top of page
Search

ni Lolet Abania | January 18, 2022



Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na 15 mga lugar sa Metro Manila ay mayroon nang mga kaso ng mas nakahahawang Omicron COVID-19 variant.


Gayunman, hindi binanggit ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman kung saan mga lugar ito.


“Our latest whole genome sequencing showed that the Omicron variant is now the predominant variant in the National Capital Region,” ani De Guzman sa isang congressional briefing.


“It’s also detected in 13 of 17 regions and in the National Capital Region, 15 of its 17 areas already have local Omicron cases,” sabi ng opisyal.


Ayon kay De Guzman, ang pagtaas ng COVID-19 cases ay dulot ng highly transmissible na Omicron variant.


Subalit aniya, ang pagdami ng mga lumalabas habang nabawasan ang pagsunod ng mga indibidwal sa minimum public health standards, gayundin ang pagkaantala ng pag-detect at isolation ng mga kaso, ay nakadagdag sa pagtaas ng mga naiimpeksyon sa virus.


Una nang sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire nitong weekend, na ang community transmission ng Omicron variant ay nakikita na nila sa NCR.


Binanggit pa ni Vergeire, nakitaan din ng DOH ng kaparehong sitwasyon sa Metro Manila sa ibang mga rehiyon gaya ng Region IV-A, Region II, CAR, Region VI, VII, at V.


Ayon naman kay DOH Secretary Francisco Duque III na ang Omicron variant ay nakapag-record na ng 90% sa latest genome sequencing.


Giniit din ni Duque na ang Pilipinas ay nananatiling nasa critical risk sa COVID-19, kahit pa ang growth rate ng infections ay bumagal na.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 18, 2022



Umabot sa 43 ang bilang ng bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa hanay ng Philippine National Police (PNP) ng Central Luzon, ayon sa datos nitong Lunes, Enero 17.


Ayon sa PNP health service, umabot na sa kabuuang 470 ang active COVID-19 cases sa workforce ng Police Regional Office 3 (PRO3).


Ito na ang pinakamataas na bilang ng kaso ng Covid na naitala ng PNP simula nang umusbong ang pandemya noong 2020.


Ayon pa sa PRO3, nagkaroon ng surge sa kanilang hanay sa kabila ng mataas na vaccination rate sa kanilang workforce.


Simula 2020, nakapagtala na ang PRO3 ng 3,350 COVID-19 cases na may 2,873 recoveries at 7 deaths.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 18, 2022



Sinuspinde ng Senado ang plenary sessions nito at on-site work ngayong linggo dahil sa naitalang 88 na aktibong kaso ng COVID-19 sa mga empleyado rito.


“Allowing the surge to simmer down. Too many positive employees. Secretariat and senator’s staff,” ani Senate President Vicente Sotto.


Sa kasalukuyan ay mayroong 88 active COVID-19 infections sa mga personnel habang 196 naman ang naka-home quarantine, ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri.

“So medyo kulang ang personnel natin sa Senado. Our medical head suggested that we continue with the work holiday to allow the staff to recover,” ani Zubiri sa mga reporters sa isang Viber message.


Sinabi naman ni Sotto na ‘skeletal’ staff and members ng Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) lamang ang papayagan sa Senate building sa buong linggo.


Gayunman, maaari pa ring magpatawag ng sesyon ngayong linggo ang Senate president kung kinakailangan.

However, the Senate president can call for a resumption of the session this week if need be.


Sa isang advisory, ang Senate officers at employees ay inabisuhang extended ang work suspension mula Jan. 18 hanggang 23. Ipinag-utos naman ni Sotto ang ‘total closure’ ng Senado noong nakaraang linggo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page