top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | May 6, 2022


Tila may madyik na dala ang ngiti, napapagaan nito ang mga pagsubok sa buhay, kung hindi man tuluyang makapawi ng lumbay. Ito ang ngiting hinahanap-hanap ng mag-asawang Randy at Cerela Ganancial ng Parañaque City. Ipinaramdam ni Rancel Mae Ganancial ang mga biyayang hatid ng maganda niyang disposisyon sa buhay sa kanyang pamilya at mga taong nakasalamuha niya. Kung nandito lang si Rancel Mae, marami pa ang sasaya at lalawak ang maaabot ng good vibes na hatid niya sa kanyang munting mundo.


Si Rancel Mae, 12, namatay noong Enero 3, 2019, ang ika-108 sa mga naturukan ng Dengvaxia na under Clinical Trial Phase 3 (WHO, Peter Smith) at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya.


Siya ay tatlong beses naturukan ng Dengvaxia sa kanilang paaralan; una noong Abril 19, 2016, pangalawa noong Nobyembre 23, 2016, at pangatlo noong Hunyo 27, 2017.


Ayon sa kanyang mga magulang, “Ang aming anak ay masayahin, malambing, masigla at malusog na bata. Palagi siyang nakangiti at maganda ang disposisyon niya sa buhay. Kailanman ay hindi pa siya nagkaroon ng malubhang karamdaman at naospital, maliban na lamang nang nagkaroon siya ng malubhang sakit na naging sanhi ng kanyang kamatayan pagkatapos niyang maturukan ng bakuna kontra dengue.”


Agosto 2017, matapos ng pangatlong turok ng Dengvaxia, nag-umpisang lagnatin si Rancel Mae at palagi rin siyang nahihilo at nagsusuka. Sa eskuwelahan, matagal umano siyang makatapos ng mga gawain, kaya inilipat siya ng guro sa harapan. ‘Yun pala, nanlalabo na ang kanyang paningin. May pagkakataon din na siya ay nahimatay sa paaralan. Noong Oktubre 2017, dinala siya sa doktor dahil nawawalan siya ng ganang kumain kaya siya nangangayayat. Sa iba’t ibang doktor siya dinala dahil hindi alam ng kanyang pamilya kung ano talaga ang sakit niya. Ayon sa mga doktor, mayroon diumano siyang UTI, Anemia at Arthritis. Binigyan siya ng antibiotics para gamutin ang kanyang UTI. Noong Nobyembre 6, 2017, natumba si Rancel Mae dahil nanlabo ang kanyang paningin. Sabi niya, sa pangatlong turok ay nagsimulang manlabo ang kanyang mga mata. Kinabukasan, dinala siya sa isang ospital sa Manila upang ipasuri. Dahil wala silang makitang diperensiya, isinailalaim siya sa magnetic resonance imaging (MRI). Pagsapit ng Nobyembre 21, 2017, tuluyan na siyang nawalan ng paningin.


Pagdating ng 2018 hanggang 2019, lumala ang kanyang mga nararamdaman, naging kritikal ang kanyang kalagayan at siya ay tuluyang pumanaw. Narito ang mga kaugnay na detalye:

  • Marso 8, 2018 - Lumapit ang kanyang pamilya sa Public Attorney’s Office (PAO) para humingi ng tulong. Tumulong ang PAO na madala siya sa isang ospital sa Manila kung saan isinailalim siya sa iba’t ibang uri ng eksaminasyon. Nakita ng mga doktor na may malaking bukol sa kanyang ulo malapit sa utak at ‘yun ang dahilan kaya wala na siyang makita. Mga ilang araw ay inilipat si Rancel Mae sa ibang ospital sa Manila.

