top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 22, 2021



ree

Binakunahan na si Taiwan Premier Su Tseng-chang ng AstraZeneca COVID-19 ngayong Lunes. Pahayag ni Su, "I have just finished getting the injection, there is no pain at the injection site, and there is no soreness of the body.


"The doctor told me to drink more boiled water and rest a bit. The first point I'll follow, and the second point may be more difficult. But I'll still try to rest as much as possible.”


Matatandaang noong nakaraang linggo, itinigil ng ilang bansa sa Europe ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca matapos maiulat ang blood disorders ng ilang nabakunahan nito.


Ngunit, iginiit ng World Health Organization na ligtas ito kaya muling itinuloy ng ilang bansa ang pagbabakuna gamit ang AstraZeneca noong Biyernes.


Maging si Health Minister Chen Shih-chung ay nabakunahan na rin sa National Taiwan University Hospital sa central Taipei.


Ngayong buwan dumating sa Taiwan ang 117,000 doses ng AstraZeneca mula sa South Korean factory at tinatayang aabot sa 60,000 katao ang prayoridad na mabakunahan kabilang na ang mga health workers.


 
 

ni Lolet Abania | March 17, 2021




Isang health worker na naturukan na ng COVID-19 vaccine ang nasawi noong March 15, subalit hindi ang bakuna ang dahilan ng pagkamatay nito, ayon sa mga opisyal ng Department of Health at ng Food and Drug Administration ngayong Miyerkules.


“On March 15, a death was reported in an individual who had received the COVID-19 vaccine and subsequently tested positive for COVID-19,” batay sa inilabas na statement ng DOH at FDA. Ayon sa DOH at FDA, ang national at regional committees, na siyang naatasang mag-monitor ng mga adverse effects following immunization ay nagsabing “concluded that the cause of the death was COVID-19 itself, not by the COVID-19 vaccine.”


“COVID-19 vaccines cannot cause COVID-19,” dagdag pa ng mga nasabing ahensiya. Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang DOH tungkol sa namatay na health worker.


Patuloy naman ang paalala ng mga awtoridad sa publiko na sumunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face masks, face shield at pagkakaroon ng social distancing kasabay ng isinasagawang pagbabakuna.


Hinihimok din ang mga health workers na magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa muling pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo.


“Millions of people around the world have received this vaccine, and evidence continues to show that the benefit of vaccination outweighs the risk of severe disease and death caused by COVID-19,” sabi pa ng dalawang ahensiya, kung saan may kabuuang 240,297 indibidwal na ang naturukan ng unang dose ng COVID-19 vaccine.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page