top of page
Search

Pinagminumura raw ni P-Digong si Health Sec. Duque.

Wala lang, ganu’n lang!

◘◘◘

NILABAG ng telecom ang direktiba ni P-Digong.

Nagpuputol pa rin sila ng linya sa mga hindi nakakabayad.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MURDER ang kaso ng pulis na nakapatay sa isang sundalo sa checkpoint.

Isang malaking aral ini!

◘◘◘

BUMABALIK na ang Malacañang sa kandungan ng mga Kano.

Mas malaki kasi ang “hinaharap” ng U.S.!

◘◘◘

NABIBISTO na raw ni P-Digong na plastic ang mga Tsekwa.

Kwidaw, hindi ‘yan nabubulok!

◘◘◘

KINUKUMPIRMA ng intel kung talagang nakapasok na sa ‘Pinas ang 3,000 Chinese soldiers.

Kung ang lahat ng mamamayan ng China ay nagdaraan sa mandatory military training, eh —baka 500,000 ang sundalong Tsino ang nasa bansa!

◘◘◘

PATUNGO na ang daigdig sa hydrogen fuel.

Sangkatutak ang mina ng hydrogen sa kailaliman ng karagatan sa paligid ng Pilipinas.

Kung ang ginastos na bilyun-bilyon piso kontra COVID-19 ay gagamitin sa pag-develop ng hydrogen fuel—maaaring biglang yaman ang ating bansa!

◘◘◘

KAHIT ang wave energy mula sa alon ng dagat ay mayaman ang Pilipinas—pero bakit hindi ito ginagamit?

Kailangan ng Pilipinas ang isang batambata, matalino at modernong lider sa Malacañang!

◘◘◘

MAY trabaho naman ang mga taga-ABS-CBN gamit ang ibang TV network.

Hindi totoong nagsarado sila sa pagbabalita.

Kitam, sino ang naglabas ng “fake news” na mawawala sa ere ang “kanilang mga newsreader”?

 
 

Wala pa ring masakyan ang mga obrero.

Praktis lang ‘yan sa transport strike!

◘◘◘

MAHIHIRAPAN nang magwelga sa mga kalsada.

Ito ay dahil sa Anti-Terrorism Bill!

◘◘◘

HINDI na makakaporma ang kaaway ng gobyerno.

Maaaresto sila kahit suspetsa lang!

◘◘◘

MAGBATI na ulit ang US at ‘Pinas.

Lagot ang China!

◘◘◘

HINDI na sinusunod ang payo ng WHO.

Nagbalik na sa normal ang buong mundo!

◘◘◘

MAY over supply na ng facemask at alcohol.

Bagsak na dapat ang presyo nito!

◘◘◘

KAWAWA naman ang mga nagdarahop na estudyante.

Hinahanapan sila ng kompyuter sa bahay!

◘◘◘

DAPAT libre na ang Wi-Fi sa buong bansa.

Bakit walang umeeksena riyan?

◘◘◘

BUBUKSAN na rin ang mga beach at resort.

‘Yan ang malaking tama: Open air d’yan kaya ligtas sa COVID-19!

◘◘◘

NAKABALIK na sa normal ang ekonomiya.

Pero, maraming negosyo ang tuluyang nagsarado!

◘◘◘

SIGAW ng isa sa likuran.

Hindi pa normal ang buhay sa Maynila.

Bakit?

Wala pa kasing mandurukot at isnatser!

◘◘◘

TULOY ang laboratory ng shabu.

Malakas ang benta nila, may pang-iskor kasi ang mga benepisaryo ng SAP!

◘◘◘

SA totoo lang, marami ang nagpa-rebond ng buhok matapos ang ayuda ng gobyerno.

Nalosyang daw sila nang ilang buwan!

 
 

Tuloy pa rin ang Visiting Forces Agreement sa US.

Huhhh, buwelo sa giyera?

◘◘◘

NANALO raw ang ‘Pinas kontra COVID-19.

Nakupo, kusang lumilipas ang anumang virus!

◘◘◘

NAGREREKLAMO ang mga mandurukot.

Paano sila makakapaghanapbuhay kung may social distancing sa MRT at LRT?

◘◘◘

MARAMING negosyo ang tuluyang nagsarado.

Ang mga empleyado ang dapat bigyan ng ayuda!

◘◘◘

AYAW mag-apply ng kapitbahay ko sa Balik-Probinsiya program.

Kasi may pinapipirmahan pa.

Baka raw ‘pag bumalik siya sa Maynila ay ma-“shut-2-kil” siya.

He-he-he!

◘◘◘

ALAM ng mga eksperto na walang gamot sa lahat ng klase ng virus.

Bakit kayo nangangako ng gamot?

◘◘◘

SINTOMAS talaga ang ginagamot sa virus at pinalalakas lamang ang immune system laban dito.

Kahit ang bakuna—ay pinalalakas din ang naturalesa ng pisikal na katawan upang makadepensa kontra virus.

Immune system palagi ang pangontra sa virus.

‘Yun lang naman, tama o mali?

◘◘◘

KAWAWA ang mga obrero.

Gustong magtrabaho pero ayaw bigyan ng transportasyon.

Sila ay timawa sa sariling bayan!

◘◘◘

KAHIT ang libu-libong OFWS ay ginawang hampas-lupa sa panahon ng COVID-19.

Noong dumating, inisnab at ikinuwartin bago pauwiin sa probinsiya!

◘◘◘

DUMADAGSA ang mga barko ng China sa Panatag Shoal sa Zambales.

Isang sagpang lang ng China ang Central Luzon!

◘◘◘

DAPAT magbalik-normal na ang emosyon ng mga nasa gobyerno.

Hanggan ngayon, utak-COVID-19 pa rin sila!

◘◘◘

HANGGANG ngayon—walang linaw kung ano ang COVID-19.

Eh, bakit?

◘◘◘

HINDI nagpapaliwanag si Bill Gates sa tsismis na may kinalaman siya sa pagkalat ng pandemic.

Lalo siyang sumikat!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page