  • Mga sumunod na buwan - Nagtuluy-tuloy ang mga kakaibang nararamdaman niya at hindi na siya nakalabas pa ng ospital. Nanatili siya ru’n dahil iba’t ibang sakit ang dumapo sa kanya, kabilang ang intracranial verminoma, hospital acquired pneumonia, septic shock, diabetes insipidus, hypothyroidism, tracheostomy at kung anu-ano pa. Nanatili siya sa ospital nang matagal na panahon at iba’t ibang procedure ang ginawa sa kanya. Dumating sa pagkakataong inoperahan siya at isinailalim sa radiation therapy. Sinabi sa ospital na lumiit diumano ang bukol na nakita nila.

  • Disyembre 19, 2018 - Na-discharge si Rancel Mae mula sa ospital. Nakapagdiwang naman siya ng Pasko sa bahay; napansin ng kanyang pamilya ang kasiyahan sa kanya kahit wala siyang paningin. Dahil maganda ang naging resulta ng radiation therapy, sinabihan ang kanyang mga magulang na siya ay sasailalim sa chemotherapy.

  • Matapos ang Bagong Taon - Nagreklamo siya ng pananakit ng ulo at nilagnat at binigyan siya ng gamot para rito.

  • Enero 3, 2019 - Inobserbahan siya dahil sa schedule ng chemotherapy at dadalhin din siya sa ospital. Nilalagnat siya nang madaling-araw at umabot sa 40 degrees ang kanyang temperatura. Wala na rin siyang ganang kumilos at hinang-hina dahil hindi na siya sumasagot kapag kinakausap. Dinala siya sa ospital at tuluyan nang gumupo ang kanyang murang katawan.


Anang kanyang mga magulang, “Napakasakit ng biglang pagpanaw ni Rancel Mae. Gaya ng nasabi namin, masigla at malusog siya at palagi siyang masaya kahit siya ay bulag na. Kaya nakapagtataka na matapos niyang maturukan ng Dengvaxia ay nagbago ang estado ng kanyang kalusugan.”


Kabilang ang kanyang kaso sa Dengvaxia cases na hawak namin. Isa siya sa mga batang biktima na personal naming nakita ang tapang sa paglaban para mabuhay pa. Nagmarka sa aming alaala ang mga ngiti sa mga mata ni Rancel Mae kahit ito ay bulag na. Inilarawan niya ang kanyang unti-unting pagkabulag matapos maturukan ng Dengvaxia; pero sa kabila ng pait na paglalarawan niya, naru’n ang pag-asa sa kanyang mga mata na madudugtungan pa ang kanyang hiram na buhay. Isang pag-asang natuldukan nang siya ay tuluyang bumigay matapos ang mahabang gamutan.


Ang katarungan ay hindi sapat para sa binawing buhay niya, ngunit buong sigasig naming ipinaglalaban ang kanyang kaso at tulad niyang biktima. Ito ang kaya naming ihandog sa kanila, at kay Rancel Mae, na tila isang tudla ng liwanag o “ray of sunshine” sa mga taong nabiyayaan ng pagkakataon na makasama siya.


 
 

sa Dengvaxia


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | April 22, 2022


Ang pagkakaroon ng mga anak ay maituturing na malaking biyaya. Para sa mag-asawang William at Sheila Regalado ng Pagsanjan, Laguna, ang kanilang anak na si Alexa Regalado ay biyaya na naghahatid sa kanila ng katuwaan at pag-asa na may dalang higit pang saya at kaunlaran sa kanilang pamilya. Kay ganda ng bukas na mababanaag kay Alexa. Ang sumusunod na paglalarawan ay mula sa kanyang mga magulang na buong giliw at pagmamalaking sinabi na,


“Si Alexa ay masayahin, masigla at malusog na bata. Bukod sa siya ay consistent honor student, mahilig at magaling din siyang tumugtog ng violin, maglaro ng chess at maggantsilyo.”


Gayunman, ang mga salitang binitiwan ng mag-asawa ay may nakalambong na matinding kalungkutan. Hapis itong hindi naiibsan ng pagdaan ng panahon, bagkus ay nagsisilbi pang pasakit ang pagdating ng bawat araw na nagpapaalala na wala na ang kanilang nag-iisang anak na binawi sa napakasakit na paraan, at mula sa mga kamay na tigmak ng kapabayaan.


