top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 23, 2022



Kabilang ang COVID-19 sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay sa Pilipinas sa unang 11 buwan ng taong 2021, ikatlo kasunod ng ischemic heart at cerebrovascular diseases, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


Sa pinakabagong datos ng PSA, nanguna ang ischemic heart diseases bilang sanhi ng mortality sa bansa mula January hanggang November 2021, na may 125,913 cases o 17.9% ng total deaths.


Tumaas ito ng 31.9% mula sa dating 95,439 cases o 17% ng total deaths sa parehong panahon noong 2020.


Ikalawang sanhi naman ang Cerebrovascular diseases na may 68,180 deaths o 9.7%.

Ayon sa PSA tumaas ito ng 16.6% mula 58,476 deaths o 10.4% sa parehong period noong 2020.


Ang mga pagkamatay dahil sa COVID-19 (virus identified) ay ang ikatlong sanhi na mayroong 67,494 deaths (9.6%).


"Figures in this release, specifically for deaths due to COVID-19, may differ from the one released by the Department of Health (DOH) because the figures in this release were obtained from the certificates of death particularly the descriptions written on the medical certificate portion therein as reviewed by the health officer of the local government unit concerned," pahayag ng PSA.


"On the other hand, the figures released by the DOH were obtained through a surveillance system. Furthermore, figures in this release for deaths due to COVID-19 refer to both confirmed and probable cases as of registration."


Ang Neoplasms or cancer naman ang ikaapat na sanhi na mayroong 54,853 cases o 7.8%.


Ang mga pagkamatay naman dahil sa diabetes mellitus ay 44,491 o 6.3%, na siyang panlima listahan.

 
 

ni Lolet Abania | February 22, 2022



Lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa low risk na sa ngayon sa COVID-19 maliban sa Cordillera Administrative Region at Davao Region, ayon sa Department of Health (DOH).


Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lahat ng rehiyon ay nai-report na mas mababa na sa 1,000 ang bagong COVID-19 cases para sa isang linggo.


“Maliban po sa CAR at Region 11, ang lahat po ng rehiyon ay nasa low-risk case classification na,” pahayag ni Vergeire sa Palace briefing ngayong Martes.


“Lahat po ng rehiyon ay nagpapakita na ng negative 2-week growth rates at nakakita na tayo ng pagbaba ng bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19,” dagdag ng opisyal.


Sa kasalukuyan, ang bansa ay nasa low-risk case classification na may negative 1-week at 2-week growth rates, at may moderate risk average daily attack rate (ADAR).


Kapag sinabing low risk, nangangahulugan ito na ang ADAR ay mas mababa na sa 1.


Ayon pa kay Vergeire, nasa low risk na rin ang national health systems capacity ng bansa.


“Ang atin din pong national healthcare systems capacity ay nasa low risk maliban sa Region 11 na nasa moderate risk ang kanilang ICU utilization rate,” sabi ng kalihim.


Base sa DOH data, ani Vergeire, nasa tinataya lamang na 12% hanggang 15% ng mga hospital admissions ang severe at critical sa COVID-19.


“Karamihan sa naoospital ay mild at moderate ang sintomas. Patotoo ito na mabisang panangga ang mga bakuna laban sa malubha at critical na sakit na dulot ng COVID-19,” saad pa ni Vergeire.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page