na prayoridad sa bakuna.


Aniya, ginagawa ng pamahalaan ang lahat ng paraan upang labanan ang pandemya.


Posible ring irekomenda ang mga artista bilang endorser ng mga bakuna upang tumaas ang kumpiyansa ng publiko at maging epektibo ang kampanya ng rollout. Sa ngayon ay ilang lungsod na ang sumasailalim sa localized enhanced community quarantine at unified na rin ang curfew sa buong Metro Manila dulot ng mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19, kung saan kabilang ang mga menor de edad at senior citizens sa mga pinagbabawalang lumabas ng bahay.


Sa pagpapatuloy nito, inirekomenda rin na idagdag ang vitamins sa mga relief pack na ipinapamigay sa bawat naka-lockdown na komunidad upang mapataas ang immune system ng mga mamamayan sa halip na puro delata at instant noodles.


Sabi pa ni Dr. David, “This is really something that we need to deal with. Hopefully, the vaccines rollout quickly because we need to get the vaccines. We need to get people vaccinated… We have to remind them that this is important for our economic recovery. Hindi tayo makaka-recover if a lot of people are not vaccinated.”


“This vaccination, we do this not just for ourselves, we do this for our friends, for our family, for our countrymen. This is something that the selfless act. Support the vaccines. We can even also call it heroic act for our country. Kung magkakani-kanya tayo, we will never get anywhere. We see this naman, countries that developed quickly, they move together. They are very united. This is what we need. We need to work together. We need to be united and to be solid. We need to move together. Hindi tayo kani-kanya. Everything will not improve based on our own decision,” pagtatapos niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page