Si Alexa, 12, namatay noong Disyembre 14, 2018, ang ika-106 sa mga naturukan ng Dengvaxia at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Siya ay dalawang beses naturukan ng Dengvaxia; una noong Abril 11, 2016 at pangalawa noong Oktubre 17, 2016 sa kanilang paaralan. Ibinahagi ng kanyang mga magulang:


“Si Alexa ay hindi pa kailanman nagkaroon ng malubhang karamdaman, hindi siya nagka-dengue at hindi pa na-ospital, bukod lamang noong isang taon siya dahil sa hika at nitong kamakailan kung saan siya ay malubhang nagkasakit na naging sanhi ng kanyang biglaang pagpanaw.”


Noong Hunyo 2016, napansin ng kanyang mga magulang na siya ay nangayayat, palaging pagod, tulog nang tulog at walang ganang kumain. Pagdating ng 2017, nadagdagan pa ang mga nararamdaman ni Alexa:

  • Hunyo 2017 - Masakit ang kanyang ulo, kasu-kasuan at tiyan.

  • Unang linggo, Hulyo 2017 - Dinala siya ng kanyang mga magulang sa isang ospital sa Laguna dahil sa pabalik-balik na pananakit ng kanyang tiyan, balakang at mataas na lagnat. Dahil hindi malaman ang sanhi ng mga ito, isinailalim siya sa tuberculosis (TB) screening at typhoid fever test. Ayon sa doktor, negative siya sa TB at typhoid fever, subalit binigyan pa rin siya ng mga gamot para sa TB at typhoid fever dahil maaari umanong hindi lumabas sa eksaminasyon ‘yun. Isang linggo siyang na-admit sa nasabing ospital. Tatlong linggo rin siyang naggamot para sa TB at typhoid fever, subalit hindi bumuti ang kanyang kalagayan.

  • Huling linggo, Agosto 2017 - Dinala si Alexa sa isang ospital sa Quezon City. Isinailalim siya sa blood test at napag-alamang may leukemia diumano siya. Agad siyang isinailalim sa chemotherapy nang isang beses sa isang buwan. Sa kabila nito, pabalik-balik pa rin ang pananakit ng kanyang ulo at tiyan, at nagpatuloy ito sa mga sumunod na buwan.

  • Disyembre 2017 - Lumobo si Alexa, naglabasan din ang mga stretch marks niya.


Mula Agosto 2018 hanggang Disyembre 2018 ang mga huling sandali sa buhay ni Alexa. Narito ang kaugnay na mga detalye:

  • Agosto - Nag-umpisa ang lingguhan niyang chemotherapy.

  • Oktubre - Hindi na tumatalab ang mga gamot na pinaiinom kay Alexa. Lumala ang pananakit ng kanyang tiyan, ulo, balakang at iba pang bahagi ng kanyang katawan. Hanggang sa hirap na siyang makalakad at naka-wheelchair na lang. Mula Agosto hanggang Disyembre 2018, tatlong beses na nag-relapse ang leukemia ni Alexa.

  • Disyembre 1 - Muli siyang dinala sa nasabing ospital sa Quezon City at nanatili na siya ru’n. Hindi na bumuti ang kanyang kalagayan.

  • Disyembre 14, madaling-araw - Umabot sa 150 bpm ang pagtibok ng puso ni Alexa at kung anu-ano na ang kanyang sinasabi hanggang naninigas na ang kanyang bibig at dila, at hindi na makapagsalita nang maayos. Naging kritikal ang buhay niya sa sumunod na mga oras at pagsapit ng halos alas-3:00 ng hapon, tuluyan na siyang binawian ng buhay.


Anang kanyang mga magulang, “Napakasakit ng biglaang pagpanaw ni Alexa, lalo na’t siya ay nag-iisa naming anak. Siya ang tanging nagbibigay sa aming mag-asawa ng buhay at lakas. Isang masigla at malusog na bata ang aming anak, kaya nakapagtataka na matapos niyang maturukan ng Dengvaxia ay nagbago ang estado ng kanyang kalusugan.


