top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 19, 2021


ree

Maaari nang hindi magsuot ng face mask sa mga outdoor areas sa Israel dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa naturang bansa at tinatayang aabot na rin sa 81% ng mga 16-anyos pataas na mamamayan ang nakatanggap na ng second dose ng Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine.


Ayon sa Health Ministry ng Israel, limitado pa rin ang pagpasok ng mga banyaga at ang mga hindi pa nababakunahang Israeli na galing sa ibang bansa ay kailangang sumailalim sa self-isolation.


Pahayag naman ni Prime Minister Benjamin Netanyahu, "We are leading the world right now when it comes to emerging from the coronavirus. (But) we have still not finished with the coronavirus. It can return."


Samantala, sa mga indoor public places, required pa rin ang pagsusuot ng face mask. Balik-eskuwelahan na rin ang mga estudyante at mahigpit na ipinatutupad ang social distancing.


Saad ni Health Ministry Official Sharon Alroy-Preis, "This is still a non-vaccinated population (children under the age of 16) that we want to safeguard."


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 17, 2021



ree

Pumalo na sa 926,052 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa bansa, kung saan 203,710 ang aktibong kaso, habang 706,532 ang lahat ng gumaling at 15,810 ang mga pumanaw, batay sa huling tala ng Department of Health (DOH) ngayong Sabado, Abril 17.


Samantala, 11,101 naman ang mga bagong nagpositibo, habang 799 ang gumaling at 72 ang pumanaw.


Ayon pa sa DOH, ang mga nadagdag na datos ay nagmula sa 43,574 na mga tinest kahapon.


Sa ngayon, halos 96% sa mga nagpositibo ay may mild symptoms, 2.9% ay asymptomatic, .4% ay critical, .5% ay severe at .29% ay moderate.


Sa kabilang banda, 7 naman ang nagpositibong overseas Filipino workers (OFW), kaya umabot na ito sa 18,141 na kabuuang bilang, batay sa Department of Foreign Affairs (DFA).


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 16, 2021


ree

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 10,726 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 914,971 ngayong Biyernes.


Ayon naman sa DOH, anim na laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa takdang oras.


Mayroon pang 193,476 aktibong kaso sa bansa kung saan 96% ang may mild symptoms at 2.9% ang asymptomatic.


Ayon din sa DOH, umabot na sa 705,757 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 matapos makapagtala ng 650 karagdagang recoveries.


Umakyat sa 15,738 ang bilang ng mga namatay dahil sa COVID-19 matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 145 pasyenteng pumanaw ngayong Biyernes.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page