top of page
Search

ni V. Reyes | March 6, 2023




Umakyat na sa siyam ang nasawi sa pagsalakay ng armadong grupo sa bahay ni Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Sabado ng umaga.

Kasabay nito, napatay din sa engkuwentro sa mga awtoridad ang isa sa mga suspek sa krimen.


“May isang dead na suspect during an encounter with joint elements of the PNP, AFP and Special Action Force,” pahayag ni Philippine National Police Region 7 spokesperson Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare.


Sinabi rin ni Pelare na sumailalim na sa custodial debriefing ang tatlong iba pang naarestong suspek at may nakuhang mahalagang impormasyon mula sa kanila.


“May na-recover na firearms upon their revelation,” dagdag nito.

Nauna na ring kinumpirma ng Philippine Army na dalawa sa mga suspek ay dating sundalo na nag-AWOL at may mga kaso na may kinalaman sa ilegal na droga.


“May AWOL, may kasong illegal drugs ‘yung iba. That is probably why they engaged in these activities. The hot pursuit team composed of the PNP, AFP and SAF are still on the ground conducting hot pursuit operations to ensure ‘yung remaining suspects will be arrested,” ayon pa kay Pelare.


Maliban sa 9 na patay, mayroon pang 13 ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ang compound ng gobernador sa kasagsagan ng pamamahagi nito ng subsidiya sa mga residente.


Nabatid pa kay Pelare na sinisiyasat na ng pulisya ang lahat ng anggulo kaugnay ng insidente.


“There is political rivalry as recorded in the latest election but nothing is definite right now... Right now we are focusing on the arrested persons and hot pursuit operations,” ayon sa opisyal.


Tinukoy naman ng Philippine National Police na isang organisadong grupo ng mga kriminal ang nasa likod ng pagpatay sa gobernador.


“Meron itong grupo… Ang tawag natin dito sa mga ‘to ay organized crime groups sapagkat hindi naman ito mga ordinaryong kriminal kasi may mga sasakyan sila, matataas na kalibre ng baril, nakakakuha sila ng mga uniporme ng law enforcement agencies. So, isa talaga itong organisadong criminal groups,” ayon kay PNP Public

Information Office chief Police Colonel Red Maranan.


 
 

ni Mylene Alfonso | March 5, 2023




Nag-alok ng P5 milyong pabuya ang Department of Justice (DOJ) sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon laban sa nagpapatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.


Samantala, nagbanta naman si Pangulong Bongbong Marcos sa mga nasa likod ng pagpatay kay Degamo.


“You can run but you cannot hide,” ani Marcos.


Tiniyak ni Marcos na hindi titigil ang gobyerno hanggang hindi nabibigyan ng hustisya ang pagpatay sa gobernador at tuluyang mapanagot ang mga responsable sa krimen.



Sinabi pa ng Pangulo na tutugisin nila ang mga salarin kaya pinakamainam umanong sumuko na sila ngayon.


“My government will not rest until we have brought the perpetrators of this dastardly and heinous crime to justice,” sabi ng Pangulo sa isang pahayag.


“The investigation into this murder is developing rapidly. We have received much information and now have a clear direction on how to proceed to bring to justice those behind this killing,” ayon pa kay Marcos.


Kinondena rin ni Vice President Sara Duterte kung saan kailangang alamin ng mga awtoridad ang away-pulitika sa Negros Oriental na kumitil na nang ilang buhay bukod kay Degamo.


“Authorities must start looking at the political feud that has gripped Negros Oriental and has taken so many lives, not just of Gov. Degamo,” banggit ni Duterte.


Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr., na inatasan na niya ang Philippine National Police na magsagawa ng hot pursuit operation upang agad na mahuli ang mga salarin.


“Naka-deploy na ang mga puwersa ng Negros Oriental Provincial Police Office pati na ang mga kapulisan sa karatig na probinsya para galugarin ang bawat sulok ng lugar para agad na madakip ang mga kriminal,” saad ni Abalos.


Habang kinondena rin ni Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri ang nangyaring pamamaslang kung saan panahon na aniya para may mapanagot o masibak sa puwesto.


“Heads must roll, and the PNP must crack down on this case immediately. I also must call on the PNP to strengthen its efforts against the culture of impunity that seems to be encouraging more and more of these attacks to happen across the country. We cannot keep on letting these go on, especially when it puts innocent civilians in the crossfire,” giit ni Zubiri.


Ayon naman kay House Speaker Martin Romualdez, ito ay isang malaking hamon sa awtoridad.


“This is a direct challenge to the authorities... Ayaw kong mawalan ng tiwala sa ating kapulisan. Hindi na puwede ang puro pangako. Kailangan natin ng agarang aksyon,” ani Romualdez.



 
 

ni Lolet Abania | June 16, 2021




Hinatulan kahapon ng 15 taon at limang buwan na pagkakabilanggo ang isang lalaki ng Spanish court matapos na mapatunayang guilty sa pagpatay sa kanyang ina at kinain pa ang katawan nito.


Idineklara ng korte na si Albert S.G. – na tinaguriang “cannibal of Ventas” kung saan sa lugar na ito naganap ang krimen – ay matino o nasa katinuan sa panahong nangyari ang krimen at karapat-dapat na sentensiyahan ng pagkakabilanggo.


Nakatakda siyang ikulong ng 15 taon sa kasong homicide at limang buwan sa ginawang kalapastanganan sa isang bangkay matapos na tadtarin ang katawan ng kanyang ina at kainin ito sa loob ng halos 15 araw, habang ang iba nito ay ipinakain sa kanyang aso.


Naganap ang pagpatay noong 2019 sa isang flat o unit sa Ventas kung saan magkasama ang suspek at 69-anyos niyang nanay.


Ayon sa report, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-ina hanggang sa sinakal ng suspek ang kanyang ina at kinaladkad papasok ng kuwarto nito, saka ginamitan ng isang lagari at dalawang kitchen knives para pagpuputulin.


“He began eating the remains over the course of about 15 days, storing other parts in various plastic containers around the house and in the fridge,” batay pa sa report.


Inilagay din ng suspek ang ibang labi sa plastic bags at itinapon ito sa basurahan. Sa pahayag ng local media mula sa isang testimonya ng police officer, inamin ng suspek na kinain niya ang ibang labi ng ina, habang ang ibang parte ng katawan nito ay kanyang iniluto at ipinakain sa kanyang aso.


Naaresto ang suspek noong February 23, 2019 nang dumating ang mga pulis sa kanilang tirahan matapos na i-report ng kaibigan ng kanyang ina na ito ay nawawala. Bukod sa pagkakakulong, hinatulan ding magbayad ang suspek ng €60,000 ($73,000) sa kanyang nakatatandang kapatid na lalaki.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page