“Naging pabaya ang mga gumawa ng pagbabakuna ng Dengvaxia sa kanya. Hindi nila ipinaliwanag kung ano ang maaaring maging epekto nito sa kanyang kalusugan, kaya naman kami ay napagkaitan ng oportunidad na malaman ang maaaring idulot nito sa kanya. Hindi rin doktor ang nagbakuna sa aming anak.”


Ang kasong ito ay kasama na sa mga kasong ipinagkatiwala sa amin ng mga magulang ng mga biktima ng Dengvaxia. Kabilang si Alexa sa aming ipinaglalaban para makamit ang katarungang tila mailap pa sa kasalukuyan. Si Alexa at tulad niyang mga biktima ay naisakripisyo dahil sa kapabayaan ng mga pinagkatiwalaang awtoridad. Napakahalaga ng buhay, kaya dapat maging mapagmasid ang lahat sa anumang panganib sa kalusugan ng mga mamamayan na maaaring maging sanhi ng maagang kamatayan.


 
 

‘di makalakad bago namatay sa Dengvaxia


ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | April 8, 2022


Tila may mahika ang luto ng isang ina. Hindi lamang sustansiya at masarap na lasa ang taglay nito kundi pati pagmamahal. Kaya may mga pagkakataon na inilalambing ng mga anak na iluto ng kanilang ina ang mga paboritong pagkain, lalo na kung sila ay may nararamdamang hindi kaaya-aya. Isa sa mga nasabing anak si Mary Grace Ela Peña. Galing siya sa Kabikulan at umuwi sa Cubao nang maibigan niyang kumain ng luto ng kanyang ina na si Aling Gemma E. Marquez.


Aniya, “Pagdating namin sa bahay, gusto niyang kumain ng aking mga luto. Masaya pa kaming nagkuwentuhan at sinabihan ko siya na magpagaling. Sumang-ayon naman siya dahil sabik siyang pumasok sa eskuwelahan. Natapos ang aming usapan nang makatulog siya, alas-2:00 ng madaling-araw nang ika-13 ng Hunyo 2017.”


Masayang natulog ang mag-ina, ngunit pagdating ng umaga, binawian ng saya si Aling Gemma dahil hindi na nagising si Mary Grace— siya ay sumakabilang buhay na. Si Mary Grace, 12, namatay noong Hunyo 13, 2017, ang ika-105 sa mga naturukan ng Dengvaxia at nakaranas ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak), and increase in severity of dengue disease) na sumasang-ayon sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected Risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya.


Siya ay isang beses naturukan ng Dengvaxia noong Hunyo 17, 2016 sa kanilang paaralan. Sinabi rin ni Aling Gemma na si Mary Grace ay masayahin, masigla at malusog na bata. Dagdag pa niya, “Kailanman ay hindi pa siya nagkaroon ng malubhang karamdaman at hindi pa naospital, bukod lamang nitong kamakailan kung saan siya ay malubhang nagkasakit na naging sanhi ng kanyang pagpanaw.”


Pagdating ng Agosto at sumunod na mga buwan noong 2016, nag-umpisang magkaroon ng pabalik-balik na lagnat, pananakit ng ulo at tiyan si Mary Grace. Taong 2017, nadagdagan ang kanyang mga nararamdaman, lumubha ang kanyang kalagayan at humantong sa maaga niyang kamatayan:

  • Enero 16 at 19, 2017- Labis ang pananakit ng kanyang ulo, kasabay nito ay nanlalabo ang kanyang paningin. Dinala siya sa ospital noong Enero 19, 2017. Ayon sa doktor, kailangang magpasalamin sa mata si Mary Grace dahil maaaring may kaugnayan dito ang idinadaing niyang pananakit ng ulo.

  • Marso 2017 - Masakit ang kanyang kasukasuan at hindi niya maigalaw ang kanyang paa.

