top of page
Karylle - IG.jpg
Search

by Info @Buti na lang may SSS | March 30, 2026



Buti na lang may SSS

Dear SSS,


Magandang araw po. Ano ang voluntary membership sa SSS? Salamat. — Sheena





Mabuting araw sa iyo, Sheena.


Ang voluntary membership sa Social Security System (SSS) ay mahalagang suporta para sa mga Pilipino na nagnanais na mapanatili ang kanilang benepisyo sa SSS sa hinaharap kahit na umalis na sa regular na trabaho. Nagbibigay ito ng patuloy na proteksyon para sa retirement, sickness, maternity, at iba pa, nang hindi nangangailangan ng employer.


Ang mga voluntary members ay mga indibidwal na dating sakop ng SSS bilang empleyado, self-employed, o mga overseas Filipino workers (OFW) na may kakayahan pa ring magbayad ng kontribusyon nang mag-isa upang mapanatili ang access nila sa SSS benefits.

 

Madali ang paglipat sa boluntaryong pagbabayad nang walang kailangang form o dokumento—piliin lamang ang "Voluntary Member" kapag gumagawa ng Payment Reference Number (PRN) sa My.SSS online, SSS Mobile App, o iba pang portal. Awtentikong ma-a-update ang status mo, na nagpapahiwatig na natapos mo na ang dating employment o self-employment.


Magbayad ng buwanang kontribusyon batay sa napiling Monthly Salary Credit (MSC). Mangyari lamang sundan ang pinakabagong SS contribution table na nasa SSS website, www.sss.gov.ph. Maaaring makapagbayad ng contribution sa SSS branches na may tellering facilities, accredited banks, non-bank partners gaya ng Bayad Centers o electronic wallets.

 

***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.



Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 

by Info @Brand Zone | March 26, 2026



SSS



QUEZON CITY - The Social Security System (SSS) today assured its members in the Middle East that they can access benefits and services via digital platforms despite escalating regional conflicts.


SSS President Robert Joseph M. de Claro highlighted the My.SSS Portal’s reliability, enabling Overseas Filipino Workers (OFWs) to file benefit claims and loan applications without interruption, provided they meet qualifying conditions.


For example, OFWs who were involuntarily separated can avail of unemployment benefit provided they meet the qualifying conditions and certified by the Department of Migrant Workers (DMW).


"Even in these challenging times, our digital infrastructure ensures seamless service delivery," de Claro said. "Members in the Middle East need not worry; they can manage their accounts safely from anywhere with internet access."


He noted that SSS pensioners in the region can comply with the Annual Confirmation of Pensioners (ACOP) using the recently launched Facial Authentication feature on the SSS website, www.sss.gov.ph.


"A standout innovation is the ACOP Facial Authentication with Liveness Check, enabling secure identity verification from smartphones anywhere," de Claro explained. "It reduces fraud risks and eliminates the need for travel amid the current security situation in the Middle East. These tools were purpose-built to empower OFWs, allowing transactions 'whenever, wherever' even in crisis zones."


As of December 2025, there are 1,476,645 OFWs covered with the SSS with 540,018 as active paying members.


"We remain committed to supporting our OFWs through innovation and resilience, no matter the circumstances," de Claro concluded.





For more information, inquiries, or feedback, members may contact the SSS through hotline 1455, email usssaptayo@sss.gov.ph, and our branches. See us also through our website (www.sss.gov.ph) or our social media accounts (Facebook, Instagram, Spotify, Viber, X, and Youtube) under the MYSSSPH handle for latest announcements and instructional material on SSS programs.

 
 

by Info @Buti na lang may SSS | March 22, 2026



Buti na lang may SSS


Dear SSS,


Magandang araw! Ang mother-in-law ko ay isang SSS pensioner. Sa kasalukuyan, siya ay naninirahan sa Tring, Hertfordshire, United Kingdom. Nais sana niyang malaman kung paano siya magkakapag-comply sa ACOP gamit ang Facial Authentication? Salamat. 


— Alexa



Mabuting araw sa iyo, Alexa.


