top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 6, 2024




Patay ang isang lalaking senior citizen matapos pagtatagain at pugutan ng pamangkin sa Daanbantayan, Cebu.


Kinilala ang biktimang si Cristitulo Broñona Casinillo na nakaalitan ang suspek dahil sa selos na parehong artista ang kanilang nagugustuhan.


Gumamit ang suspek ng itak sa pagtaga at pamumugot sa biktima.


Naaresto ng mga awtoridad ang suspek na si Jorge Camay Casinillo na sinasabing gumagamit ng ilegal na droga.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 5, 2024




Patay ang mag-asawang magsasaka ng niyog matapos pagbabarilin sa Guinayangan, Quezon.


Ayon sa report ng mga awtoridad, nag-aani ang dalawa nang biglang pagbabarilin ng mga hindi pa natutukoy na salarin.


Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang isa habang sa dibdib naman natamaan ang kanyang asawa.


Mabilis na nakatakas ang salarin na kasalukuyang pinaghahahanap ng mga pulisya at patuloy pa rin ang imbestigasyon sa insidente.

 
 

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 2, 2024




Inihirit ng isang senador na pasukin na ng Senado ang pag-iimbestiga sa nangyaring pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon sa Batangas City.


Naghain si Sen. Raffy Tulfo ng Senate Resolution 913 kung saan nakasaad na nais niyang tingnan ang pagkakakaladkad ng mga pulis sa ilang mga krimen.


Saad ni Tulfo, "The involvement of police officers in heinous crimes been increasing in the past months and there is a need to review the screening process of police officers as well as the retention of officers in active duty."


Matatandaang pangunahing suspek sa pagkawala ng beauty queen ang kamakailan lang na nasibak sa puwesto na si Police Major Allan de Castro.


Umamin si de Castro sa naging relasyon nila ni Camilon na naging dahilan ng pagkakaalis niya sa serbisyo ngunit mariin naman ang naging pagtanggi ni de Castro na may kinalaman siya sa pagkawala nito.


Saad ni Tulfo, nais niyang suriin ang kaso ng beauty queen upang makamit na ng pamilya ni Camilon ang hustisya.


Kasalukuyan namang nagsasagawa ng preliminary investigation ang piskalya sa Batangas City kaugnay sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention na inihain laban kay de Castro at sa tatlo pang sinasabing kasabwat nito.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page