top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 26, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang 362,700 doses ng Pfizer COVID-19 vaccine noong Miyerkules.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang Air Hongkong flight LD456 lulan ang mga naturang bakuna.


Ayon sa National Task Force Against COVID-19, ang 50,310 doses ng Pfizer ay dumating sa Cebu City bandang alas-5 nang hapon at 50,310 doses din ang nakatakdang dalhin sa Davao City ngayong Huwebes.


Ang iba pang Pfizer vaccines ay dinala naman sa PharmaServ Express cold-chain storage facility sa Marikina City, ayon sa NTF.


Ayon naman kay Assistant Secretary Wilben Mayor, head ng National Task Force Against Covid-19 (NTF) sub-task force, ang mga bakuna ay dadalhin sa mga lugar na nakakapagtala ng pagtaas ng kaso ng Coronavirus.


Aniya pa, "Though meron na tayo ngayong tinatawag na from the spot, nagkakaroon agad ng inoculation. Dinadala na agad doon sa area and pagdating doon, ini-inject na kaagad.


"But, again, we leave it to the Vaccine Cluster to decide on whether to which particular area that they will distribute or allocate this Pfizer vaccine."


 
 

ni Lolet Abania | August 23, 2021


ree

Ipinahayag ni Vaccine Czar Carlito Galvez ngayong Lunes na ang Food and Drug Administration (FDA) ay nag-isyu ng emergency use authorization (EUA) para sa single-dose Sputnik Light COVID-19 vaccine.


“The FDA has approved EUA for Sputnik V na one dose na siya. We have 10 million doses, so 10 million na tao ang makikinabang,” ani Galvez.


“Full protection na itong Sputnik Light, like Johnson and Johnson na single dose,” dagdag ni Galvez.


Ayon sa Russian Direct Investment Fund (RDIF), lumabas na ang Sputnik Light ay may 79.4 percent efficacy rate kumpara sa 91.6 percent para sa two-shot ng Sputnik V. Samantala, tinatayang nasa 13 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa COVID-19 sa ngayon, habang target ng gobyerno na makapagbakuna ng 76.3 milyon sa katapusan ng taon upang makamit ang herd immunity ng bansa.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2021


ree

Dumating na sa Pilipinas ang 582,500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ngayong Biyernes.


Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang Flight C1701 ng China Airlines lulan ang AstraZeneca vaccines kaninang alas-9:20 nang umaga.


Ito ay bahagi ng mga bakuna na binili ng pribadong sector at mga lokal na pamahalaan sa ilalim ng A Dose of Hope Program.


Samantala, inaasahang makatatanggap din ang bansa ng 739,200 doses ng Sinopharm COVID-19 vaccine ngayong hapon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page