top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | February 4, 2021


ree

Umakyat na sa dalawa ang bilang ng mga nasawi sa ammonia leak incident sa ice plant sa Navotas City na naganap noong Miyerkules.


Ayon kay Chief of the City Disaster Risk Reduction and Management Office Vonne Villanueva, ang pangalawang biktima ng insidente ay isang electrician at residente ng Malabon City.


Narekober ang katawan nito ngayong Huwebes nang umaga. Saad ni Villanueva, "Bale ngayong umaga nga po, nakita natin 'yung katawan po ni Mr. Joselino Nazareno, siya po ay 54 years old, empleyado po ng T.P. Marcelo.


"Kagabi, noong pumasok kami rito, tiningnan namin 'yung impact site. Siya po ay nakita ngayong umaga, nakasiksik po sa gilid po na medyo malayo po, 20 metro ang layo mula roon sa impact site.


Siguro na rin po, dahil sa kondisyon noong mga panahon ngayon, dahil malakas pa ang amoy, hindi na-search nang masinsin.”

 
 

ni Lolet Abania | February 3, 2021



ree


Ipinag-utos ni Navotas City Mayor Toby Tiangco ang agarang paglikas ng mga residente sa kahabaan ng Radial Road 10 matapos mai-report ang isang ammonia leak sa Barangay North Bay Boulevard South ngayong Miyerkules nang hapon.


Ayon kay Tiangco, nagmula ang leak ng ammonia sa T.P. Marcelo Ice Plant and Cold Storage. “Ang likod po niyan is residential area facing R-10 so kaagad pong pumunta ‘yung Bureau of Fire natin doon at ‘yung mga ambulansiya para ilikas po ‘yung mga matatanda at saka ‘yung mga bata,” sabi ng alkalde.


“Sinagad na namin along R-10 (ang evacuation) kasi ‘yung T.P. Marcelo is facing North Bay Boulevard pero ‘yung likod nu’n, puro residential. Papuntang C-3 ie-evacuate na namin,” dagdag pa ni Tiangco.


Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.


Samantala, kinumpirma ni Tiangco na isa ang namatay habang maraming residente ang isinugod sa pagamutan matapos makalanghap ng amoy mula sa ammonia na tumagas sa nasabing ice plant.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page