top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 5, 2022



Nanawagan si Comelec Commissioner George Garcia sa mga botante na pagkatapos bumoto sa Mayo 9 ay dumiretso na sa kani-kanyang tahanan at huwag nang mamalagi pa sa paligid ng presintong pinagbotohan.


Sa isang panayam kay Garcia sa Zoom version ng “Pandesal Forum” ng Kamuning Bakery Café, nanawagan ito sa publiko na huwag na umanong mag-‘Marites’ o makipagtsismisan pa pagkaraang makaboto upang makaiwas sa banta ng COVID-19.


Ayon kay Garcia, huwag sanang kalimutan ng mga botante na ang matagal na pakikisalamuha sa maraming tao ngayong darating na eleksiyon ay kinakailangan pa ring maiwasan, lalo pa at nasa kalagitnaan pa rin ng pandemya ang buong bansa.


Dagdag pa ng commissioner, bagaman mayroon umanong isolated precincts na inilaan para sa mga botanteng may COVID-19, makabubuti pa ring mag-ingat ang publiko dahil hindi nakatitiyak ang bawat isa kung sino ang mga hindi tukoy na COVID-19 positive o ang mga asymptomatic patients na makakasalamuha sa pagboto.


Samantala, muling hinikayat ni Garcia ang lahat ng mga rehistradong botante na huwag ipagbili ang kanilang boto, gumising nang maaga sa Mayo 9 at huwag sayangin ang karapatan at kapangyarihang makapaghalal ng mga bagong lider ng bansa ngayong 2022 national at local elections.


 
 

ni Lolet Abania | May 3, 2022



Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpabakuna na ng COVID-19 booster shots bago bumoto sa May 9 elections upang maprotektahan ang sarili sa posibleng impeksyon sa mga polling precincts na dadagsain ng mga botante.


“‘Yung booster shots ninyo, it’s still available at anybody can have it because it’s election time. There will be crowding again of people congregating and it would be good to have the booster shots before you go out and mix with the crowd,” sabi ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People na ipinalabas ngayong Martes nang umaga.


Paliwanag ng Pangulo, maaaring ang booster shots ay hindi 100% guarantee na wala o hindi tatamaan ng COVID-19 infections lalo na sa mga mahihina ang immune systems, subalit puwede itong makatulong na protektahan ang sinuman laban sa viral disease.


“If normal ka lang, hindi ka masakitin, it can protect you and you can vote there without any… sans the worry about getting the infection again,” ani Pangulo.


Una nang ipinaalala ni Pangulong Duterte sa mga botante na sumunod sa mga minimum public health standards sa mga polling precincts sa Election Day upang maiwasan ang isa pang COVID-19 surge sa bansa lalo na’t kinokonsidera, sa hiwalay na babala ng Department of Health (DOH) at OCTA Research, ang posibleng pagtaas ng COVID-19 infections.


“Still, we’re in the COVID-19. Complacency is really the… it would be the enemy of the matter of preventing again or allowing the COVID-19 to come back. Sabagay, it would not be as serious like before, kasi bakunado tayo,” saad ni Pangulong Duterte.


Nitong Lunes, ipinahayag ng DOH na nasa mahigit 67.9 milyong indibidwal o 75.45% na target population ng gobyerno ang fully vaccinated na kontra COVID-19 sa ngayon, habang nasa 13.2 milyong Pilipino naman ang nakatanggap ng kanilang booster shots.


 
 

ni Lolet Abania | April 29, 2022



Sa kabila ng pangamba sa posibleng surge ng COVID-19 infections matapos ang May 9 elections, mananatili sa Alert Level 1 classification ang National Capital Region (NCR) hanggang Mayo 15, 2022, ayon sa Malacañang.


