top of page
Pinoy Big Brother Collab 3.0 - YT.jpg
Search

ni Lolet Abania | March 21, 2021




Nagpositibo ang wife ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Angeli Valenciano sa test sa COVID-19. Sa IG post, nai-share ni Angeli ang photo ng maraming gamot at iba pang essentials na kanyang kailangan.


"Guess why I posted this? Here I am isolated because I am COVID positive," caption ni Angeli. "I should be afraid right? But I am married to a man who has had Type1 diabetes for 42 years.


Who has had multiple seizures due to hypoglycemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double Bypass / open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery.


Whew," dagdag ni Angeli. Sa kabila ng bagong pinagdaraanang sakit, nananatiling positibo ang misis ni Gary V. na malalagpasan ito, "Having gone through all that with him, I know that this is just another trial that we will overcome together."


"I had a scoliosis spine surgery in Hong Kong in 1986. They implanted two rods on my spine. Excruciating pain. So this is just another hurdle that I know I will leap over!" Labis ang pasasalamat ni Angeli sa mga nagpadala ng love messages, mga quotes at Bible verses habang patuloy siyang humihiling sa mga followers na ipanalanging hindi makuha ni Gary V. ang naturang sakit.


"Please pray that Gary doesn’t get it," ani Angeli. Hindi naman niya alintana na tinamaan siya ng COVID-19 ‘wag lang ang kanyang mister, "Getting it for as long as he is spared from this disease."


Ayon pa kay Angeli, isa sa mga staff nila na si Vince at ang kanilang Yaya Myra ay nagpapagaling na sa ngayon.


"BY HIS STRIPES I AM HEALED! P.S. please pray for the healing of Yaya Myra and Vince too - our staff," post ni Angeli.


Nagpaalala naman si Angeli sa publiko na dapat ay maging maingat at sumunod sa mga health protocol.


"STAY HOME. WEAR A MASK AND A FACE SHIELD. WASH HANDS REGULARLY. And EVEN IF YOU ARE FAMILY MEMBERS IF YOU GO OUT WITH “SWABBED” FRIENDS, DO ALL THESE AND PRACTICE SOCIAL DISTANCING!" ani pa ni Angeli.

 
 

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Isang dormitoryo sa Quezon City na ginamit ng manning agency ang isinailalim sa special-concern lockdown matapos magpositibo sa COVID-19 test ang 43 residente nito.


Sa inisyal na report, anim na residente lamang na nasa Barangay Roxas District dormitory ang nagpositibo sa test sa coronavirus. Subalit nang magsagawa ang Quezon City health officials ng test sa lahat ng 130 dorm residents, lumabas na 36 na iba pa ang positive sa virus.


"Kung nagsabi sila agad sa atin, naipa-monitor agad natin ang mga tao doon, na bigyan sila ng karapatang paggagamot at saka ‘yung quarantine, nagawa natin agad," ani Bgy. Chairman Dr. Carmela Gotladera. "Ang dating, parang no intention of reporting," dagdag ng kapitana.


Gayunman, ang mga nadiskubreng bagong COVID-19 cases ay mga asymptomatic at nananatiling naka-quarantine sa dormitory. Ang mga nagpakita naman ng sintomas ay nai-transfer na sa quarantine facilities.


Habang naghihintay ang ibang residente ng resulta ng kanilang COVID-19 tests, pinag-aaralan na ng mga opisyal na palawigin ang lockdown sa dormitoryo hanggang 14 na araw.


"This could have been avoided kung nagpa-follow sila ng minimum health protocol na ipinapasunod sa ating lahat," ani QC Epidemiology and Surveillance Unit head na si Dr. Rolly Cruz.


"So, obviously, meron silang kapabayaan sa kanilang ginagawang set-up sa kanilang agency," dagdag ni Cruz.


Wala namang ibinigay na pahayag at komento ang manning agency.


 
 

ni Lolet Abania | March 18, 2021




Isasailalim sa lockdown ang opisina ng Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa Quezon City simula bukas (March 19) hanggang Linggo (March 21) dahil maraming mga empleyado nito ang nagpositibo sa test sa COVID-19.


Ipatutupad ang tatlong araw na lockdown upang magbigay-daan sa gagawing disinfection procedures sa lahat ng lugar sa loob ng DSWD compound.


Magbubukas naman ang kanilang opisina sa Lunes, March 22 habang ipatutupad na lamang ang 50% workforce.


Gayunman, patuloy na magkakaroon ng work-from-home arrangement sa mga empleyado.



Lahat din ng mga empleyado ay isasailalim sa anti-gen test bilang pagtugon ng ahensiya sa paglaban sa COVID-19 infections.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page