top of page
Search

ni Zel Fernandez | May 3, 2022



Binigyang katiyakan ng Commission on Elections (Comelec) ang garantiya na hindi na umano mauulit pa ang mahabang oras na ‘glitches’ o aberya sa nalalapit na eleksiyon ngayong Mayo 9, 2022.


Paliwanag ni Comelec Commissioner George Garcia, nagkaroon lamang aniya ng 7-hour glitch noong 2019 midterm elections dahil sa “bottleneck” o umaapaw ang pumapasok na datos mula sa mga presinto.


Paniniguro ng opisyal, natukoy na anila ang problema dahil ang mga transparency survey ay mistula aniyang nabulunan dulot ng maraming datos na pumapasok sa system.


Gayundin, ipinahayag ni Garcia na iniharap na rin ng Comelec sa media ang transparency servers na ipapalabas via live stream simula sa darating na halalan sa Lunes.


 
 

ni Zel Fernandez | May 2, 2022



Binatikos ng mga netizens, partikular ng mga BBM supporters, ang mga pasaring ni dating Philippine Commission on Elections commissioner Rowena Guanzon kay presidential candidate Ferdinand “BongBong” Marcos, Jr. sa kasagsagan ng pangangampanya nito para kina VP Leni Robredo at vice-presidential candidate Kiko Pangilinan.


Sa kuha ng viral TikTok video na ipinost sa isang Facebook account, mapapanood sa entablado si Guanzon habang buong siglang nagtsa-chant sa harap ng mga tagasuporta nina Robredo at Pangilinan sa ginanap na “Barako para kay Leni-Kiko” grand rally sa Catalina Lake Residences sa Bauan, Batangas.


“Naaagnas na ‘yung kamay n’ya, eh... kakasinghot! [sa] kakasinghot! kakasinghot! kakasinghot! [sa] kakasinghot!” tila pag-awit ni Guanzon na sinabayan naman ng ilang mga nanonood.


Sinundan pa ito ni Guanzon ng, “ang kapal-kapal mo, BBM... hindi ka man lang nag-graduate ng college, tatakbo ka presidente? Ang kapal mo! Sasabihin mo pa, mas magaling ka kay Leni Robredo, na taga-UP School of Economics? Ikaw nag-aral ka sa Europa! English-English ka pa, naka-Rolls Royce ka pa! Hindi ka [na] graduate kasi... babangag-bangag ka [na],” na inulan naman ng hiyawan mula sa mga nanonood.


Nagpatuloy pa ang patutsada nito sa pagsigaw ng “hindi kami bangag” at "si BBM bangag" na paulit-ulit ding sinabayan ng mga supporters na nakiisa sa naturang grand rally.


Dahil dito, nagalit ang mga solid BBM supporters at ipinagtanggol ang kanilang presidential bet, kasabay ng pagdedeklara na ibabawi ng mga ito si Marcos sa pamamagitan ng pagpapanalo rito bilang bagong pangulo ng bansa sa darating na Mayo 9, 2022 national elections.


Ilan sa mga naging komento ng mga netizens sa nasabing FB post ay nagpahayag ng pagkasuklam sa ginawang paraan ng pangangampanya ng dating Comelec commissioner. Anila, ipinakikita lamang umano nito ang klase ng pagkataong mayroon si Guanzon na mayroon umanong pinag-aralan ngunit bastos pa rin at asal-kalye.


Ang iba pang mga komento ay nagsasabing may mental disorder o baliw na umano si Guanzon at hindi magandang ehemplo sa mga kabataan.


Samantala, kung mayroong mga nagalit na BBM supporters ay mayroon ding ilang mga ‘Kakampink’ ang nagpahayag ng pagkadismaya sa istilo ng pangangampanya ni Guanzon na anila ay nakapagpapahamak sa mga tagasuporta ng Leni-Kiko tandem na matino at hindi masama ang ugali.


 
 

ni Lolet Abania | April 30, 2022



Walang polisiya na nagre-require sa mga ‘di bakunadong mga botante na magpakita ng negative RT-PCR result sa mga polling precinct sa May 9 elections, ayon sa Commission on Elections.


“No reso or guidelines mandating the showing of vaccination cards by voters. No such [requirement] for the exercise of the right of suffrage,” sabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa isang text message ngayong Sabado sa ABS-CBN News.


Sa naunang media briefing, sinabi naman ni Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje na ang mga unvaccinated na mga indibidwal ay maaaring bumoto mula sa isolation polling places, kung saan ang mga symptomatic ay doon din isasagawa ang pagboto.


“’Yun ang alam nating polisiya ng ating Comelec, kapag ikaw ay vaccinated, ipakita mo ‘yung vaxx card mo, ‘pag ikaw ay unvaccinated, dapat ipakita ‘yung RT-PCR test results mo, negative within 48 hours tapos i-screen ka,” saad ni Cabotaje.


“Kapag ikaw ay nakitaan ng sintomas, pagbobotohin ka sa isolated voting place na dinesignate ng ating Comelec,” dagdag ni Cabotaje.


Ibinato ang naturang tanong sa konteksto ng pagkakaroon ng mga lugar para sa mga vaccinated at unvaccinated voters sa araw ng eleksyon.


Samantala, binigyang-diin ni Cabotaje na pinaninindigan ng ahensiya na ang mga botante na positibo sa COVID-19 ay hindi dapat lumabas ng kanilang quarantine, dahil ito aniya ay labag sa batas.


“Hindi po pwede lumabas ang may sakit. They’re not allowed to go out of their areas kapag sila ay positive. Hindi sila puwede lumabas sa isolation facilities,” giit ni Cabotaje.


Nilinaw naman ng Comelec nitong Biyernes na ang mga COVID-19 patients ay maaaring hindi makaboto kung sila ay nasa kanilang quarantine facilities.


Bagaman hindi pinipigilan ng DOH ang sinuman na bumoto, mahalaga pa rin para sa publiko na sumunod sa polisiya ng gobyerno habang ang pandemya ay naririyan pa rin.


“Individuals who are positive with COVID-19 should strongly refrain from going outside and remain in isolation while recovering... The law is clear and provides for measures to quickly stop the spread of any infectious disease,” batay pa sa isang statement ng DOH.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page