top of page
Search

ni V. Reyes | February 5, 2023



Nais ng grupong Samahang Industriya ng Agri-kultura (SINAG) na maitalaga ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. bilang kalihim ng Department of Agriculture (DA) ang kapatid nito na si Senador Imee Marcos.


Ayon kay Rosendo So, presidente ng SINAG, nakita ng kanilang samahan ang pagsisikap ni Imee na matulungan ang sektor ng agrikultura.


“Sa tingin natin si Senator Imee ang puwedeng umupo as Secretary of Agriculture.


Nakita ng aming samahan ang hardwork at pagtulong niya sa agricultural sector,” pahayag nito.


Natawa lang si Senador Marcos sa suhestiyon ngunit kanyang iginiit na dapat magpatuloy ang imbestigasyon laban sa mga agricultural smuggler.


“2016 pa ‘yung batas laban sa agricultural smuggling pero wala pang nakakasuhan na tuluy-tuloy na kulong. Sana matapos na ito,” diin ng Senadora.


 
 

ni Lolet Abania | December 14, 2022



Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na ang suplay ng bigas at asukal sa bansa ay sapat pa hanggang sa susunod na taon, kung saan ang halaga ng mga sugar products sa ngayon ay bumaba na sa P95 kada kilo.


Sa isang interview ngayong Miyerkules, sinabi ni DA Assistant Secretary at spokesperson Kristine Evangelista na ang supply ng asukal ay mas mabuti na ngayon kumpara noong mga nakalipas na buwan dahil ito sa milling season ng mga local producers.


“Nakikita na natin na there were months na P120 umabot ang ating refined, ngayon nasa P95 na po,” saad ni Evangelista na aniya pa, ang Sugar Regulatory Authority (SRA) ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga local traders.


Ayon sa opisyal, base na rin sa supply situation, ang presyo ng asukal ay maaaring ma-stabilize hanggang sa susunod na taon.


“That is the objective. We are looking at the cost structure, now we see it at P95. Although meron tayong of course tinitingnan na pwedeng mag-P90, pero meron tayong kino-consider na factors, also taking into consideration ‘yung mga movement ng gasolina,” sabi ni Evangelista.


“At P95, maganda po ‘tong presyong ‘to and [P95 is a good price] we want to maintain this price as much as possible,” pahayag niya. Pinawi rin ni Evangelista ang pangamba ng mga konsyumer patungkol sa suplay ng bigas aniya, ito ay sapat pa hanggang sa unang quarter ng 2023.


“Based sa supply data ng Department of Agriculture, at ito ay sa pakikipag-ugnayan din ng mga ibang stakeholders tulad ng SINAG, we are sufficient pagdating po sa bigas.


Marami po tayong na-produce na local rice at base po doon, hanggang first quarter nga, marami po,” ani Evangelista.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page