top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe
Search

ni Justine Berganio @Overseas News | September 12, 2026



24 students nasunog - Bukavu, Democratic Republic of the Congo. - AP

Photo: Bukavu, Democratic Republic of the Congo. - AP



Patay ang 24 bata, kabilang ang 19 babae at limang lalaki, matapos tupukin ng malaking sunog ang dalawang paaralan at nasa 300 bahay na gawa sa kahoy sa rebel-controlled city ng Bukavu, Democratic Republic of the Congo.


Ayon sa AFC/M23 rebel administration, 29 katao ang sugatan at 21 sa mga ito ang nasa intensive care. Patuloy naman ang imbestigasyon para matukoy ang sanhi ng sunog.

Mabilis na kumalat ang apoy habang nasa paaralan ang mga bata. Rumesponde ang mga ambulansya para ilikas ang mga nasawi at sugatan, habang natupok ang maraming kabahayan.


Pagsapit ng hapon ay naapula ang sunog, pero patuloy na umaakyat ang usok mula sa mga guho. Posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi habang nagpapatuloy ang search at assessment sa lugar. 

 
 

ni Jenny Rose Albason @World News | May 29, 2026



Katawan ng tao na nasawi sa Ebola sa health center sa Rwampara, Democratic Republic of Congo - Moses Sawasawa-AP


Nanawagan ang World Health Organization (WHO) ng agarang tigil-putukan sa silangang bahagi ng Democratic Republic of the Congo (DRC) upang mapigilan ang pagkalat ng Ebola habang nagpapatuloy ang labanan sa rehiyon.


Ayon sa WHO, lumalala ang Ebola outbreak sa gitna ng patuloy na sigalot, dahilan upang magsiksikan ang mga lumikas sa evacuation at displacement camps kung saan mas mabilis na kumakalat ang sakit.


Sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na lubhang naaapektuhan ng digmaan at outbreak ang sitwasyon sa eastern DRC, kung saan nahihirapan ang mga health worker na makapaghatid ng tulong dahil sa kaguluhan.


Ayon kay Tedros, hindi magiging epektibo ang pagtugon sa outbreak habang nagpapatuloy ang pambobomba at labanan, kaya nanawagan siya sa lahat ng panig na magpatupad ng agarang ceasefire.


Ang kasalukuyang Ebola outbreak ay mula sa Bundibugyo strain na wala pang aprubadong bakuna o lunas, at idineklara ng WHO bilang international health emergency dahil sa mabilis na pagdami ng kaso.


Mahigit 900 na ang pinaghihinalaang kaso at higit 200 ang pinaghihinalaang nasawi sa tatlong probinsya sa eastern Congo, kabilang ang mga lugar na kontrolado ng mga rebeldeng grupo.


Ayon sa mga humanitarian organization, marami sa mga nasawi ay mga bata, habang lampas na rin sa kapasidad ang mga refugee sites sa karatig-bansang Uganda dahil sa pagdagsa ng mga lumikas.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | May 23, 2021




Pumutok ang Mount Nyiragongo sa eastern city ng Goma sa Democratic Republic of Congo kung saan umabot hanggang sa airport ang lava noong Sabado at libu-libo ang inilikas.


Noong 2002 huling pumutok ang Mount Nyiragongo kung saan 250 katao ang nasawi at 120,000 ang nawalan ng tirahan. Noong Sabado, ayon kay Communications Minister Patrick Muyaya, gumawa na ng evacuation plan ang pamahalaan ng DR Congo dahil sa pag-aalburoto ng Mount Nyiragongo at bago pa man ito tuluyang pumutok ay ipinag-utos na ang pagpapalikas sa mga residenteng maaapektuhan nito.


Bandang 7 PM noong Sabado pumutok ang Mount Nyiragongo at pahayag ng isa sa mga opisyal ng Virunga Park ngayong Linggo, "The flow is also descending on the town. It has now reached the airport. "The eruption of Nyiragongo is similar to the eruption in 2002.”


Pahayag naman ni Joseph Makundi, civil protection coordinator ng North Kivu region, "Everyone in the city knows what to do when there is an eruption. "You mustn't panic." Noong Mayo 10 pa lamang ay nagbabala na ang Goma Vulcanology Observatory dahil sa pag-aalburoto ng Mount Nyiragongo.


Noong Sabado naman, mino-monitor ng Observatory ang direksiyon ng daloy ng lava. Samantala, ayon kay Dario Tedesco na volcanologist ng Goma, nagkaroon ng pagbabago sa daloy ng lava at papunta umano ito sa Goma.


Aniya, “Now Goma is the target. “It’s similar to 2002. I think that the lava is going towards the city centre. “It might stop before or go on. It’s difficult to forecast.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page