top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg
Search

Ikinuwento ng sexy actress na si Ivana Alawi, 23, sa Magandang Buhay nitong Lunes (Marso 3) ang karanasan niya sa panghuhusga ng iba sa pisikal na anyo o kulay ng isang tao. Biktima rin daw kasi ng panghuhusga ang kanyang ina.

Isang Moroccan ang father ni Ivana, si Samier Al-Alawi at sa Bahrain siya lumaki kasama ng kanyang dalawang nakatatandang kapatid at sa nasabing bansa niya naranasan ang panghuhusga ng iba.

Umpisang kuwento ng sexy actress, “Kasi nag-aral kami sa Bahrain. So more of, like, mga Arabs ang nandu’n.”

Hands-on daw talaga ang kanyang mommy na isang Filipina, si Fatima Marbella sa kanilang magkakapatid kaya’t ito na rin ang sumusundo sa kanila sa school.

“And then, nu’ng sinusundo niya kami... May iilang tao, mga estudyante saka ‘yung nanay, mababa ‘yung tingin sa mga Pilipino.”

At harap-harapan daw nilang tinanong si Ivana ng “Is that your helper?” na agad niyang binuweltahan ng “No! That’s my mom.”

Katwiran pa ni Ivana, “Para sa akin, huwag mong mamaliitin ang mga Pinoy kasi masisipag kami, and we work [hard] talaga.”

Bata pa lang si Ivana nang maghiwalay ang mga magulang niya at nagdesisyon ang kanyang inang bumalik sa Pilipinas.

Noong panahong ‘yun ay ipinagbubuntis daw ng kanyang ina ang GMA-7 child star na si Mona Louise Rey, ang bunso sa kanilang apat na magkakapatid.

Habang nasa ‘Pinas at nangangarap para sa kanyang future, ang ina raw niya ang hindi nagsawang suportahan ang pangarap niyang mag-artista sa kabila ng mga pinagdaanan niyang rejections.

“Ang dami! Sa mga commercials, lahat reject talaga, eh. Tapos after nu’n, si Mona, lahat natatanggap. So, sabi ko, ‘Baka sa kanya... for her na lang.’”

Maagang nakapasok sa showbiz si Mona. Sa edad na 5, nagsimula siyang mapanood sa mga teleserye ng GMA-7 tulad ng Munting Heredera, Aso ni San Roque at Bukod Kang Pinagpala.

Sinubukan ni Ivana na sumali sa ABS-CBN reality show na Pinoy Big Brother. Sa pagkakatanda pa raw niya ay nasa pang-mahigit 10,400 siya sa pila. Nakasama raw sa “shortlist” si Ivana, pero hindi na siya nakatanggap ng “callback.”

Muntik na nga raw siyang sumuko dahil napapagod na siya. Pati sa GMA-7 reality show na StarStruck ay bigo ring makapasok si Ivana noong 2015.

Fourteen years old si Ivana nang magsimula sa TV commercials, at 21 years old na siya nang unang lumabas sa telebisyon bilang “extra.”

Kahit maliit lang ang kanyang role ay madalas daw siyang samahan ng ina sa mga taping at tinutulungan pa siya sa throw lines niya kahit 2 lang ang kanyang linya.

Nang magdesisyon si Ivana na tigilan na ang showbiz, pinag-isipan daw niya kung mag-aaral pa ulit bukod sa natapos niyang kursong Pastry Arts. Pero hindi raw nawalan ng pag-asa ang kanyang ina na balang-araw ay susuwertehin din si Ivana sa pag-aartista.

Nag-send ang kanyang ina ng mga pictures ni Ivana sa limang managers at nang i-meet niya si Perry Lansigan na manager din ni Dingdong Dantes, diretsahan niyang sinabi rito na “sexy” ang gusto niyang tahaking career sakaling kunin siyang talent nito.

Pumayag daw agad si Perry at ipinasok siya sa Araw Gabi, ang teleseryeng pinagbidahan nina Barbie Imperial at JM de Guzman noong 2018.

Pero mas napansin si Ivana bilang girlfriend ni Gustavo, played by the late Eddie Garcia sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Noong 2019, isa si Ivana sa mga bida ng ABS-CBN primetime series na Sino Ang May Sala? kasama sina Jodi Santamaria, Bela Padilla, Tony Labrusca, Ketchup Eusebio at Kit Thompson.

