top of page
Search

ni Madel Moratillo | February 7, 2023



ree

Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga nasa pribadong sektor na huwag munang bumili ng COVID-19 bivalent vaccines.


Paliwanag ni DOH OIC Maria Rosario Vergeire, ito ay para maiwasan ang pagkasira ng mga bakuna. Marami pa aniya ang supply ng monovalent vaccines sa bansa na puwedeng gamitin para sa booster dose.


Ayon kay Vergeire, sa ngayon ay nasa 26 milyon pa ng COVID-19 vaccines ang hindi pa rin nagagamit sa bansa.


Sa bilang na ito, 16 milyong doses ang nasa national warehouse habang ang 10 milyon pa ay naipamahagi na sa mga lokal na pamahalaan.


Bukod pa aniya ito sa 24 milyong doses ng bakuna na expired na.


Una rito, sinabi ng DOH na inaasahang sa Marso ay darating na sa bansa ang 1 milyong doses ng bivalent vaccines na donasyon mula sa COVAX facility.


Prayoridad mabigyan nito ang mga healthcare workers, senior citizens, at person with comorbidities. Ang bivalent vaccines ay Omicron specific variant na bakuna.


 
 

ni Lolet Abania | May 3, 2022


ree

Pinag-iisipan na ng pamahalaan na magpatupad ng COVID-19 vaccination program sa mga paaralan para sa mga estudyante na magbabalik sa face-to-face classes habang patuloy ang bansa sa pagbabakuna sa mas marami pang indibidwal.


Ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, ang COVID-19 vaccination program para sa mga estudyante ay ipapatupad na katulad sa ibang vaccines para sa measles at polio na iniaalok at isinasagawa sa mga estudyante.


“We have already articulated this to [Department of Education] Secretary [Leonor] Briones so that we can ramp up the relatively low vaccine coverage for the students in the basic education sector,” pahayag ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa isang taped meeting na ipinalabas ngayong Martes.


Nagmula ang suhestiyong ito kay Pangulong Duterte na nagpanukala na payagan ang mga estudyante na mag-attend ng in-person classes kung ang mga vaccination programs ay naisagawa na sa kanila ng gobyerno.


Kasama sa planong programa ay mga minors na nasa pagitan ng mga edad 5 at 11, at nakipag-usap na kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr. sa mga academic institutions.


Samantala, sa latest data mula sa DOH, lumabas na nakapag-administer na ang bansa ng kabuuang 147.117 milyon doses ng COVID-19 vaccines hanggang nitong Mayo 1. Kabilang dito ang 65.719 milyon first doses, 67.911 milyon second doses, at 13.487 milyon booster doses, kumpara sa estimated population ng bansa na 110 milyon.


Ayon naman kay presidential adviser on COVID-19 response Vince Dizon, available na ang mga suplay ng bakuna na ilalaan sa mga paaralan, kung saan may 15 milyon doses para sa mga kabataan ay nasa bansa na, habang nasa 10 milyon naman ang kasalukuyang stock nito.


“The IATF, I think, in its next meeting, will issue such a strong endorsement or strong encouragement for private schools in particular to go back to face-to-face classes,” ani Dizon sa parehong meeting.


Sinabi ni Dizon na halos nasa 60% ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa ang nagbalik na face-to-face classes, at patuloy pang dumarami ang lumalahok dito.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 14, 2022


ree

Mahigit 100 milyon doses ng COVID-19 vaccine na ipinamamahagi ng global program na COVAX ang tinanggihan ng mahihirap na bansa noong Disyembre, ayon sa opisyal ng UNICEF nitong Huwebes.


Ito ay dahil umano sa maiksing shelf life ng mga bakuna.


"More than a 100 million have been rejected just in December alone," ani Etleva Kadilli, director of Supply Division ng UN agency UNICEF sa mga lawmakers sa European Parliament.


Napilitan ding i-delay ang mga supplies sa mahihirap na bansa dahil sa kakulangan nito sa storage facilities, ayon kay Kadili, kabilang na ang kawalan ang fridges para sa mga bakuna.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page