  • Abril 16, 2017 - Nagbakasyon siya sa Camarines Sur sa Bicol, kung saan nakatira ang kanyang ama. Ayon sa isa pang anak ni Aling Gemma na si Rosegem na nasa Bicol, nagsusuka si Mary Grace.

  • Mayo 2017 - Pabalik-balik ang pananakit ng kanyang ulo at tiyan, at madalas siyang nagsusuka. Muli siyang pinatingnan sa doktor. Nabigyan ng salamin sa mata si Mary Grace, ngunit hindi pa rin nawala ang pananakit ng kanyang ulo. Pagkatapos ng isang linggo, isinugod siya sa isang ospital sa Camarines Sur. Dahil walang nakitang kakaiba sa resulta ng pagsusuri sa kanya, na-discharge siya pagkatapos ng limang araw.

  • Pagkalipas ng ilang araw - Muli siyang nakaranas ng labis na pananakit ng ulo. Siya rin ay nagsusuka, ipina-admit siya sa nasabing ospital sa loob ng dalawa o tatlong araw. Hindi na siya makatayo nang mag-isa at palagi siyang nakahiga. Masakit pa rin ang ulo niya, siya ay nangayayat dahil sa kawalan ng ganang kumain. Malabo pa rin ang kanyang paningin.

  • Huling linggo ng Mayo 2017 - Lagi siyang humihiyaw dahil sa pananakit ng ulo. Madalas din siyang magsuka, hindi makatayo at hirap makatulog.

  • Hunyo 12, 2017 - Mula sa Bicol, pinauwi siya ng kanyang ina dahil sa labis nitong pag-aalala sa mga nangyayari sa kanya. Sinabi ni Aling Gemma sa ama ni Mary Grace na ipahatid na siya at patitingnan ito sa espesyalista, gayundin, magpapasukan na sa eskuwela. Muling nanakit nang labis ang ulo ni Mary Grace matapos siyang sunduin ng kanyang ina sa Cubao, Quezon City. Gayunman, naganap ang masayang tagpo sa bahay ni Aling Gemma na nabanggit sa itaas.

  • Hunyo 13, 2017 (alas-5:45 ng madaling-araw) - Naramdaman ni Rosegem na malamig ang katawan ni Mary Grace at hindi na rin siya magising. Agad siyang isinugod sa ospital, subalit tuluyan siyang pumanaw nang araw na ‘yun. Ayon sa kanyang Certificate of Death, ang sanhi ng kanyang kamatayan ay “T/C Intracranial Pathology” (Immediate).


Ayon kay Aling Gemma, “Napakasakit ng pagpanaw ni Mary Grace. Hindi nila ipinaalam sa akin na tuturukan siya ng Dengvaxia, kaya malinaw na hindi ako nagbigay ng pahintulot sa pagbabakuna sa kanya. Nalaman ko lamang na siya ay nabakunahan nang sabihin ito ng kanyang kamag-aral at matalik na kaibigan.


“Nais ko ring linawin na hindi pa nagkakaroon ng dengue ang aking anak bago siya maturukan ng Dengvaxia. Gayundin, walang ibinigay na immunization record ang mga taong nagbakuna sa kanya.”


Baon ni Mary Grace ang pagmamahal ng kanyang pamilya sa kabilang buhay, ngunit ganundin ang sakit at lupit ng epekto ng bakunang pinaniniwalaang may kinalaman sa biglaan niyang pagpanaw. Isa na namang buhay ang nawala dahil sa kapabayaan ng ilang mga personalidad na sana’y nangangalaga sa kalusugan ng mga kabataang naturukan ng eksperimentong bakuna.


Lubhang nakapanghihinayang ang ganitong uri ng pagkamatay ng isang bata. Tinurukan ng bakuna para sa kanyang proteksiyon, subalit naging dahilan naman ng kanyang maagang paglisan. Ito ang patuloy na idinadaing ng pamilya ni Aling Gemma na inilapit nila sa inyong lingkod at sa PAO Forensic Team na aming tinutugunan, ayon sa mandato ng aming tanggapan.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page