top of page
Search

Doble-kara ang kasarian, buking na macho papa ang secret lover

ni Chit Luna - @Yari Ka! | October 15, 2020


Isa sa mga kinikilalang magiting na mambabatas ang ating bida. Matikas, matapang at palaban lalo na sa mga isyung dapat ipaglaban para sa bayan. Ngunit sa kanyang panlabas na anyo, iba pala ang kanyang pagkatao.


Dahil ang matikas kuno nating mambabatas ay meron palang “macho papa”! At ang chika pa ay dating koronel ang secret lover ng ating bida.


True ‘yan, hindi puwedeng may mang-api sa kanyang lover, always to the rescue ang ating bida sa ngalan ng pag-ibig!


Knows n’yo ba na may matinding pinagdaanan ng mag-dyowa. Nakatakdang mapatalsik noon si secret lover sa puwesto, ngunit ayaw niyang isuko ang kanyang posisyon. Nagkaroon ng hostage sa loob ng kampo na hindi naman masyadong umingay dahil nagawan ng “paraan” — ang hostage taker — kontrobersiyal ding heneral.


Walang nagawa ang mambabatas, pinababa sa puwesto ang kanyang lover para hindi ito masaktan at pagkaraan ay sumabog ang ilan pang illegal activity ng kanyang lover.


Pero ang lahat ng ito ay ginawang ng paraan ng ating bigating bida na kahit matibay ang ebidensiya laban sa kanyang macho papa ay shala, naabsuwelto ito!


Sa kabila nito, merong asawa ang ating mambabatas na bida. Gustung-gusto nga raw niya ang kanyang esmi kaya nang malamang may karibal, aba, binayaran niya ito nito at tinakot pa, kaya nagpunta na lamang sa ibang bansa ang kawawang karibal at hindi na sila ginulo.


Wow, astang faithful husband lang ang peg?! Ibang klase, ang pagiging doble-kara ng kanyang kasarian, hindi matatawaran!


Pak na pak!

 
 

ni Chit Luna - @Yari Ka! | October 1, 2020


Isang opisyal mula sa kilalang paliparan ang nagbuking sa mismong boss nito na umano’y mas gusto na palaging may huli kasi may malakihang “kita”.


Kamakailan, may nahuling party drugs at mamahaling bags sa airport.


Masayang bungad ng abogado kuno sa ating importante, “May story na naman kayo dahil may huli kami at masaya na naman si Boss.”


Ayon sa ating maya at tainga, sa tuwing pupunta siya sa opisina ng BOC palagi niyang nilalaglag ang kanyang boss—baka hindi ito nabibigyan ng parte? Ha-ha-ha!


Ito na nga’t nagkaroon nang matagumpay na operasyon, nasakote nito ang mga party drugs at mamahaling bags.


Dumaan ang nasabing mga packages sa x-ray machine at subject for physical examination ng Custom examiner na naging ugat sa pagkakadiskubre ng mga illegal na kontrabando.


Lumabag sa batas ang consignee sa violation of section 1400 at 1113 of R.A. no 10163 ng CMTA sa ilalim Ng BSP foreign exchange transaction manual.


Napag-alamang ang tauhan ni “Boss” ay nagpapangap na abogado, samantalang hindi naman ito pasado sa bar, pero in fairness ay marunong ang ating bida!


‘Yun nga lang, mahangin talaga ang ating bida dahil ayon sa mga kasamahan nito, mas tumindi ang yabang niya nang madale ito ng COVID-19.


Hirit ng iba, baka naapektuhan ng ‘swab test’ ang utak nito. At pagbibiro ng tunay na lawyer, “Naku, ha? Palagay ko ay alam din ng “Boss” mo ang iyong mga diskarte!” Bukingan pa more!

 
 

ni Chit Luna - @Yari Ka! | September 29, 2020


Sinibak dahil napatunayang korup na opisyal ng pamahalaan, pero muling itinalaga sa sensitibong posisyon sa Department of Trade and Industry (DTI), ‘yan ang ganap ng ating bida ngayon.


“Alyssa Pera-dente”, na dating hawak ang isa sa mataas na puwesto sa Bureau of Custom, ‘yan ang ‘bandage’ sa kanya.


Noong 2018 ay inimbestigahan siya ng Kongreso dahil sa kinasangkutan nitong korupsiyon sa Customs. Ang akusasyon ay ang pagpapalabas niya ng mga illegal container sa Customs.


At nang napatunayang illegal ang ginagawa ng ating bida, walang nagawa si ‘Bossing’, kundi ang sibakin siya.


‘Yun nga lang, makaraang lumamig ang isyu, hero na naman ang walanghiya!


Well, itinalaga lang naman siya bilang isa sa mga may ‘high official’ sa DTI pangunahing katungkulan niya ang pamamahala ng ‘juicy project’ na attached agency ng DTI.


Pero ang tanong ng mga utaw, bakit hinayaan ito ng kalihim ng DTI?


Anila, ito ay dahil mas kailangan ng bansa ngayon ang isang taong mapagkakatiwalaan para makatulong sa industriya na hinahagupit ng pandemya. Weh, ‘di nga?!


Ganu’n? Sa halip na isang nilalang na puwedeng maging sandigan ng naghihikahos na ekonomiya ng bansa, “recycled appointee” talaga ang itinalaga? Huwaaaw!


Wala na bang makuhang matino, ‘yung walang bahid ng kawalanghiyaan? Bagyo ba talaga ang kapalmuks nating bida kaya kahit buking na sa kalokohan ay pinagkatiwalaan pa rin ito ng ‘sensitibong posisyon’? Aba, mahirap na’t baka pagkaperahan lang niya ‘yan, hindi naman sa panghuhusga pero parang ganu’n na nga. Ha-ha-ha!


Ang sa atin lang, sa halip na sa ‘napatunayang korup’, bakit hindi na lamang ang mga next in line na nasa ilalim ng civil service commission category ang bigyan nila ng chance?


FYI, basura lang dapat ang nire-recycle, hindi opisyal ng pamahalaan. Ay, teka, basura rin pala ang mga korup na opisyal. Oops!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page