top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | November 9, 2023




Nakitang duguan habang inililipat sa sasakyan ang nawawalang kandidata ng Miss Grand Philippines 2023 na si Catherine Camilon, ayon sa mga awtoridad.


Ayon kay Major General Romeo Camarat Jr., direktor ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), dalawang saksi ang lumitaw na nagsasabing nakita nila ang beauty queen nu'ng gabi ng Oktubre 12.


Nakita diumano ng dalawang saksi na inililipat ang duguang si Camilon sa isa pang sasakyan ng tatlong hindi kinilalang lalaki at isa rito ay tinutukan sila ng baril.


Kinumpirma ng pulisyang nakilala ang isang gunman sa rogue's gallery ng CIDG dahil sa hitsura nito at mga tattoo sa katawan.


Matatandaang pumutok ang pagkawala ng kandidata kamakailan nang lumapit ang kanyang ina sa isang programa sa radyo at nanawagang bumalik na ang kanyang anak sa kanilang tahanan.


 
 

ni Jeff Tumbado / Benjamin Chavez @News | October 6, 2023




Sumuko na sa tanggapan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang anim na pulis na isinasangkot sa pagpaslang sa 17-anyos na binatilyo na si Jemboy

Baltazar sa Navotas City.


Ang nasabing pagsuko ng mga pulis ay kasunod ng paglabas ng arrest warrant sa kasong murder laban sa kanila ni Presiding Judge Pedro Dabu ng Navotas City Regional Trial Court (RTC) Branch 286.


Araw ng Miyerkules, Oktubre 4, nang sumuko sa tanggapan ng CIDG Provincial Headquarters sa Camp Nakar, Lucena City sina Police Executive Master Sgt. Roberto Balais, Jr.; Police Staff Sgt. Gerry Maliban; PSSgt. Antonio Bugayong, Jr.; PSSSgt. Nikko

Pines Esquilon; Police Cpl. Edmard Jade Blanco at Patrolman Benedict Mangada, dating

mga nakatalaga sa Station Drug Enforcement Group ng Navotas City Police Office.


Agad sumalang sa booking process at documentation ang mga pulis na kapwa napatunayang nagkasala sa pagpatay kay Baltazar noong Agosto 2 sa pumalpak na operasyon dahil napagkamalan lamang ang binatilyo na suspek.



 
 

ni Gina Pleñago | March 22, 2023




Iba’t ibang uri ng mga baril ang nadiskubre ng awtoridad makaraang magpatupad ng search warrant sa isang condominium unit sa Makati City.


Ikinasa ang joint operation ng mga operatiba ng CIDG-Anti Organized Crime Unit, PDEA NCR, Makati City Police Station Intelligence Section, Poblacion Police Substation at SWAT-TMR Makati para sa implementasyon ng Search Warrant 23-17 dahil sa paglabag sa RA 10591.


Sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte para sa isang Taiwanese national na kinilalang si Jiang Zhang Xiaodong alyas Lu Ming Chung, ginalugad ng mga awtoridad ang unit na nagresulta ng pagkakatuklas ng 13 na 5.56 rifles; 12 na revolver; 53 na pistols; anim na folding submachine gun; at isang FN P90 5.785.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page