top of page
TEKA NGA - KIM, BIGLANG INIWAN ANG CAREER SA ‘PINAS PARA TUMIRA SA CANADA_IG _chinitaprinc
Search

by BRO @News | September 29, 2026



63 ANYOS NA AMERIKANO, PATAY MATAPOS HAMPASIN NG BANGKO SA BOHOL - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang isang 63-anyos na Amerikanong turista matapos umanong hampasin ng bangko ng kanyang nakaaway sa isang bar sa Alona Beach, Panglao, Bohol, alas-11:45 ng gabi noong Sabado, Setyembre 26.


Kinilala ang biktima sa alyas na Britt, na naka-check in sa isang resort sa Barangay Tawala.


Ayon sa pulisya, nag-away ang biktima at ang suspek na si alyas Robert, 41, na kapwa umano lasing. Nauwi sa suntukan ang kanilang pagtatalo hanggang sa kumuha ng bangko ang suspek at ipinukpok ito sa biktima.


Nawalan ng malay si Britt at isinugod sa ospital, pero idineklarang patay pagdating doon.


Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at inihahanda ang kaso laban sa kanya. Patuloy ding sinusuri ang CCTV at kinakausap ang mga saksi.

 
 

ni Gina Pleñago @News | April 23, 2026



NCAP - MMDA

Photo: Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)



Gagamit na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng CCTV cameras para sa paghuli sa mga nagkakalat at ilegal na paradahan.


Ayon kay MMDA General Manager Nicolas Torre III, ang panukala ay ipatutupad sa ilalim ng "No Contact Apprehension Policy" (NCAP).


"Puwede nating magamit ngayon 'yan ang ating mga cameras, hindi lang sa apprehension ng mga sasakyan kundi sa other violations gaya ng garbage and illegal parking," ani Torre.

Nasa 450 CCTV cameras ang nakakalat sa Metro Manila sa  ngayon.


"Nagtapon ka d'yan, 'di ka man mahuli ng tao, ire-review namin ang CCTV, malalaman namin kung sino ka. Ipapadala namin sa barangay," paliwanag niya.


Pangunahing problema umano ang solid waste management, na batay sa naitala sa loob lamang ng taong 2025, nakakolekta ang ahensya ng pitong tonelada ng basura sa mga daluyan ng tubig.


 
 

by Janice Baricuatro @News | March 4, 2026



Oil Depots in Middle East

Photo: Ang mga fraternity shirt, ID, damit, at isang plastic envelope na may lamang iba’t ibang dokumento na narekober sa inabandonang sasakyan na umano'y ginamit ng mga suspek sa naganap na hazing sa Cavite. (Janice Baricuatro)



Sinilihan ang ari, binunutan ng kuko at ngipin, ito umano ang ilan sa malagim na sinapit ng isang 19-anyos na estudyante ng BS Maritime Transportation na nasawi dahil sa matindi umanong hazing sa Dasmariñas, Cavite.


Kinilala ang biktima na si Kenneth Alcedo, isang freshman student, na dinala sa isang ospital sa General Trias noong Linggo ng hapon ng tatlong binatilyong sakay ng kotse.

Ayon sa ulat ng pulisya, duguan at wala nang malay si Alcedo nang isugod sa emergency room. Ipinahayag umano ng mga nagdala sa biktima na ito ay na “hit and run.”


Gayunman, matapos maipasok sa ospital ang estudyante, agad umanong naglaho ang tatlong kasama at iniwan ang biktima.


Sa resulta ng isinagawang pagsusuri ng mga doktor, lumitaw na hindi aksidente ang tinamo ng binata. Tadtad umano ito ng malalalim na pasa at sugat sa katawan at mukha. Ayon sa ospital, malinaw na senyales ng hazing ang mga pinsala na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.


Mas lalong ikinagulat ng pamilya ang diumano’y matinding pagpapahirap na dinanas ng biktima. 


Batay sa mga pahayag sa social media ng mga kaanak at kaibigan, binunutan umano ng kuko at ngipin si Alcedo at nilagyan pa ng sili ang maselang bahagi ng kanyang katawan.

Sa follow-up operation ng pulisya, narekober sa Brgy. Panungyanan, General Trias ang abandonadong sasakyang ginamit umano ng mga suspek. Sa loob nito ay natagpuan ang mga fraternity shirt, ID, damit, at isang plastic envelope na may lamang iba’t ibang dokumento.


Ayon sa mga otoridad, may mga natukoy na silang persons of interest batay sa mga ebidensiyang nakuha sa sasakyan at sa mga CCTV footage na nakalap sa lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page