Sa sumunod pang kuwento ni Ivana, mas nakilala raw siya noong maging aktibo siya sa paggawa ng YouTube vlogs mula noong August, 2019 kung saan madalas napapanood ang pagiging sexy niya, pero kuwela at walang arte kung kumilos sa bahay. Madalas din niyang kasama sa kanyang vlogs ang ina, pati ang bunsong kapatid na si Mona.

Pagpasok ng taong 2020, meron nang mahigit three million subscribers si Ivana, at ngayon ay umabot na sa 4.58 million.

February 7, 2020 nang opisyal siyang pumirma bilang exclusive artist ng ABS-CBN. Pagbibidahan niya ang teleseryeng Ang Lihim ni Ligaya.

 
 

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, pinasalamatan ni Kris Aquino ang dalawa niyang anak na sina Bimby at Josh for taking care of her amid her health challenges.

In an Instagram post, Kris revealed that last month, she fell out of her bed.

“I took a tumble from my bed a day after my birthday, my windows are all soundproof, but the door isn’t. I kept shouting for help (in a household w/ more than a dozen staff) but in my estimation, it took more than 20 minutes before 2 people came, by then I was already crying uncontrollably... we now have a baby monitor in my bedroom,” share ni Kris.

Ikinuwento rin ni Kris na pagkatapos siyang mahulog sa kama nu’ng isang buwan, nadulas naman siya sa shower room nu’ng isang araw kung saan si Bimby ang tumulong at umalalay sa kanya para makatayo.

She then thanked Josh and Bimby for assisting her when she was physically in pain.

Dagdag pa ni Kris, “Life is far from perfect but this mom knows how blessed she is because of her 2 ‘giants’.”

Naku, paano makakabalik sa showbiz si Kris kung ganyang mahina pa rin ang kanyang katawan at madalas naaaksidente?

Kailangang magpalakas ni Kris para na rin sa kanyang dalawang anak na kawawa naman kung lagi siyang may sakit.

 
 

‘Pantasya ng Bayan’ ang masasabi ngayon sa Kapamilya actress na si Ivana Alawi dahil sa pagkakaroon ng ganda ng mukha, seksing katawan at sex appeal.

Naging usap-usapan lately sa socmed ang pagpo-post ni Ivana ng daring two-piece sa ilang pictorials. At dahil kasikatan at pantasya ng kalalakihan, maraming showbiz personalities ngayon ang nauugnay sa kanya at kabilang dito ang aktor-pulitiko na si Laguna Congressman Dan Fernandez.

Sa isang viral social media post ng isang netizen, makikita ang naging pagde-date umano ni Ivana at ng 54-year-old na actor-politician.

Mas uminit pa ang pagkakaugnay nina Ivana at Dan nang mag-celebrate ng kanyang birthday ang sexy star sa Amerika noong 2018 kung saan nandu’n din diumano ang aktor-pulitiko. Hindi na nabanggit kung si Dan ang gumastos sa nasabing birthday celebration ng sexy actress sa U.S..

Makikita ring magkasama sa parehong bansa (Amerika) ang sexy star at actor-politician dahil sa mga naging social media posts nito.

Matatandaang sa naging panayam kay Ivana dati sa Tonight with Boy Abunda, isa sa mga naitanong ng host na si Kuya Boy Abunda sa sexy actress ay kung nililigawan ba siya ng actor-politician.

Sagot ni Ivana, “No, we’re friends. Yes, I won’t deny it, we go out with friends. Pero we’re not romantically involved. No! (why not?) Kasi babaero siya, ayoko ng babaero.”

Dagdag pa niya, “Please, ‘wag na. Ayoko ng ganu’n, gusto ko ‘yung mamahalin ako. Stick to one.”

Matatandaan naman na sa huling panayam din kay Ivana ng It’s Showtime host na si Vice Ganda sa programang Gandang Gabi Vice, buong-ningning niyang pinangatawanan na siya’y single pa rin ngayon.

Ganeeeeern?!

Well, muling magbabalik-serye si Ivana sa ABS-CBN sa Ang Lihim ni Ligaya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page