top of page
Search

ni Lolet Abania | March 28, 2022



Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato na mag-espiya sa kanilang mga kalabang kandidato at i-report ang posible nitong election violations habang umiinit ang kampanyahan na mahigit isang buwan na lamang bago ang May 9 elections.


“Doon po sa magkakalaban, maganda po mag-monitoran kayo, maganda kayo mismo ang titingin, papansin sa mga kalaban n’yo sa posisyon at isumbong n’yo sa amin at ‘yan po ay aaksyunin namin,” sabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang public briefing ngayong Lunes.


Ginawa ni Garcia ang pahayag matapos ang mga reports ng umano’y vote-buying na nagaganap sa mga campaign sorties, kung saan agad na bumuo ang Comelec ng isang inter-agency task force. Ayon kay Garcia, ang task force ay maaari na sariling mag-imbestiga kahit na walang mga complainants.


“Huwag po kayong mag-alala. Hindi po kami bingi at bulag sa mga ganyang realidad,” saad ng opisyal. Sinabi pa ni Garcia na ang poll body ay nagmo-monitor ng mga aktibidad ng mga kandidato sa social media.


“Akala siguro ng ibang kandidato hindi namin kayo namo-monitor kahit prior to the campaign period... Hahabulin namin kayo. ‘Yung mga may social media accounts kitang-kita may pa-raffle, may papremyo na ganito. Kami po sa Comelec ay naka-monitor,” diin ni Garcia.


Ini-report din ng opisyal na ilang insidente ng umano vote buying ay naisangguni na sa kanilang field personnel para sa malalimang imbestigasyon.


“Nagsimula na kaming mag-endorse sa aming mga field personnel upang sila mismo ay mag-submit ng mga reports sa amin. ‘Yung mga kababayan natin na may mabigat at credible na ebidensya sa vote buying, puwede n’yo pong isulat ‘yan sa amin sa Comelec law department,” paliwanag pa ni Garcia.


Nakasaad sa ilalim ng Omnibus Election Code, “giving, offering, or promising money or anything of value... in order to induce anyone or the public in general to vote for or against any candidate or withhold his vote in the election is prohibited.”


 
 

ni Lolet Abania | March 27, 2022



Hinimok ng Commission on Elections (Comelec) sa publiko at sa mga political parties na sadyaing magtungo sa mga precincts sa buong bansa sa Mayo 2 hanggang 7 upang personal na masaksihan ang final testing at sealing ng mga vote counting machines (VCMs) na gagamitin para sa 2022 national at local elections.


Sa isang radio interview ngayong Linggo, sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia na sa mga panahong iyon, bawat presinto ay gagamit ng 10 orihinal na balota para sa May 9 polls, at ang mga bibisita ay maaaring i-test o subukan ang mga ito.


“Magkakaroon tayo sa lahat ng presinto sa buong Pilipinas ng tinatawag nating final testing and sealing, ‘yung pagsasara ng mga vote counting machines. Ine-enganyo natin ang lahat ng political parties, citizens’ arm, mga kababayan nating botante, inyo pong puntahan ang mga presinto sa araw na ‘yan,” saad ni Garcia.


“Ite-test po kasi ang mga vote counting machines. Susubukan ‘yan at kinakailangan lahat po kayo ay makasaksi na ang ipi-print niya muna na resibo ay zero. Kinakailangan niyong makita ang zero dahil ibig sabihin niyan walang laman ang makina dahil zero ang pinrint niya,” dagdag ng opisyal.


Ipinaliwanag din ni Garcia na ang volunteers na magpa-participate para sa VCMs’ final testing at sealing sa mga nasabing petsa ay maaaring subukan na i-undervote o overvote, i-shade ang balota incorrectly o maliin, at guhitan o punitin ang balota para i-check kung tatanggapin ang mga ito ng VCMs.


“Para ma-test natin talaga bang ‘yung balota ko, kinakain ba talaga ‘yan ng machine? Talaga bang ang balota ay tinatanggap, at ‘yung ang boto ko ba ay nabilang nang tama? Doon niyo po makikita para po hindi nagrereklamo,” ani Garcia.


Sinabi naman ni Garcia na kapag ang mga VCMs ay na-sealed na sa harap ng mga witness, ang mga representatives mula sa political parties ay kailangan pumirma ng isang form na nagpapatunay na ang mga VCMs ay hindi impaired o sira at handa na ang mga ito para sa May 9 elections.


Nitong Huwebes, nagsagawa ang Comelec ng isang random manual checking ng mga official ballots para sa 2022 elections, kung saan pinayagan ang maraming representante mula political parties at election stakeholders na i-check ang kalidad ng mga printed ballots.

 
 

ni Lolet Abania | March 23, 2022


Bubuo ang Commission on Elections (Comelec) ng isang task force na siyang mag-iimbestiga sa mga reports hinggil sa mga insidente ng vote-buying o pamimili ng boto.


Sa isang interview ngayong Miyerkules kay Comelec Commissioner George Garcia, sinabi nitong inatasan na nila ang kanilang field personnel para magsagawa ng agarang imbestigasyon at mga reports tungkol sa mga reklamo ng vote-buying sa maraming lugar sa bansa.


“Even without this task force to be created by the Commission on Elections, definitely to be created today in our en banc deliberation, even without [this], the Comelec had already instructed our field personnel in [areas],” saad ni Garcia.


Aminado naman si Garcia na kailangan pa rin na mayroong pormal na reklamo na maihahain sa Comelec bago nila aksyunan ang anumang alegasyon sa mga kandidato, kung saan nakabase sa kongkretong ebidensiya na iprinisinta sa kanila, para makapagsampa ng reklamo o kaso sa mga ito.


Ang vote-buying at pagbebenta nito, ani Garcia, “criminal acts punishable under the law, thus those alleging vote buying should file their complaints before the Comelec itself.”


“We are still hoping and praying and pleading to those who would like to file cases before the Comelec to please file the necessary complaint so that at least we can study the evidence presented. We can require the respondent to answer the allegations thrown against them,” sabi ng bagong itinalagang opisyal ng Comelec.


“If indeed these were committed, these are criminal acts and these are punishable under 261-A of the Omnibus Election Code. Vote-buying is a criminal act. Vote selling is a criminal act. Even if the election had already been concluded, the Comelec should still proceed with these cases,” ayon pa kay Garcia.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page