top of page
Search

ni Lolet Abania | May 23, 2022


ree

Ibinasura na ng Department of Science and Technology (DOST) ang kanilang clinical trial kaugnay sa paggamit ng antiparasitic drug ivermectin para sa COVID-19.


Ayon kay DOST Secretary Fortunato dela Peña, nabatid na nahirapan silang kumuha ng ethics clearance hinggil sa pag-aaral nito at nagdesisyon na rin ang Department of Health (DOH) na gamitin ang humigit-kumulang na P48-milyon pondo sa ibang bagay.


“Ang pinaka-final decision namin ang recommendation ng Department of Health kasi sila rin naman ang nagrekomenda ng trials. Sila rin naman ang nag-recommend na itigil ang trials at i-save na lang ang almost P48 million for other purposes,” pahayag ni Dela Peña sa radio interview ngayong Lunes.


Sinabi ni Dela Peña na wala ring bagong impormasyon na available internationally sa ivermectin. “Ang grupo na binuo for our trial ay member din ng international network at ‘yun nga ang kanilang sinasabi, wala pang dumadating na anything that is clear na may benefits sa ivermectin,” saad ng opisyal.


Aniya pa, ilang pasyente ang nagawang lumahok sa clinical trial, habang ang mga suppliers ng ivermectin ay tumatangging makiisa sa pag-aaral kapag nabatid na nila ang kanilang layunin.


“Nahirapan kami kumuha ng supplier ng gamot. ‘Pag nalaman nilang gagamitin sa trial ay umaatras sila. Natatakot siguro sila ang effect ay makasira ang market,” paliwanag ni Dela Peña.


 
 

ni Lolet Abania | May 21, 2022


ree

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado na naka-detect na sa bansa ng Omicron subvariant BA.4, na isang Pilipino na nag-travel mula sa Middle East noong nakaraang Mayo 4.


Sa isang statement, ayon sa DOH ang lalaki ay dumating sa bansa noong Mayo 4 at ang kanyang positive test result para sa subvariant ay mula sa isang specimen na nakolekta noong Mayo 8. “He was asymptomatic,” saad ng DOH.


“[The] DOH has been coordinating with the concerned LGUs (local government units) since confirmation of the case to rapidly implement detection and isolation activities as part of the PDITR response,” dagdag ng ahensiya.


Hindi agad maibigay ang mga detalye ng pasyente hinggil sa kanyang travel history, kung ang naturang Pinoy ay returning tourist o worker, at kung saan sumailalim sa quarantine ang indibidwal.


Ayon sa DOH, klinasipika ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC), ang Omicron BA.4 bilang isang variant of concern (VOC), kaya maaaring mabilis itong kumalat o anila, “cause worse illness.”


“BA.4’s faster transmission is likely because of its ability to evade immune protection induced by prior infection and/or vaccination, particularly if this has waned over time. While the ECDC has not observed any change in severity for BA.4 compared to other Omicron subvariants, we must be careful because faster transmission will lead to a spike in cases that could overwhelm our hospitals and clinics,” ani DOH.


Mahigpit namang ipinaalala ng DOH sa mga LGUs, “to proactively seek the unvaccinated and those eligible for boosters, and to make it convenient to get a jab.”


Mariing ipinayo rin ng ahensiya sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19 at agad nang tanggapin ang mga booster shots, at ipagpatuloy ang pagsunod sa mga health protocols.


Gayunman, base sa pag-aaral, maaaring hindi ito maging sanhi ng severe COVID-19 symptoms kumpara sa ibang Omicron subvariants subalit may posibilidad na potensiyal na dumami ulit ang nasa ospital dahil sa kanyang transmissibility.


 
 

ni Lolet Abania | May 20, 2022


ree

Wala pang nade-detect sa bansa na kaso ng monkeypox na unang nadiskubre sa mga Western countries, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Biyernes.


“The monkeypox virus, transmitted to humans through close contact via wounds, bodily fluids or respiratory droplets from an infected person, animal, or contaminated material,” pahayag ng DOH.


Ayon sa DOH, ang mga sintomas na infected ng monkeypox ay lagnat, rash, at pamamaga ng lymph nodes. Sinabi naman ng ahensiya na pinaiigting na ng gobyerno ang mga border screening at anila, “ensuring surveillance systems are actively monitoring the situation.”


Binanggit din ng DOH na ang patuloy na pagsunod sa minimum public health standards ang maaaring makapigil sa monkeypox transmission.


“Wear your best-fitted mask, ensure good airflow, keep hands clean, and keep physical distance. These also protect us against COVID-19,” saad ng DOH sa isang statement.


Ayon pa sa DOH, ang monkeypox virus ay na-detect na sa United States, Canada at United Kingdom, at ilang European countries, kabilang na ang Portugal at Spain.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page