top of page
Search

ni BRT @News | August 7, 2023



ree

Kasunod ng pagbawi ng gobyerno sa state of public emergency dahil sa COVID-19, sinabi kahapon ng Department of Health na mas nakamamatay pa ang ibang sakit kaysa sa respiratory illness na nagdulot ng pandemya.


Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, kung ikukumpara ang COVID-19 sa ibang sakit, mas mababa na ang bilang ng tinatamaan nito.


Mas mababa na rin umano ang bilang ng mga naoospital at namamatay dahil sa COVID.

Karaniwan aniyang nasa 1 hanggang 2 pasyente lang ang nadadala sa ospital, at karaniwang may edad at comorbidity.


"'Yung COVID-19, para na siyang isa sa mga sakit natin. At mas nakamamatay pa ang dengue saka [leptospirosis tsaka tuberculosis]," ani Herbosa.


Matatandaang sinabi ng DOH kamakailan na patuloy na tumataas ang mga kaso ng dengue sa bansa habang inaasahan namang dadami ang mga may leptospirosis dahil sa pagbaha.


Sa kabila nito, patuloy ang surveillance ng DOH sa COVID dahil maaari pa rin umanong magka-outbreak.


Pinayuhan naman ni Herbosa ang publiko na gusto magpaturok ng bivalent vaccine na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.



 
 
  • BULGAR
  • Jun 16, 2023

ni Madel Moratillo | June 16, 2023



ree

Aabot sa 51,323 kaso ng dengue ang naitala sa unang 5 buwan ng taon.


Sa datos ng Department of Health (DOH), mula Enero 1 hanggang Mayo 20, 2023 tumaas ng 30 porsyento ang kaso ng dengue sa bansa kumpara sa 39,620 na naitala sa parehong panahon noong 2022.


May naitala namang 176 na nasawi pero ito ay mas mababa naman sa 212 noong nakaraang taon.


Sa Metro Manila ay nakapagtala ng 5,726 kaso ng dengue na mas mataas ng 68 porsyento kumpara sa parehong panahon noong 2022.


Karamihan ng dengue cases ay naitala sa pagitan ng edad na 5 hanggang 9. Kaya paalala ng DOH sa publiko, ugaliin ang 4S strategy kontra dengue. Ito ang Search and

Destroy, Secure self protection, Seek early consultation at Support fogging/spraying in hotspot areas.


 
 
  • BULGAR
  • Jun 10, 2023

ni Madel Moratillo | June 10, 2023



ree

Pumalo na sa 48,109 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa sa unang 5 buwan ng taon.


Sa datos ng Department of Health, mas mataas ito ng 38 porsyento kaysa 34,963 naitala sa kaparehong panahon noong 2022.


Karamihan ng kaso ay naitala sa Metro Manila (6,395), Calabarzon (5,135), Davao Region (4,842), Central Luzon (4,722), at Northern Mindanao (4,278).


Nakapagtala naman ng 176 nasawi dahil sa dengue na mas mababa naman sa 203 deaths na naitala noong nakaraang taon.


Kabilang sa sintomas ng dengue ay kapareho ng sa flu.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page