Sa isang statement, batay na rin sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF), sinabi ni acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na isasailalim din sa Alert Level 1 mula Mayo 1 hanggang 15 ang mga sumusunod na lugar:


Sa Luzon

• Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Kalinga, Mountain Province, at Baguio City;

• Region I: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at Dagupan City;

• Region II: Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, at City of Santiago;

• Region III: Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles City, at Olongapo City;

• Region IV-A: Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, at Lucena City;

• Region IV-B: Marinduque, Oriental Mindoro, Romblon, at Puerto Princesa City;

• Region V: Albay, Catanduanes, Naga City


Sa Visayas

• Region VI: Aklan, Capiz, Guimaras, Iloilo Province, Bacolod City, at Iloilo City;

• Region VII: Siquijor, Cebu City, Lapu-Lapu City, at Mandaue City

• Region VIII: Biliran, Eastern Samar, Southern Leyte, Ormoc City, at Tacloban City


Sa Mindanao

• Region IX: Zamboanga City;

• Region X: Camiguin, Bukidnon, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, at Iligan City;

• Region XI: Davao City;

• CARAGA: Surigao del Sur at Butuan City


Gayundin, ang mga component cities at municipalities ay isasailalim sa Alert Level 1 mula Mayo 1 hanggang 15.


Sa Luzon

• Cordillera Administrative Region: Tublay, Benguet;

• Region IV-A: Candelaria, Quezon; Dolores, Quezon; at San Antonio, Quezon;

• Region IV-B: Cagayancillo, Palawan;

• Region V: Caramoan, Pili, at Tigaon, Camarines Sur; at Capalonga, Camarines Norte


Sa Visayas

• Region VI: Candoni, Negros Occidental at Tobias Fornier (Dao), Antique;

• Region VII: Amlan (Ayuquitan), Negros Oriental at Duero, Bohol;

• Region VIII: Matalom, Leyte


Sa Mindanao

• Region IX: Jose Dalman (Ponot) at Labason, Zamboanga del Norte; Molave at Ramon Magsaysay (Liargo) Zamboanga del Sur; at Buug, Zamboanga Sibugay;

• Region X: Tudela, Misamis Occidental; Baroy, Lanao del Norte; Lala, Lanao del Norte; at Tubod, Lanao del Norte;

• Region XI: Caraga, Davao Oriental;

• Region XII: City of Koronadal, South Cotabato; Arakan, North Cotabato; at Lebak, Sultan Kudarat;

• CARAGA: Kitcharao, Agusan del Norte; Santa Josefa, Agusan del Sur; Libjo (Albor), Dinagat Islands; at General Luna, Surigao del Norte;

• Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: South Upi, Maguindanao at Turtle Islands, Tawi-Tawi


Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ide-deescalate o isasailalim sa Alert Level 0 ang bansa hanggang aniya, “everything is alright”.


Isasailalim naman sa Alert Level 2 sa parehong petsa, ang mga sumusunod na probinsiya, highly urbanized cities (HUCs), at independent component cities (ICCs(sad)


Sa Luzon

• Cordillera Administrative Region: Benguet, Ifugao;

• Region II: Nueva Vizcaya;

• Region IV-A: Quezon Province;

• Region IV-B: Occidental Mindoro at Palawan;

• Region V: Camarines Norte, Camarines Sur, Masbate, at Sorsogon


Sa Visayas

• Region VI: Antique at Negros Occidental;

• Region VII: Bohol, Cebu, at Negros Oriental;

• Region VIII: Leyte, Northern Samar at Western Samar


Sa Mindanao

• Region IX: City of Isabela, Zamboanga del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay;

• Region X: Lanao del Norte at Misamis Occidental;

• Region XI: Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Oriental, Davao de Oro at Davao Occidental;

• Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat at South Cotabato;

• CARAGA: Agusan del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Islands at Surigao del Norte;

• Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Basilan, Cotabato City, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-Tawi


“Alert Level classifications of component cities and municipalities under IATF Resolution No. 166-A (s.2022) not otherwise affected by this Resolution shall remain in effect until May 15, 2022,” pahayag pa ni Andanar.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page