top of page
Search

ni Lolet Abania | May 31, 2022


ree

Inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas ang emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine ng Moderna para sa mga batang edad 6 hanggang 11, ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) ngayong Martes.


Sa kanilang regular briefing, sinabi ni Health Promotion and Communication Service Director Dr. Beverly Ho na nai-grant na ng Philippine FDA ang amendment ng EUA ng Moderna noong Mayo 20, 2022, sa paggamit nito bilang primary vaccine series kontra COVID-19 para sa nasabing age group.


Gayunman, naghihintay pa ang DOH sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) para sa paggamit ng Moderna sa mga edad 6 hanggang 11.


Ito ang magiging batayan o guide ng Health Technology Assessment Council (HTAC) para sa kanilang independent evaluation. Batay sa na-published at peer-reviewed clinical data, ayon sa ZP Therapeutics ng Zuellig Pharma Corporation sa isang statement, ang dalawang 50-μg doses ng Spikevax vaccine ng Moderna ay mayroon anilang, “an acceptable safety profile and elicits a strong immune response for children aged 6 to 11.”


Ipinunto pa nila, na ang efficacy ng Spikevax para sa mga naturang age group ay katulad ng nakukuha ng mga adults. “This is a welcome development in expanding COVID-19 vaccine access within our pediatric population,” sabi ni Zuellig Pharma Corporation medical doctor Dr. Philip Nakpil.


“The Spikevax COVID-19 Vaccine Moderna boosts opportunities in ensuring more children are protected against the virus,” aniya pa.


Matatandaan noong Disyembre 2021, inaprubahan ng FDA ng bansa ang EUA ng Pfizer COVID-19 vaccine para sa edad 5 hanggang 11.


Base sa national COVID-19 vaccination dashboard ng DOH, tinatayang nasa 151 milyon doses na ang na-administered sa bansa hanggang Mayo 29, 2022.


 
 

ni Lolet Abania | May 27, 2022


ree

Nasa tinatayang 2 milyon na COVID-19 vaccine doses ang inaasahang mag-e-expire kung hindi pa rin magagamit hanggang Hunyo 30, ayon sa Department of Health (DOH).


Gayunman, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje na hindi pa dalawang milyong doses ang pinal o kabuuang bilang ng COVID-19 vaccine.


“Sa ating expiring na vaccine, we will have the final numbers by end of May. But hanggang June we are expecting kung hindi ma-jab almost 2 million kung hindi magamit by end of June,” saad ni Cabotaje sa Laging Handa briefing.


Ayon kay Cabotaje, nagsumite na ang DOH ng demand forecast ng 34 million doses. “Ito ‘yung parang pang palit, ‘yung nag-expire na at saka ‘yung pwede pa [at] mga pa-expire, which includes brands such as Sinovac, AstraZeneca, and Pfizer,” pahayag ng opisyal.


“From the communication we received from COVAX, replacement for vaccine includes vaccines from all sources, so hindi lang po ‘yung galing sa kanila, but they will also consider some of the vaccines that have been procured by the national government, even our private sector, and our local government,” dagdag niya.


Samantala, binanggit ni Cabotaje na nasa mahigit 73.7 milyong indibidwal ang nabakunahan ng unang dose habang 69.1 milyon naman ang fully vaccinated na laban sa virus. Aniya pa, nasa tinatayang 200,000 indibidwal ang nababakunahan kada araw laban sa COVID-19.


 
 

ni Lolet Abania | May 13, 2022


ree

Inihahanda na ng pamahalaan ang tinatayang 3 milyong COVID-19 vaccines na donasyon ng Pilipinas sa kalapit na mga bansa, ayon sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.


Sinabi ni NTF special adviser Ted Herbosa na una nang ipinaalam sa kanya na ang Sputnik V vaccines ay ido-donate sa mga bansa sa Association of Southeast Asian Nations.


“I think Laos Cambodia, Myanmar ang mga target countries to receive it kasi kulang sila ng vaccine. Myanmar, I think, specifically for Sputnik,” ani Herbosa sa Laging Handa briefing ngayong Biyernes.


“And then may na-mention din na African countries that want them. So ‘yun ang current situation. I’m sure kung meron pang pwedeng i-donate, ido-donate natin,” dagdag ng opisyal.


Matatandaan noong Abril, binanggit ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang gobyerno ay nakikipag-ugnayan na sa Myanmar at Papua New Guinea para i-finalize ang gagawing donasyon.


Samantala, ayon kay Herbosa nasa tinatayang 1 milyon doses ng AstraZeneca vaccine na donasyon ng COVAX facility ang nag-expired mula sa iba’t ibang rehiyon.


“Pero ito ay pinangako ng COVAX na papalitan nila. So, hinihintay lang natin ‘yung replacement noon because there were donations naman,” sabi ni Herbosa.


“Naka-distribute ‘yan sa iba’t ibang region na, 'no. So, ang shelf life naman nila, after dumating sila from donation by COVAX, dini-distribute ‘yan from our national warehouse to the different regions,” dagdag pa niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page