Ang Annual Confirmation of Pensioners Program o ACOP ay ang taunang pagre-report ng mga pensyonado sa Social Security System (SSS) upang masiguro ang patuloy nilang pagtanggap ng buwanang pensyon.


Kamakailan, inilunsad ng SSS ang Facial Authentication with Liveness Check para sa ACOP sa pamamagitan ng PhilSys e-Verify System. Ang bagong programang ito ay naglalayon na mapatunayan at maberika ang pagkakakilanlan ng mga pensyonado kaya’t higit nitong pinatitibay ang integridad ng pagbabayad ng pensyon.


Ang Facial Authentication ay gumagamit ng makabagong proseso ng beripikasyon sa ilalim ng PhilSys e-Verify biometic authentication, kung saan ang mga pensyonado ay nagsasagawa ng face scan. Tinitiyak ng prosesong ito ang presensya ng isang buhay na indibidwal (liveness check) sa oras ng beripikasyon, na nagsisilbing karagdagang proteksyon laban sa panlilinlang at maling pagkakakilanlan.


Sinisiguro ng SSS ang madali at ligtas na ACOP compliance sa pamamagitan ng protektadong Facial Authentication. Maaari nang kumpletuhin ng mga pensyonado ang kanilang ACOP requirement online nang hindi na kinakailangang bumisita sa SSS branch.


Ang Facial Authentication method ay maaaring magamit ng mga sumusunod na uri ng pensyonado na naka-rehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys) o national ID system:


  • Retirement pensioners na naninirahan sa Pilipinas na 80 taong gulang pataas;

  • Retirement pensioners na naninirahan sa ibang bansa; at

  • Survivorship (death) pensioners.


Sa online option na ito, pinapadali ng SSS ang ACOP compliance ng mga pensyonado sa pamamagitan ng ligtas, mabilis at fraud-proof na Facial Authentication gamit lamang ang mobile phone, computer, o iba pang camera-enabled device. Sa pamamagitan nito, nagiging mas madali at mas maginhawa ang beripikasyon ng pagkakakilanlan ng mga pensionado nang hindi isinasakripisyo ang seguridad. Hindi na kailangang mag-log in ng pensyonado sa kanilang My.SSS account dahil ma-access ang facility na ito sa SSS website, www.sss.gov.ph


***

Patuloy na tumatanggap ng aplikasyon ang SSS para sa bagong loan penalty condonation program nito.  Inilunsad ang Consolidation of Past Due Short-Term Member Loans with Condonation of Penalty Program (Conso Loan) para tulungan ang mga miyembro na mayroong past-due loans sa SSS. Sa ilalim ng programa, hindi na sisingilin ang kaukulang penalties o multa ng kanilang past-due loans. Sa halip, ang tangi na lamang nilang babayaran ay ang orihinal o principal amount at interes nito.


Sakop ng Conso Loan ang salary loan, calamity loan, Salary Loan Early Renewal Program (SLERP), emergency loan at restructured loans gaya ng Loan Restructuring Program (LRP) noong mga nakaraang taon.


Samantala, maaari nilang bayaran ang prinsipal at interes sa pamamagitan ng one-time full payment, o kaya’y bayaran kahit 10% nito bilang down payment at ang natitirang balanse ay babayaran ng installment sa loob ng hanggang 60 buwan o limang (5) taon, depende sa halaga ng kanilang pagkakautang.


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

Upang makapagrehistro sa My.SSS, maaari kang magtungo sa SSS website (www.sss.gov.ph) at magparehistro sa Member portal. Kailangang punan mo ang lahat ng kinakailangang impormasyon. Tandaan na ang irerehistrong e-mail address ay kailangang aktibo at nagagamit pa dahil dito ipadadala ng SSS ang link para i-activate at magamit mo ang iyong My.SSS account. 

Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System - SSS” o sa X, ang dating Twitter, sa @PHLSSS. Maaari ring mag-subscribe sa YouTube channel sa “MYSSSPH”, at sumali sa SSS Viber Community, “MYSSSPH Updates”. Maaari kayong magpadala ng inyong concerns at katanungan sa usssaptayo@sss.gov.ph.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page