top of page
RUN WILD - VICE AT MVP, NAGSANIB-PUWERSA PARA MAKA-SURVIVE ANG TV INDUSTRY-IG _praybeytben
Search

ni Lolet Abania | July 7, 2021


Isinailalim sa lockdown ang isang istasyon ng pulisya matapos na magpositibo ang 13 police officers sa COVID-19 sa Arevalo, Iloilo City.


Ang Iloilo City Police Station 6 ng nasabing lalawigan ay ini-lockdown simula kahapon, Martes, upang magbigay-daan sa disinfection sa gusali nito. Hindi naman binanggit ng mga awtoridad kung gaano katagal ipatutupad ang lockdown ng istasyon.


Ayon kay Iloilo City Police Office (ICPO) Director Police Col. Uldarico Garbanzos, unang sumailalim sa swab test ang mga pulis na nakasalamuha ng kabarong nasawi dahil sa cardiac arrest na positibo rin sa COVID-19 nitong Hunyo 25. Apat sa mga pulis ang nagpositibo sa COVID-19 matapos lumabas ang resulta ng kanilang RT-PCR test.


Agad namang isinailalim sa swab test ang naging close contacts ng apat at sa naging resulta nitong Hulyo 6, siyam pang mga pulis ang nagpositibo rin sa COVID-19.


Gayunman, agad na ipinasara ng ICPO ang gusali ng Iloilo City Police Station 6 kahapon. Dinala na sa isang quarantine facility ng lugar ang 12 pulis na pawang mga asymptomatic habang nasa ospital ang isang pulis matapos makitaan ng sintomas ng sakit.


Isinailalim naman sa strict quarantine ang iba pang miyembro ng pulisya ng naturang istasyon, kabilang na rito ang kanilang hepe. Dinagdagan din ng mga operatiba ang ICPO para sa patuloy na operasyon kahit naka-lockdown ang naturang istasyon ng pulisya.


 
 

ni Lolet Abania | June 8, 2021



Nasa 86 residente ang nagpositibo sa COVID-19 matapos magtungo sa isang programa ng pamamahagi ng pagkain sa Quezon City ilang linggo na ang nakakaraan, ayon kay Mayor Joy Belmonte.


Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Belmonte na 953 mula sa 6,000 na pumunta para sa food distribution program ni QC Councilor Franz Pumaren sa Barangay Old Balara ay sumailalim sa test kung saan 86 ang positibo sa virus.


“We have so far already identified 86 positive cases out of 953 that were tested doon sa event na ‘yan,” ani Belmonte.


Ayon pa sa alkalde, tinatayang limang lugar sa nasabing barangay ang isinailalim na sa lockdown nang dalawang linggo.


Ang mga residente roon ay ite-test sa COVID-19 habang makatatanggap ng assistance mula sa lokal na pamahalaan.


Sinabi rin ni Belmonte na nasa 200 ang average number ng COVID-19 cases araw-araw sa Quezon City at nasa 4,000 naman ang kanilang itine-test kada araw, habang 3,500 contact tracers ang kanilang ipinakalat para i-track ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.


Nilinaw naman ng Quezon City Police District na wala umanong nilabag na health safety protocols si Pumaren matapos na 6,000 residente ng Barangay Old Balara ang dumagsa sa community pantry program na kanyang inorganisa.


Ayon sa pulisya, nakipag-coordinate si Pumaren sa mga concerned government agencies gaya ng Quezon City Police District, Batasan Police Station 6, at ang opisina sa Old Balara upang masigurong masusunod ang mga protocols.


 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Nagpositibo ang aktres na si Ynna Asistio at kanyang inang si Nadia Montenegro sa test sa COVID-19.


Sa Instagram ng aktres, naibahagi niya ang kanyang COVID-19 story at isang photo niya na may nakasulat na “Why COVID made me stronger”.


Ayon kay Ynna, nagnegatibo siya sa unang test sa kanya, habang ang kanyang ina naman ay tested positive.


“Half of the family had COVID, here’s my story. Did RT-PCR test because I was suppose to leave for Bicol. When the test came out that afternoon, I was negative, but sad part is mom tested positive,” caption ni Ynna sa kanyang post.


Sinabi ni Ynna na dahil nagpositibo nga ang kanyang ina, ang buong pamilya ay nakonsiderang PUI o persons under investigation.


“While fixing my requirements for my flight, I had to print the results only to find out that I was also positive,” sabi ni Ynna.


“I remember running out of the house ‘cause I was at the dining beside all my siblings. Hahaha,” dagdag niya.


Kuwento pa ni Ynna, nagsimula siyang asymptomatic, pero nang ika-5 araw ng quarantine, “I started to feel mild symptoms like cold sweats, headache, fatigue, loss of appetite but I didn’t lose my senses of smell & taste, nausea and shortness of breath.”


Subalit, ayon kay Ynna, nakaramdam siya ng pananakit sa lower back niya. “I panicked and called Doctora Melissa, our family doctor and went to check on me. She said I was starting to develop phlegm and asked to have an oxygen ready,” ani Ynna.


“So I followed just to be sure. Every time I breathe, I would feel a sharp pain, a stabbing pain on my back, but my oxygen level was normal,” sabi pa niya.


“I could breathe normally pero mabigaaat and masakit,” aniy pa.


Si Ynna ay former Kapuso star na nakilala sa mga roles niya sa GMA-7 shows na telefantasyang “Mga Mata ni Anghelita,” “Who's Your Daddy Now?” at “La Vendetta.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page